C9~Love Letter

38 4 1
                                    

[A/N: Read before vote po. Enjoy]

Sunshine's POV

Kumpol-kumpol ang estudyante dito sa harap ng school.

"Para po ito kay Sunshine Rein Alcantara. Magbigay naman po kayo ng konting donasyon. Gumuho po yung bahay nila na kagagawan po ng mild earthquake. Nabalitaan niyo naman po sana kahapon diba? Napabalita pa po sa tv." sabi ni Xander gamit ang megaphone. Napansin ko rin na may hawak na dalawang malaking box yung kambal. Naka sabit ito sa leeg na nila habang yung iba naman estudyante ay nag bibigay ng pera! Haisst..

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod para di nila ako makita. Ayoko kasi ng center of attraction. Nakakahiya kasi.

Pero.....


Bigla akong nakita ni Candy tapos sumigaw

"Ayun siya oh!" turo niya sa kin habang dahan-dahang naglalakad papunta sa likod. Patay...

"Oh. Nandito pala si Suuny my labs!, Sunny babes! Punta ka dito!" sabi niya gamit ang megaphone. My labs my labs ka jan. Pssh

Ayaw kong gumalaw pero bigla niya akong hinila sa harap ng karamihan.

"Ano ka ba Sunny babes! Nahiya ka pang lumapit sa kin.Dahil ba, ganon nalang ako ka pogi. Masyado na ba akong gwapo ha?" sabi niya ng pabulong. Pshh yabang talaga...

Madami dami na ang nagsisisdatingan ang mga estudyante. Nagtago nalang ako sa may katabing puno. Kakahiya kaya.

"Hoy Storm! Di ka man lang mag dodonate. Ha?!" tanong na pagalit na sabi ni Buntot.

Nagulat ako kasi si Storm yan. OMG!

Lumapit si Storm sa amin at nagsalita. "Mild Earthquake lang yon. Kasalanan yon ng bahay nila. Nagpapagawa pa kasi ng bahay, di rin lang matibay." Sabi ni Storm saka tumalikod.

Bago pa makapaglakad si Storm ay nagsalita muli si Xander. "Ganyan ka ba talaga ka bastos at di ka man lang magbigay ng donation?" galit na galit na si Xander.

Biglang lumingon si Storm at lumapit sa donation box. Nilabas niya yung wallet niya tapos kumuha ng 5,000 pesos. Ilalagay na sana nito ng bigla akong nagsalita

"Wala kang karapatan laitin ang pinaghirapan namin. Nagtrabaho ng mabuti si papa para dun."mangiyak ngiyak kong sabi. Tumakbo nañang ako papunta sa room namin. Pinatong ko ang ulo ko sa table ko tapos nagsimulang umiyak. Natapos ang dalawang subject namin hanggang sa recess na.

Nagsulat ako ng love letter para magsorry at magpasalamat kay Storm. Nilagay ko rin don kung pano ko siya ka mahal. English yung ginawa ko. Nakakahiya kasi pag tagalog eh.. Wala kong pake kung wrong grammar yun. Basta maibigay ko lang.

Dinala ko yung loveletter tapos nakisabay na ako sa kambal na magrecess..

masaya kaming nagkwe-kwentuhan nang makita kong di alam ng babae kung pano gamitin yung machine na mag sho-shoot ang coins para maka kuha ng isang coke in can. Ako lang ang nakaka alam ng technique kung paano makakuha yung coke.

Pinababa ko yung leggings na tinakpan ng palda ko

Lumapit ako sa babae at pinatabi ko siya ng konti. Gumawa ako ng stretching sa neck at sa kamay. Lumayo ako ng konti sa machine tapos sinipa ko yun..

Lumabas yung coke in can. Oh Diba astig ko?!...

Kinuha ko yung coke in can tapos binigay ko sa babae. Kinuha niya lang yon tapos di nagpasalamat. Aissh. Sama talaga ng mga babae dito.

Umupo ako muli sa upuan ko. Sa harap ng kambal. Malayo pa lang ako ay naririrnig ko na ang tilian ng mga babae. Sure akong si Storm na yun. ..

Hinanda ko na yung loveletter ko. Nung natatanaw ko na siya, naninigas na ang buong katawan ko. Napatayo nalang ako.. Pero nang malapit na talaga siya., di ko nagawang maibigay ang loveletter sa kanya.

Nakita ko na nahihirapan din siya ilabas yung coke in can sa machine. Agad na sumigaw yung tinulungan kong babae kanina ng."Sunshine! Tulungan mo si Storm!" napatunganga nalang ako dun. Basta kasi pag lalapit siya eh di ako makagalaw. Naninigas ako.

"Sunshine! Sunshine! Sunshine!" sigaw ng lahat ng estudyante dito sa cafeteria.

*Gulp* ... Ano gagawin ko?

Storm's POV

Sa wakas. Ginawahan na ako ni author ng POV!! Yes!!!

Ok. Ok. Balik na tayo sa nangyayari ngayon

Hiyaw sila ng hiyaw. Nag che-cheer sila kay... Sunshine!!??

Agad na lumapit siya sa may machine na naninigas???

Para siyang robot maglakad. Hahaha..

Huminga siya ng malalim. Binaba niya ang leggings niya na tinakpan ng palda niya.. Gumawa siya ng stretching sa neck at kamay. Umatras siya ng konti tapos tinaas ang paa para sipain ang machine. Tapos nahulog na ang coke in can.

Pssh. Yun lang pala eh..

Humarap sakin si Sunshine tapos may inaabot siya. Inabot niya yun ng nakayuko.. Ano yan love letter? Punong puno kasi ng heart yung envelope...

Tapos......

[A/N: Nabitin ba kayo?? Haha.. Sorry na po. Peace yow. Basta abangan niyo nalang po kung tatanggapin ni Storm yung love letter o babalewalain niya. Sa ngayon po, mag vote and comment nalang po kayo. Salamat po ^_^]

Kaaway Ko Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon