C6~Mild Earthquake

35 3 2
                                    

[A/N: Please read before vote po. Salamat po!]

Sunshine's POV

Gumagalaw lahat ng bagay. Nagpapanic na kaming lahat dito. Tapos lumabas na lang kami ng bahay na puro hiyaw hiyaw.

Nakalabas kaming apat. Ako, Buntot, at yung dalawang kambal at-- ngek. Asan si papa?!

"Nasan si papa?!!!!" nagpapanic kong tanong. Ngunit nag kibit-balikat lang sila.

Guhong guho na ang bahay! Shemay!

"PAPA!PAPA!"sigaw ko ..

Tinawagan ko na ang mga taga rescue

Akala niyo wala akong phone no?! Haha. Meron. At ito pa ang uso ngayon. Regalo to sakin ni buntot noong birthday ko. Nung bago nag start ang story na to, birthday ko muna..haha.

Dial ######

"Hello?. Please po..paki save po ang papa ko dito sa Dyosang Sunshine Street. Dito po sa Barangay niyo!"

"Ha? Ano pong sinasabi ninyo madam? Jollibee delivery po ito . hindi po kasama sa amin ang pag rescue sa papa niyo!" sabi ng kausap ko sa phone.

Agad kong tinignan yung naka phonebook. Ay! Jollibee Delivery pala ito . haha Sorna. Peace yow! Pahiya ko dun ah

"Ah sorry po mali po natawagan . sige po bye" agad kong sabi

Nag dial nanaman ako.

Dial ##########

"Hello?!" sabi ko

"Hello po madam. San po ba yung irerescue?"

"Ah!DITOPOSADYOSANGSUNSHINESTREETDITORINPOSABARANGAYNIYO!"sabay sabay kong sabi

"Ah. Ano po?" tanong niya. Hay pano ba to! Pano naging taga rescue eh bingi pala.! Kainis oh. Nawawala si papa!!!

"Gusto talaga ulitin ko pa?"

"Yes madam. Paki ulit"

"Ano ba yan manong! Nawawala po ang papa ko!"

"Oh . saan po kami pupunta?"

"Ay aba syempre dito sa naguhong bahay"

"Eh saan po ba?"

"Eh sa dyosang sunshine street po! Paki bilisan!. Wala na papa ko oh di namin mahanap!"

"Ah ok po. Pupunta na po kami. Ah basta madam. Mag dial lang po kayo ng 1265430 agad naming pupuntahan bahay niyo.! Laging handa kami! To the Rescue po! Bye" sabi sa kabilang linya

Pinatay ko na yon. Kainis! Lagi daw handa? Pshh.

Ilang minuto pa, dumating ang taga rescue at may media. WAIT What?!! May media pa talaga? Aba sosyal..

Sumisigaw din ang tatlo dito. Sumisigaw ng papa psshh..Nakiki papa din sila psssh. FC sila. Feeling Close kay papa.

Naki sigaw na rin ako. Syempre nag vivideo yung mga taga media sa likod ko eh kaya parang nag-aalala talaga ako ng husto kay papa. Alam kong buhay pa siya, si papa pa? Hahaha. Kaya niya yun. Malakas pa. Pero di talaga ako sure kung buhay o marerescue pa siya.

Ilang minuto lang, na rescue si papa. O to the M to the G! Buhay pa siya!!

"Papa!!"sigaw ko habang niyakap ng mahigpit si papa. Patalon-talon pa akong nakayakap sa kanya. Ilang segundo lang, kumalas na din ako sa pagkakayakap sa kanya sabay tanong na "pa! Bakit naiwan po kayo sa loob? Akala ko po naka sunod kayo sa amin kanina nila kambal?"

"Oo nga po papa. Kala ko po nakasunod kayo samin kanina" sabi ni Cupcake. Aba! Nakikipapa rin ah. Aba tinde!

"Papa! Pinag-alala niyo ako ha!" sabi naman ni Xander na mukha talagang nag aalala. Parang nababakla na ata. Haha. Pssh.

"Wow ha! Just wow! Tinatawag niyong papa ang papa ko ha?!yung Pagkain na nga kanina inagaw niyo sa kin Pati papa ko aagawin niyo rin?" kunwaring galit ko sa kanila.

"Bes to naman. Syempre papa na rin namin ang papa mo kasi diba magkakapatid tayo? Diba dyosa pa tayong tatlo? Diba?diba?" sabi ni Cupcake ..

"Ah oo nga dyosa tayo! Cge Group hug tayo!"

"GROUP HUG!" sabay sabay naming sabi.

Pagkatapos ay tinignan namin ang bahay. Guhong guho talaga. Natumba lahat. At pinalibot namin ang tingin namin. Nakita namin na nakatayo pa ang ibang bahay.

"Pa! Bakit ganun? Tayo lang po yung naguho ang bahay?! Yung iba po eh maayos na maayos at talagang nakatayo talaga?!"

"Ah. Eh di ko rin alam anak eh." sabi ng tatay

"Eh san na po tayo titira?"

Kinapa-kapa ni papa yung pantalon niya at nilabas yung phone at may kinausap siya.

Sino kaya yun? San kaya kami titira?

[Paalala! Vote and Comment po muna! Thanks! Love you guys *muah*]

Kaaway Ko Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon