C3~Nakakahiya

52 5 2
                                    

[A/N: Read first before vote po! Thanks!]

Sunshine's POV

Nakarating kami sa room na pagod na pagod.

Hayy..

Nakita ko na wala pa naman si mam kaya pumunta ako sa second floor kung saan nandoon yung room ni Prince Storm ko.! Whahaha..

Pero di ko lang alam kung papansinin ako kasi may pagka suplado yun eh.

Unti-unti akong sumilip at yown!! Nakita ko ang gwapo niyang mukha.

Nagbabasa tapos walang katabi. Lahat ng estudyante nag-aaral.

Basa dito, basa doon. Wala na silang ginawa kundi basa lang at sulat. Karamihan naka glasses pa nga ng malalaki. Puro naman panget mga ka-klase niya. Walang maganda. Pag ako pumunta sa room nila, ako siguro pinakamaganda! Haha! Chos!!

Tinititigan ko lang siya ng biglang may kumalabit sa likod ko.

Lutang ako kaya di ko yon pinapansin. Nagwa-gwapohan kasi ako kay Prince Storm ng buhay ko eh.hahaha.

Hindi ako humaharap sa kumakalabit sa akin.Tapos bigla itong nag-salita

"Hoy Ms. Alcantara! Di ka pa ba tatabi diyan? Dadaan na ako Magtuturo na ako."pagalit na sabi ng nasa likod ko pero di masyadong malakas. Kainis istorbo.

Pero di ako tumitingin sa likod ko.

"Mamaya ka na dumaan sinisilip ko pa si Price Storm oh!" sabi ko kahit di ako tumitingin sa likod ko

hanggang unti-unting napapatingin sa akin lahat ng estudyande sa loob.

Yumuko habang naka ngiti kasi pati si Storm my labs na naka tingin sa akin.Tapos biglang tumawa lahat ng estudyante.

Lumalakas ang tawa nila.

"Kainus kasi ito istor----" di ko na natuloy sasabihin ko dahil pagharap ko, nagulat nalang ako ng bumungad sa akin ang galit na galit na si Mr. Cruz

"Ano? Di ka pa ba tatabi??" galit niyang sabi.

"Ahhh--Ehh.... Sorry po.. " sabay bow ko. Nakakahiya yun ah.

Umalis na ako dun.. Kainis yung sir na yun. Di man lang sinasabi na meron na pala siya.

Papalapit na ako ng room ng biglang naramdaman kong tahimik sa room namin. Meron sila pero tahimik at naka tingin sa harap.

Ano kayang nangyari? First time ko lang silang nakitang ganito ah.

Nasa tabi na ako ng pintuan namin tapos nag ingay ako.

"Make some noise madlang people!!!" lakas kong sabi!.

Nasa akin ang lahat ng attention nila.Pati ang nasa harap na teacher Hindi ko alam na meron na pala teacher namin. Napahiya nanaman ako dun ah.

"Late ka na nga sa klase ko Ms. Alcantara, mag iingay ka pa?"

Napayuko ako dun sa sinabi ni mam.
Nakakahiya talaga.

Tapos nag-tawanan sila.

"Hoy! Wag niyo ngang pagtawanan si Sunny Babes ko ha!" sabi ni Xander.

Pumunta nalang ako sa upuan ko ng nakayuko. Nakakahiya talaga ngayong araw.

[A/N: Hi guys. Its me again! Lalalala! Please comment and vote na rin po! *muah muah* Enjoy!]

Kaaway Ko Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon