Ysha
Nabigla kami sa sigaw na ginawa ni Janine. Lumapit ako sa kanya para tanungin kung anong nangyari sa asawa niya.
"Janine anong nangyari?!"
"Ysha! Si Marc! Nabaril siya! He can't leave me. Hindi ko kakayanin. Paano ang anak namin!"
Walang tigil sa pagiyak si Janine. Sumilip naman ako kay Aj para humingi ng suporta. Lumapit naman samin si Aj at tinapik tapik ang balikat ni Janine. Pinanlakihan ko naman siya ng mata kasi iniisip niya pa ata na magseselos ako.
"Janine wag kang magalala hindi ka iiwan ni Marc. Malakas ang kapit ng gagong iyon"
Napangiti na lang ako kay Aj. Lalaking ito hindi alam ang salitang pagpapatahan pero kapag kay Aj nanggaling parang imbes na mabahala ka mas makakaramdam ka ng assurance.
Napalingon naman kami ng may boses kaming narinig. May maliit na nilalang na tumakbo palapit kay Janine at yumakap lang. Mukhang ang batang ito ay hindi palaimik pero makikita mo naman na mahal na mahal niya ang mama niya.
"Janine mabuti pa maligo muna kayo parehas ibigay niyo na lang sakin ang damit niyo para malabhan at mapatuyo. Pupuntahan natin si Marc"
Ngumiti lang sa akin si Janine pero makikita mo ang pasasalamat sa ngiti niya. Kinarga niya si Martin pabalik sa kwarto nila. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Aj. Bumaling naman ako kay Aj.
"Maligo ka na"
"Sabay tayo? Gusto mo?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Aj. Tawa naman siya tawa dahil sa reaksyon ko. Lalaking ito agang aga pinagtritripan na naman ako! Hinampas ko siya sa dibdib kasi ang manyak niya.
"Manyak! Hala sige maligo ka na!"
Tawa lang ng tawa si Aj hanggang sa makapasok siya sa banyo. Napapangiti na lang ako dahil sa kalokohan niya. Inimis ko muna lahat ng kalat sa bahay bago ako naligo. Binigay naman sa akin ni Janine ang mga damit nila. Inasikaso ko muna iyon dahil walang susuotin ang magina.
Nang lumabas si Aj sa banyo inagaw niya sa akin ang mga iyon at siya na daw ang gagawa. He is dripping dahil bago labas lang siya sa banyo. Nakatapis lang siya at hindi ko mapigilang sumilip sa abs niya. Napalunok naman ako mga 10 beses.
"Baby wag ganyan baka matunaw. Ligo ka na dali"
"A..a.no matigas I mean maliligo na ako"
Tumakbo ako papuntang banyo at naririnig ko na naman iyong nakakaasar niyang tawa. Hmp! Pasalamat siya may abs siya dahil kung wala! Magwowork out kami! Akala niyo iiwan ko siya? Never!
Napapatawa na lang ako sa sarili kong kabaliwan. Naisip ko tuloy paano kaya ako natitiis ng mga magulang ko? Buti hindi nila ako pinaampon ng maaga hahahaha.
Naligo na ako at nagayos. Nang matapos naman ako pumasok sa isip ko bigla ang ayos ni Janine ng malaman niyang nabaril si Marc. Its crazy how love can turn us into another person. Base sa kwento ni Aj hindi ko maimagine na magwawala siya ng ganun. Well kahit naman siguro ako baka lang hindi ako magwala ako mismo ang papatay sa bumaril kay Aj.
Pagkalabas ko may maliit na batang sumalubong sa akin. Ang gwapong bata! Kapag nagkaanak ako ng babae gusto ko siya ang partner.
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
Storie d'amoreWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017