C20~Wow! Pizza Pie!

24 3 3
                                    

[A/N: This chapter is para po sa kanila: VALERIEYU026 , silver_29 at cutehellokittyzai... hihi ^_^]

Sunshine's POV

Nandito kami ngayon sa room. Pagod kaming lahat dahil sa competition kanina..

------flashback-------

Hindi ko alam kung kanino ko dapat ibibigay itong stick habang tumatakbo ako ngayon. Inaabot ni Xander at Storm ang stick...mula sa akin??

Habang papalapit ako ay pumikit nalang ako.. Minulat ko ang mata ko at ibinigay yun kay....... Storm.

Hinablot naman ni Storm yung stick.. nila na binigay ni Cassandra-yung Section A na runner.

"Dumb" sabi ni Storm sabay takbo papuntang finish line.

Nagising ako sa katotohanan. Nagulat din si Xander sa ginawa ko. Tinignan ko yung stick na hawak ko sabay abot na kay Xander.

"Bibilisan kong pumunta sa finish line para sa 'yo Sunny babes" sabi ni Xander sabay takbo.

Tumakbo ng pagkabilis bilis si Xander hanggang sabay na sabay silang tumatakbo papuntang finish line. Napatunganga nalang ako dito.

Nauna si Storm sa finish line. Ibig sabihin, talo kami dahil sa kin :(

---------end of flashback--------

Dito kami sa sahig umupo ngayon. Wala yung mga upuan namin kasi pininturahan.

"Dahil natalo tayo!" sabi ni mam ng nakangiti, "Wala akong gagastusing pera ngayon! Yahoooooo!!" sayang-saya si mam. Biglang napalitan ng kalungkutan ang mukha ni mam. "Pero, hindi ko matatawag si Prof. Weasley na baby!!! Huhuhu!" iyak ni mam.

"Huhuhu!" sigaw naman ng iba habang nagyayakapan sa lungkot.

Maya-maya ay sabay-sabay silang tumingin ng masama sa kin.

"Oh.. Bakit?" tanong ko nalang

"Anong bakit ka dyan!..Dahil sayo Sunshine! Wala tayong pizza ngayon!!" sabi ni Cupcake habang umiiyak. Papadyak padyak pa siya sa floor.

"Huhuhu!!" sabi ko rin. Nakakaiyak kasi eh. Walang pizza!!!

"Wag niyong pakasalanan si Sunshine!" sigaw ni Xander. Nakatingin kaming lahat sa kanya. "Ako ang pakasalanan niyo dahil di ko yun naabot papuntang finish line"

Ilang minuto na ang lumipas, may narinig kaming papasok. Napatingin naman kaming lahat.

"Hello!" sabi ni..Tita Lenica? May hawak siyang limang box

"Pizza para sa inyo! Mag miryenda tayo!" masayang masaya niyang sabi.

Agad kaming nagsitayuan.

Kinuha naman agad ni Cupcake ang box at pinatong sa teachers table.

Nagkwento kami about kay tita at nag share ng ibang memories naman ang classmates ko.

Nag groufie din kami syempre..

Nabusog talaga kami ng sobra.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko.

Inaayos ko yung libro na gagamitin namin. Hindi ko na nilabas yung english book ko. Nakakahiya kasi. Puro about kay Storm lahat ng nandun.

May kumatok. Sure akong si Storm na yun. Nakilig naman ako bigla. Pero syempre pinigilan ko kasi baka marinig niya yung malakas kong tili..

Dali ko itong binuksan. Binigyan niya ako ng activity nanaman na gagawin.

Sa ngayon, seseryosohin ko na talaga ang pag-aaral para mapunta ako sa section A.!

Nag pri-print siya ng mga tanong na sasagutan ko.. Hay.. Dami naman.! Math pa man din...

Bigla namang may nagbukas ng pinto.. Hinayaan ko lang yun..

Storm's POV

Busy sa pag sasagot si Sunshine.

Nakatutok talaga siya sa pag-aaral.

Biglang may nagbukas ng pinto.. Nakita ko ang bata kong kapatid na gwapo, si Thunder.

"Kuya!, Tulungan mo naman ako dito." sabi ni Thunder.. Hindi yun napapansin ni Sunshine kasi sorbrang busy sa pagsasagot ng questions.

"Marami pa akong gagawin!. Mamaya ka nalang!" sabi ko kay Thunder. This past few days, hindi ko na natuturuan sa assignments niya dahil sa pagtuturo ko kay Sunshine.

"Ng dahil sayo! Wala ng oras sa akin si kuya.!" sabi ni Thunder ng galit na galit na nakatingin kay Sunshine habang ito naman ay busy sa pag sasagot sa answers niya.

Napatigil na lang siya sa pagsusulat. Mukhang may nakalimutan siya. Tumingin siya sa likod niya at nagsimula ng maglakad. Nang napansin niyang may nadaanan siya.. Tumingin siya kay Thunder at..

"Oh... Hi Thunder!" sabi niya ng masigla. Mukhang di niya alam ang nangyari kanina.

Napailing-iling nalang ako at tinuloy ang ginagawa kong test papers para pasagutin si Sunshine.

[A/N: Hi readers! Sorry sa kasi ngayon lang naka pag-update. Please vote and comment po. Salamat]

Kaaway Ko Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon