Maling Pag-ibig

312K 3.4K 193
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Bago pa man magsimula ang kwentong ito, magpapakilala na nga ako. Ako nga pala si Missy, isang normal na estudyante sa isang normal na paaralan. Akala ng madaming tao tahimik lang ako pero naku wag mo kong susubukan kasi pag ako napuno di kita uurungan! Kung tutuusin, wala naman akong maipagmamalaki sa buhay e. Di naman ako mayaman, di rin naman ako ganun katalino at di rin ako ganun kasikat pero kadalasan, ako ang takbuhan ng mga problemado kong kaibigan. Magaling daw kasi akong magbigay ng payo. Ewan ko nga kung totoo yun o binobola lang nila ako e. Kasi naman kung totoo yun, bakit di ko mabigyan ng payo yung sarili ko? Tama na nga muna yan.

Ay, bago ko makalimutan, may isa nga palang grupo dito sa paaralan namin na kung umasta sila ang mga hari dito. Aaminin ko, ayaw ko sa kanila lalo na dun sa bosing nila. Alam niyo ba kung bakit? Siyempre hindi kasi nga kakasimula pa lang ng kwento e. Pero sige, sasabihin ko na yung dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Una, ang hilig niyang mambabae. Linggo linggo na lang kung magpalit siya ng syota niya e. Anong akala niya sa mga babae, laruan? Pangalawa, ang hangin niya! Akala mo kung sinong gwapo e hindi naman masyado. Mayaman lang siya kaya ganun yun e. Pero kung di yun nabibihisan ng mamahaling damit, pupusta ako walang magkakagusto dun! Teka, masyado ng natutuon sa kanya yung kinukwento ko e. Basta AYAW KO SA KANYA! Tapos.

Nasa parke ako sa paaralan ng makita ko yung panget na si Josh. At katulad ng dati, may kasama na naman siyang babae. Ang malupit pa dun dalawa yung kasama niya. Saan ka pa? Tinitignan ko lang sila nung mga oras na yun tapos napansin niya na nakatingin ako sa kanila kaya bigla na lang siyang naglakad papunta sa direksyon ko.

"Utang na loob! Pag minamalas ka nga naman o!" Sabi ko sa sarili ko.

"Ahem." Biglang may nagsalita sa may tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Nagpanggap ako na nakatingin na lang sa kawalan at di siya naririnig.

"Ahem." Pag-uulit niya pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Ahem."

"May ubo ka ba? Kung meron, bumili ka ng gamot mo para naman di ka makahawa."

"Napansin ko lang naman kasi na nakatingin ka sa amin kanina e. May gusto ka ba sa akin ha?" Bigla niyang itinanong kaya nagulat ako.

"Ha! Asa!"

"Alam mo, ayos lang naman na umamin ka e. Sanay naman na ako dun." Alam mo yung masyadong mataas yung tingin sa sarili? Siyang siya yun e. Grabe lang talaga.

"Alam mo kung wala kang sasabihing matino, mauna na ako sa'yo ah. Para kasing biglang humangin ng malakas dito e." Tapos nilayasan ko na siya. Grabe talaga siya. Di ko na talaga maintindihan kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa dun! Ang sama ng ugali niya!

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon