Kabanata Dalawampu

42K 627 8
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Missy's POV

Gising na ako. Oo. May malay tao na ulit ako. Matagumpay yung operasyon. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Tinignan ko kung sino yung mga tao sa kwarto ko. Nandun si Pia, si Jed, yung nanay ni Pia, si Ralph at si. Teka lang. Bakit wala siya rito? Akala ko nandito lang siya palagi. Bakit ngayon wala siya? Ah! Baka naman masyado pang maaga kaya wala pa siya.

Tinignan ko yung orasan sa loob ng kwarto. Ang nakalagay dun, alas-tres na. Alas-tres ng umaga? Malabong mangyari yun e. Nag-uusap sina Pia dun sa upuan malapit sa pinto e. Ibig sabihin, alas-tres na ng hapon?! E, bakit wala pa siya? Hindi kaya, sumuko na talaga siya? Hindi ba muna niya hihintayin yung sasabihin ko?

Nung pakiramdam ko, nagsasawa na ako sa paghiga, sinubukan kong umupo. Napansin ni Jed na gising na ako kaya lumapit na sila sa akin at inalalayan ako para makaupo nga ako. Imbis na ako sana yung unang magtatanong, tinadtad na nila ako ng tanong e.

"Missy! Kamusta ka na? Kamusta na yung pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Tanong ni Pia.

"May masakit pa ba sa'yo ha? Gusto mo tawagin namin sa Doktor Serrano?" Tanong naman ni Jed.

"May gusto ka bang kainin? O baka may gusto kang inumin? Sabihin mo lang at bibili ako." Tanong naman ni Ralph.

"Ay nako. Kayo talaga o. Hinay-hinay lang kayo sa pagtatanong kay Missy. Pag yan nabigla baka magkaloko-loko pa." Sabi naman nung nanay ni Pia.

"Ah. Hehe. Salamat sa inyong lahat ah? Hindi niyo ako iniwan. Ayos naman na yung pakiramdam ko. Wala ng masakit. Wala rin akong gustong kainin o inumin ngayon. Gusto ko lang sanang malaman kung nasaan si Josh? Kailangan ko pa kasi siyang kausapin e." Bigla silang tumahimik. Ano ba talagang nangyari sa kanya ha? Iniwan na ba niya ako? Isang araw lang akong natulog wala na agad siya. Sira pala siya e. Akala ko ba mahal niya ako. E bakit niya ako nilayasan?

"Huy! Bakit tumahimik kayo diyan? Nasaan na ba kasi si Josh?" Di pa rin sila sumasagot. Masama na ang kutob ko ah.

"Ah. Missy, wag kang mabibigla ah." Sabi ni Pia.

"Bakit naman ako mabibigla? Asan ba talaga kasi siya?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ah. Kasi. Nasa ano siya e."

"Ay nako Pia. Umayos ka nga! Sabihin mo na kasi!"

"Jed, ikaw na lang magsabi."

"Ha? Sige na nga! Missy, nasa ospital si Josh."

"E? Nasa ospital naman tayo ah. Bakit di pa siya pumapasok dito?"

"Missy, mali yung nasa isip mo. Ang ibig kong sabihin, nasa ospital siya. Nawalan siya ng malay kahapon e. Hanggang ngayon di pa rin siya gumigising e." Di na ako nakapagsalita. Masyado akong nabigla na e. Masyado akong nalungkot.

Mayamaya umiiyak na pala ako. Kasi naman e! Di niya inaalagaan yung sarili niya! Puro na lang ako yung inaasikaso niya. Ni hindi nga kami pero ayaw niya akong pabayaan. Josh naman kasi e!

"Missy, wag ka naman umiyak o. Makakasama yan sa'yo e."

"Oo nga. Tumahan ka na. Nawalan lang naman ng malay si Josh e. Wala naman siyang sakit. Gusto mo puntahan natin siya?"

"Dalhin niyo na lang ako dun. Tapos iwan niyo muna ako sa loob."

"Sige. Tara na."Hay. Josh, bakit ngayon ka pa sumuko? Bakit ngayon pa?

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon