Ysha
Alam niyo ba iyong feeling na nagising ka mula sa isang magandang panaginip? Iyong andiyan na ang hinahangad mo pero panaginip lang pala ang lahat?
Hmm ako kasi hindi! Grabe nararamdaman kong maloloka ako ngayong araw sa dami ng events na mangyayari. Maaga akong nagising pero so totoo lang parang hindi din ako natulog.
Kinakabahan kasi ako! My wedding is unlike any other wedding. Imbes na korona ang nasa buhok ko, graduation cap. Bakit? Syempre pakana ng yummy fiance ko. Feel na feel niya ang pagiging student at teacher naming dalawa.
Syempre before the wedding nandiyan ang graduation ko. Sa ngayon nga kinakabahan ako dahil paano kung magkamali ako sa speech ko? Paano kung madulas ako mamaya? I want everything to be perfect.
Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon ng dress ko para sa graduation. Natatandaan ko pa na kasama ko si Aj ng nakita ko itong damit. Halos walang oras din naming nilibot ang mall dahil wala siyang mapili. Siya kasi iyong gragraduate kaya siya iyong pumipili ng damit.
Yes! Conservative ang lolo niyo sa damit. Aba kulang na lang iyong pangmadre na lang ang ipasuot niya sa akin. In the end nagsettle kami sa isang off shoulder knee length dress. Pinagawayan pa namin iyon dahil nakikita daw balikat ko.
"Aj, ito okay na ba?"
Ipinapakita ko ngayon kay Aj iyong nakita kong damit. Sa totoo lang parang nalove at first sight ako sa damit. The color and design is really nice. Perfect for the occasion.
Kaso halos umusok ako ng makita kong nakasimangot si Aj. Para na akong nagmomodel dahil kanina pa ako nagsusukat ng damit.
"Ayoko niyan! Kita balikat mo!"
Pinipigilan ko iyong sarili kong magalit. Alam ko na conservative siya at ako ay kanya lang. Typical men attitude! Pinaikutan ko na lang siya ng mata pero hindi ko kayang pakawalan iyong damit. Mababaliw na ako sa kakahanap.
"Baby ito na lang! Balikat lang naman iyong kita eh. Tapos hanggang tuhod na din naman ito"
Umiling lang siya. Alam kong kapag siya ang nagsabing hindi, hindi talaga. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Imagine kanina pa kaming twelve dito! Mag aalas-otso na pero wala pa din.
Binitawan ko iyong damit at naglakad ako ng mabilis. Nararamdaman ko naman na sumusunod siya sa akin. Nang lalabas na sana ako ng mall hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Uuwi na tayo?"
Hindi ko siya tinignan. Alam kong alam niya na galit na ako. Kanina pa kasi kami nagiikot, pagod na ako. Gusto ko na lang humiga at matulog.
"Baby talk to me"
"Ihahatid mo ba ako o magtataxi na lang ako?"
Walang emosyon kong sabi sa kanya. Hindi naman sa pinapalaki ko iyong gulo. Pagod na pagod lang talaga ako. Hinihintay kong sumagot siya pero nakatitig lang siya sa akin. Sa huli sinamahan niya ako sa sasakyan niya at hinatid ako.
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband
RomanceWe fall in love by chance. We stay in love by choice. Start: May 10, 2016 End of Book 1: April 6. 2017
