Kabanata Walo

72.5K 876 13
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Huy! Awat na. Maawa ka naman sa kamay ko." Sabi ko kay Josh. Kanina pa niya hawak yung kamay ko e. Para bang ayaw na niyang bitawan.


"Ay. Pasensya ka na ha. Nadala lang. Hehe. " Sabi naman niya tapos sabay bitaw sa kamay ko.

"Hay nako. Nadala mo mukha mo."

"Missy, tanong lang. Bakit ka nakipagkaibigan sa akin? Hindi ka ba natatakot na baka mapaglaruan din kita katulad ng ibang babae. Alam mo naman na lahat ng mga nagiging malapit sa akin na babae, nagiging pampalipas oras ko lang." Biglang niyang tanong sa akin.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam e. Pero siguro dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako papayag na mangyari sa akin yung mga nangyari sa mga naging babae mo." Sagot ko naman sa kanya. Pero iniisip ko kung yun nga ba talaga ang dahilan ko o iba na talaga ito e.

Josh's POV

Magagawa ko nga ba sa kanya yung mga nagawa ko sa mga naging babae ko o ibang klase ng relasyon na talaga ito?

Ayun, umalis na rin si Missy. May gagawin pa daw kasi siya. Ako naman nagpunta muna sa kung saan para mag-isip. Mag-isip para malaman kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Naguguluhan kasi ako. Ngayon lang ako nagkaganito e. Wala naman kasi akong sineryoso sa lahat ng mga nakarelasyon ko - lahat pangkatuwaan lang. Kaya hindi ko alam kung anong mangyayari kapag tuluyan akong nahulog para sa kanya.

Missy's POV

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit talaga ako nakipagkaibigan dun sa mokong na yun e. Ang alam ko lang, baka sakaling di na niya ako guguluhin kagaya ng dati kapag magkaibigan na kami. Pero ewan ko ba, parang may iba pang dahilan at ang masama dun, hindi ko alam kung ano yung dahilan na yun.

Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako kasi may kotse sa labas ng bahay. Alam ko kung kanino yung kotse na yun kaya mas nagulat ako. Alam kong kay Paul yun. Pero bakit siya nandito?

"O Missy, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay nitong si Paul. Hindi ka na daw niya mahanap kanina kaya pumunta na lang siya dito. Saan ka ba kasi nagsusuot? Sinama-sama mo si Paul sa paaralan mo pero iniwan mo naman." Sabi nung nanay ko pagpasok na pagpasok ko ng bahay.

"Ayos lang po yun. Kasalanan ko naman po e. Umalis po kasi ako kanina. May binili ako tapos hindi ko na alam kung paano babalik sa lugar na pinag-iwanan ko kay Missy. Kaya wag niyo na pong pagalitan si Missy."Sagot naman ni Paul para sa akin.

"Ah. Ganun ba? Sige. Mag-usap na nga kayong dalawa." Sabi ni nanay tapos pumunta na siya sa kusina.

"Pasensya ka na ha. Nakalimutan kong puntahan ka dun sa bilihan. May kumausap pa kasi sa akin e."

"Ayos lang. Ano. Missy, pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na nga tayo o! Ikaw naman o, patawa ka naman e."

"Missy, seryoso 'to. Tara, wag tayong mag-usap dito."Seryosong sinabi ni Paul kaya nag-iba rin tuloy yung pakiramdam ko.

Sumunod naman ako kay Paul. Sumakay kami sa sasakyan niya. Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho. Mukhang seryoso nga talaga ito. Ano naman kayang pag-uusapan namin? Kinakabahan tuloy ako.

Huminto na sa pagmamaneho si Paul. Nasa isang parke kami. Teka lang. Alam ko 'tong lugar na ito e. Hindi ko lang maalala kung paano ko nalaman ito. Ay! Alam ko na!

"Paul, bakit dito mo gustong mag-usap?" Tanong ko sa kanya.

"Buti naman at naaalala mo pa yung lugar na 'to. Di ba dito tayo unang nagkita? Dito kita tinanong kung pwede kitang ligawan. Dito mo ako sinagot at sa kasamaang palad, dito rin kita iniwan."

Tama si Paul. Dito naganap lahat ng pinakamahalagang pangyayari sa pagsasama naming dalawa. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta rito. Ayaw ko na kasing maalala yung sakit nung iniwan niya ako. Kahit na mas madami yung masasayang pangyayari na naganap dito, masyadong masakit yung pag-iwan niya sa akin kaya ayaw kong pumunta dito.

Ikalawang taon ko pa lang sa hayskul nung nagkakilala kami ni Paul dito. May hinihintay akong kaibigan pero ilang oras na akong naghihintay wala pa rin. Hanggang sa umulan na at lahat. Ang masama nun, wala akong dalang payong kaya alam kong mababasa ako ng bonggang bongga. Pero nagtaka ako kasi hindi ako nababasa ng ulan. Inakala ko pa na may pumoprotekta sa akin na kung ano na hindi makikita ng normal na tao kaya hindi ako nababasa. Pero pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko siya, may hawak na payong at pinapayungan ako.

Nagulat ako nung mga panahong yun. Kasi hindi ko naman siya kakilala pero pinapayungan niya ako. Pagkatapos nun, madalas na kaming magkita sa parkeng yun. Matapos ang 3 buwan, tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Wala naman akong nakitang masama dun, kaya pumayag ako. Pagkatapos ng 2 buwan ng panliligaw niya, sinagot ko na siya. Kung iisipin, medyo mabilis pero wala e. Mahal ko na siya. Tumagal din kami ng lagpas 1 taon. Naghiwalay kami dahil sa isang bagay na hindi ko akalaing magigilang dahilan ng paghihiwalay namin - IIWAN NA NIYA AKO.

Pinapapunta na raw kasi siya ng mga magulang niya sa kung saan. Ay mali. Sa Singapore pala. Doon na daw muna siya mag-aaral. Kailangan din daw kasi siya dun. Kaya ayun, iniwan niya ako. Hindi man lang niya inisip na pwede naman sigurong subukan ang LDR. Nakipaghiwalay na lang talaga siya. Kaya nung mga panahong yun, parang binagsakan ako ng langit. Parang nasa balikat ko ang problema ng buong mundo. Ganun kasakit e. Tapos ngayon, nandito na naman kami. Ano na naman bang pakulo ito?

"Missy, ayos ka lang ba?"

"Ha? Oo naman. Ano ba yung sasabihin mo?"

Nagulat ako kasi bigla siyang lumuhod. Nakatingin siya sa akin tapos hinawakan niya yung mga kamay ko. Sabay sabi ng...

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon