Sunshine's POV
Its new day nanaman! Oh.. Ganda ng sikat ng araw.. Tumayo na ako at nagimulang mag-stretching.
*unat-unat* *suntok-suntok* *sipa-sipa* *talon-talon* *takbo-takbo*.
Pagkatapos non ay kinuha ko na yung towel ko.. Maliligo na ako!!
After how many minutes.. Natapos rin sa wakas..
Nagtoothbrush ako tapos nagbihis...
Tinignan ko ang whole body mirror kong pink..
"Ohh.. Ganda mo talaga Sunshine.. Ingatan mo sarili mo ha. Kain ka ng marami. Take care of yourself. And of course, love yourself." sabi ko na kinakausap ang salamit. Wala eh. Singel ako eh...
Pagkatapos non ay ibinulsa ko na sa may blouse ko yung picture. Yung picture ni Storm nung bata. Tinignan ko yun.. Ang cute niya talaga!! Gagawin ko yung pang-asar sa kanya para mag sorry na siya..
Nag breakfast kami ng tahimik. Ganon naman lagi eh. Laging tahimik lang. Walang nagsasalita. Wala namang pinagbago.
Tapos na brush ako uli.
Tapos yun.. Naglakad na ako papuntang school. Malapit lang naman yun eh.
Sa school..
Agad akong nagtungo ng locker room. Nandun yung PE uniform ko eh. Mag pra-practice nanaman syempre.. At nilagay ko rin ang picture sa bulsa ng jogging pants ko.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako ng room..
Pagpasok ko, nakita kong busy sa pag eexcersise.. Hay naku. Para lang talaga sa pizza to eh..
Maya-maya, lumabas kami sa room. Papunta kami sa oval field ngayon. Kaming runners naman ang tuturuan ni Buntot.
Tinuturuan niya ako kung paano ibigay ng tama ang stick sa susunod na tatakbo.. Alam niyo yung ipapasa mo yung stick sa ka-team mo tapos siya naman yung susunod na tatakbo?
[A/N: Gets niyo ba yung paliwanag ni Sunshine?]
Habang tinuturuan ako ni buntot kung paano ang tamang pagpasa ng stick, nakita kong naglalakad habang nagbabasa si Storm my labs!!.. Natigilan ako sa ginagawa ko. Napapangiti nalang ako kasi sa naisip kong plano kong gagawin kong pang asar sa kanya yung picture.
"Hoy Sunshine! Ako naman pansinin mo oh! Lagi ka nalang Storm jan" natigilan ako sa sinabi ni buntot at napatingin sa kanya.
Tinuloy lang namin ang ginagawa naming pag pra-practice. Malapit na ang laban! Kailangan pa naming paghusayan.
Maya-maya ay dumating si mam. Lahat kaming magkaka-klase ay napatingin sa kanya at napatigil sa mga ginagawa.
Gumawa kami ng bilog. Pinalibutan namin si Ms. Evangelista. Mukhang may sasabihin kasi.
"Kailangan pa na ting galingan mga Section D! Kahit tayo ang pinakamababang section, kayang kaya natin ito!!.. Fighting" sigaw ni mam habang tinaas ang kanang kamay..
"Fighting!" sabay-sabay naming sabi
"Para sa pizza" sabi naman ni Cupcake.
"Para sa pizza!!" masiglang-masigla naming sinabi.
Pagkatapos non ay nakita ko si Storm na mag isang nakaupo sa bench habang nagbabasa.
"Hoy Storm! Di ka ba talaga mag sosorry sa ginawa mo dun sa pagpapahiya mo sa kin ng dahil sa letter?! " sigaw ko na galit na galit sabay upo sa tabi niya... Ni hindi manlang ako pinansin??!! Kainis talaga!! Ka badtrip.!!
"Hindi ka talaga mamamansin ha?! Eh kung ipagkalat ko kaya ito sa lahat?"sabi ko at tinaas ang picture na nakangiti..
Tinignan niya ang hawak ko. Gulat na gulat siya sa nakita niya. Hahaha..Kukunin na niya sana to pero di niya nakuha..
"Sunshine!!" galit niyang sabi
"Bleh bleh bleh!!" sabi ko sa kanya sabay labas ng dila...
Hinabol niya ako ng hinabol
Takbo dito..
Takbo doon.
Para lang kaming bata..
Napahinto ako kasi pagod na ako. Ayoko ng tumakbo talaga.. Napahinto rin siya. Pawisan at talagang pagod na.
.
.
.
.
.
.Pauwi na ako. Naka simangot ako ngayon kasi napagod ako. Wala akong ganang maglakad. Para na akong lasing mag lakad eh. Pagewang gewang.
Hindi niya nakuha ang picture sa kin. Hahaha. Tinulungan kasi ako ng kambal na ilayo sa kanya yung picture.
Ngayon ay nasa akin yung picture na wala siyang kaalam alam...
[A/N: Sorry po sa short update. Mas nakaka kilig at enjoy na po sa mga susunod pang chapter. Abangan niyo nalang po. Please vote and comment po. Salamat ]
BINABASA MO ANG
Kaaway Ko Si Crush
Teen FictionAnong gagawin mo kapag naging ka-enemy mo si crush? Magiging crush mo pa kaya siya? Eh paano kapag pareho rin kayo ng bahay ni crush? Anong gagawin mo? Magpapapansin ka pa ba? BABALA: NAKAKAMATAY ANG KILIG. KAYA RELAX AT UMUPO. WEAR YOUR SWEETEST SM...