Sunshine's POV
School:
Im here na sa school! Yehey! Miss ito na to ah! Lunes kasi ngayon. Nag flying kiss ako sa gate. Pinagtitignan ako ng mga esyudyante. Ngayon ko lang na realized na para na pala akong baliw dito kasi sumasayaw ako habang papunta ng room. Hehe. Nag peace sign nalang ako syempre.
Nakarating ako ng room. Nandito na si Kambal. Sinalubong naman ako agad ni Buntot.
"Good Morning sa pinaka maganda kong mahal na sinag ng araw na may kasamang ulan! Hi Sunny Babes! Miss me?!" bumungad sa akin si Buntot
"Sinag ng Araw na may kasamang ulan?!" pagtataka kong tanong
"Eh diba Sunshine Rein Alcantara pangalan mo?!, Sunshine means araw at Rein means ulan."
"Hahaha.. Rein! As in R-E-I-N! Hindi ulan na R-A-I-N!" hahaha.
"Pero kahit na! Kahit na mali ako! Pogi parin.!"
"Pshh. Di ka rin lang pala epal, feelingero ka rin pala." sabi ko with mataray tone
"Im gwapo diba Sunny Babes!?!'
"Wow ha lumevel up si Buntot ngayon! May pa-english english na ha!" sabi naman ni Candy habang inaayusan yung buhok ng isa naming classmate =_=
Araw araw nalang ba silang nagpapaayos? Kaloka ha=_=
Natawa naman ako dun sa sinabi ni Candy. Nag upgrade na siya. I mean, lumevel up na. Taglish na eh. Dati, pure Filipino.
"Upo ka na! Baka you napapagod na na standing there!" sabi ni Buntot sa kin. Napailing iling nalang ako habang nagpipigil ng tawa at diretsyong pumunta sa upuan ko.
Agad kong binaba ang bag ko at kinuha ang librong math. Hihi! Pag aaralan kong mabuti ang algebra. Ito yung libro na sinagutan ni Storm.
"Bes! Gusto mo, i-braid ko yang hair mo?" tanong ni Cupcake.
"Baka naman may bayad yan Bes?!" tanong ko. Baka kasi magpabayad eh baka singilin ako.
"Wala! Free na! Basta ikaw!" sabi niya.
Dali dali kong kinuha yung libro ko at umupo na habang si Bes Cupcake naman ay inaayos ang maganda kong buhok.
Pilit kong iniintindi ang algebra. Haysst . hirap parin eh. Panu to! Kailangan kong pumunta ng Section A! Gusto kong makita lagi si Storm my labs ko.
Nakatutok lang ako sa libro. Ganda talaga ng sulat ni Storm ko!
Bigla nalang may humugot mula sa likod ang libro na hawak ko.
"Hoy ah! Anu to! Si Storm ba nag sagot sa mga ito?" tanong ni Cupcake.
Ngumiti ako at pinipilit ang kilig. Kapag naririnig ko kasi ang pangalan niya, napapakilig nalang ako bigla.
Agad na nagsilapit sa amin ang mga tsismoso at tsismosa. Narinig siguro ang pangalang Storm.
"Hoy ano yan ah!" sabi ng classmate kong isa na punong puno ng make up ang mukha.
Kinuha niya ang libro.
"Ah!! Ka bahay mo na nga si Storm! Tutor mo pa?!" taka nilang tanong
"Ah oo!" yumuko ako. Hihi. Nakakahiya
"Pwede ba akong magpatulong sa kanya!" tanong ni classmate payat
"Ako rin!" sigaw nung isang lalaking medyo chubby
"Ako rin!" sigaw naman nung isang classmate kong isa sa madaldal sa klase!
Halos lahat na sila, nagsisigawan ng ako rin! Aish! Sigurado akong magagalit si Storm sa kin. Huhu! Poor me!
Storm's POV
Nag punta kaming park ni Thunder. Wala kasi siyang klase ng hapon ngayon at yung teacher naman namin ng hapon, wala. Baka nagpa spa. Kaya walang klase.
Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay. Malapit ng mag gabi kaya naisipan naming umuwi na.
Bubuksan na sana namin ang pinto pero agad na nagsalita si Thunder.
"Kuya! Bakit ang daming shoes dito!"
Nagkibit balikat nalang ako. Baka may bisita si mama.
Pagpasok ko, bigla akong nagulat sa nakita ko. Bakit parang pamilyar sa akin ang mga mukha ng tao dito! Aish. Anong nanaman bang kalokohan ang ginawa no Sunshine Rein Alcantara!!
[A/N: hoooolllooooo!! Galit nanaman si Storm! Haha. Abangan niyo nalang po kung ano ng next na mangyayari! Please vote and leave some comments po. Salamat]
BINABASA MO ANG
Kaaway Ko Si Crush
Teen FictionAnong gagawin mo kapag naging ka-enemy mo si crush? Magiging crush mo pa kaya siya? Eh paano kapag pareho rin kayo ng bahay ni crush? Anong gagawin mo? Magpapapansin ka pa ba? BABALA: NAKAKAMATAY ANG KILIG. KAYA RELAX AT UMUPO. WEAR YOUR SWEETEST SM...