[A/N: Read before vote po! Thanks!]
Sunshine's POV
Hinatid na namin sila buntot at kambal kanina.
Nandito kami ngayon sa tapat ng gate ng kaibigan ni papa. Sinilip ko ito mula sa bintana ng van namin. Malaki at malawak. Talagang mayaman ha. Wow!
Nasa tapat ng gate ang van namin. Bumaba si papa. Nakita ko na sabik na sabik itong pumunta sa loob. Nag bell siya at biglang may lumabas na lalaki na kasing edad niya at babae na maganda. May pagka fashionista. Babaeng babae ang dating dahil naka dress pa ito kahit hapon na.
Di pa ako bumababa. Mamaya muna siguro. .. Ilang minuto lang ay naisipan ko na ring bumaba. Nagbuhat muna ako ng isang karton. Shemay! Ang bigat ha. Paglingon ko bigla akong nagulat.
"Ay! Malanding Palaka!!" Gulat kong sabi. Paano naman kasi! Kaharap ko na si Storm ko!
Sabay tanong niya ng "What are you doing here?!" gulat na gulat siya.
"Oooh.. You english english me ha?! Dont english me okay?!" galit kong sabi.. Siguro naman naintindihan niya yon kahit wrong grammar! Di ako masyadong nagsasalita ng english eh.
"Psshh.. Wrong grammar pa!. Sinusubukan ko lang naman yung galing niya!" pabulong niyang sabi.
"Ano sabi mo?!" tanong ko
"Wala! Bingi ka pala!" sabi niya tapos pumasok na sa loob ng magandang bahay. Ah. Bahay pala nila to. Yes!!! Siguro naman mapapansin na niya ako... Hay anu ba yan. Nakakahiya! Yung english ko kanina.
Habang naglalakad siya, sumigaw ako "Storm! Di mo ba ako tutulungan?!" patuloy pa rin siya sa paglalakad.
"Hindi tayo close!" sabi niya habang hindi lumingon sa kin.
Ah oo nga naman, di pala kami close eh. . binuhat ko nalang ang mga yon paisa isa.
Nang matapos na lahat ay pumasok ako sa loob. Nagkwe-kwentuhan pala sila papa at yung papa niya siguro yun. Talagang close sila. Nakita ako ng mama ni Storm. Nilapitan niya ako tapos niyakap ng mahigpit. Edi niyakap ko na rin. Nakakamiss lang kasi si mama.
"Hello Sunshine!" bati sa akin ng mama niya ng matapos ang pagyayakapan namin.
"Ha! Eh!-- Hello po!" masigla kong bati tapos nag bow.
"Siguro tinatanong mo kung pano kita nakilala?! Haha. Nakwento ka sa akin ng papa mo kanina. Sabi niya,may anak daw siyang babae. Naexcite ako kasi ako lang mag isa dito sa bahay namin na babae kaya yun. Gusto mo tignan natin yung hinanda kong kwarto? Sure akong magugustuhan mo yun!" na eexcite niyang sabi.
"Ah sige po!" sabi ko nalang.
Umakyat kami ng hagdan. Dalawa lang ang kwarto dito at may isang kwarto sa baba. Tinignan namin yung kwarto ko. Wow! Makalaglag panty naman sa ganda to! Puro pink lahat! Kumpleto
"Sige alis na ako ha! Ayusin mo na mga gamit mo jan.! Wag kang mahihiyang bumaba mamaya !"
"Ah sige po salamat po!" naka ngiti kong sabi habang nag bo-bow
Ilang oras akong nag-ayos. Nakakapagod din pala. Bumaba na ako. Pagdating ko sa kusina, naka handa na ang ibat-ibang pagkain. Si papa ang nagluto kasi naka apron eh. Tinabihan ko si papa na umupo. Kaharap ko ngayon si Storm at syempre ang papa, mama, at cute niyang kapatid. Kumakain si Storm habang nagbabasa ng libro. Ganun din ang kapatid niyang cute. Nagulat nalang ako ng biglang nagsalita yung kapatid niya.
"Ma!, ayoko siya dito!" sabay turo sa kin. Nagulat naman ako dun.
"Hoy!.kumain ka nga lang." pagalit na sabi ng mama niya.
"Mukha siyang bobo!" sabi ng kapatid niya.
Galit ko siyang tinignan samantalang yung mama niya ay patuloy siyang sinusuway.
"Ma! Kung di siya stupid, ipa basa mo nga to!" sabay abay abot niya sa libro. Kinuha ko yun. Mga chinese ang laman. Pano ba yan. Di ko alam magbasa ng mga ganito.
Sinubukan kong basahin yon. Tinanong niya sa kuya niya kung tama ba yung pag eexplain ko. Sana tama. Please lord. Please. Ayaw ko na pong mapahiya.
Tinigna niya yung binasa ko. Inexplain niya at binasa yon. Puro mali mali yung sinabi ko kahina. Haiyytss. Wala man lang tama. Nakakahiya tuloy kay crush.
"See?! Di siya marunong! Magbasa na nga lang di niya pa alam."
Aba! Salbaheng bata to ha! Kainis!.
Natapos kaming kumain. Umakyat na ako sa maganda kong kwarto at matutulog. May pasok na pala kami every sunday kaya aagahan ko ang pag-gising ko! Whahaha!!
[A/N: Wag niyo pong kalimutan. Pindutin ang vote at mag comment na rin po kung gusto niyo ^_^]
BINABASA MO ANG
Kaaway Ko Si Crush
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kapag naging ka-enemy mo si crush? Magiging crush mo pa kaya siya? Eh paano kapag pareho rin kayo ng bahay ni crush? Anong gagawin mo? Magpapapansin ka pa ba? BABALA: NAKAKAMATAY ANG KILIG. KAYA RELAX AT UMUPO. WEAR YOUR SWEETEST SM...