Pangwakas

89.1K 1.4K 270
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung naging kami ni Josh. Aaminin ko, hindi pa rin ako masyadong sanay. Parang ewan lang kasi e. Minsan 'pag magkasama kaming dalawa sa parke, may bigla-biglang lalapit sa kanya tapos lalandiin siya sa harap ko mismo. O di ba, kawindang-windang yun? Tapos minsang may lalapit sa kanya, magpapakilala at tatanungin yung pangalan niya. Buti na lang at marunong sumagot ang loko. 

Nakakaloko rin siyang kasama e. Kasi yung tipong seryosong-seryoso kaming dalawa sa ginagawa namin tapos bigla bigla siyang humihirit. At dahil sa napakababaw kong nilalang, ayun humahagalpak ako sa tawa. Minsan nga naiiyak na ako kakatawa e.

Hindi na rin siya gaanong pasaway. Naging malambing lalo siya. Hindi lumilipas ang isang araw na wala akong natatanggap na bulaklak mula sa kanya. Nakakainis na nga e. Kasi baka masyado akong masanay sa mga pinaggagagawa niya. Ayaw ko mang isipin na mangyayari yun, pero paano kung hindi pala ami yung para sa isa't isa? E di mangungulila lang ako lalo sa kanya? Pero sabi naman ng puso ko, siya na talaga e. Kaya di na ako masyadong nag-aalala.

Ay! Nasabi ko na ba sa inyo na ngayon ang araw ng pangangampanya ng mga tatakbong opisyales ng SC sa aming kolehiyo? Kung hindi, ayan ah. Alam niyo na. Hehe. Nasabi ko lang naman yun dahil sa maniwala kayo't sa hindi, tumatakbo bilang bise-presidente? Ang taas agad ng pangarap ng loko e. Pero tiwala naman akong mananalo yun e. Ang lakas ng hatak sa mga babae e. Haha. O siya. Magtatalumpati na siya.

"Magandang umaga mga repapips! Sino ako?!" Tanong niya sa mga kaklase namin.

"Jooooosh!" Sagot naman nila.

"Paanong nangyari na kilala niyo ako? Wahaha. Biro lang. Bago ako magsimula sa talumpati ko, gusto ko munang kausapin yung pinakamamahal ko. Missy, utot ka ba?" Tanong niya sa akin kaya bigla tuloy akong namula. Nakakahiya kasi e.

"Hindi kaya!"

"Ang lakas kasi ng dating mo e! E, tae ka ba?"

"Ano ba naman yan Josh? Kababuyan mo ah!"

"E kasi naman, hindi kita matiis e."

"Ay sus! Mga hirit mo ah!"

"Eto. Huli na. Alam mo ba yung teroya tungkol sa paghihiwalay ng pulo?"

"Oo naman. Bakit?"

"Pabayaan mo na yung mga pulong maghiwa-hiwalay. Basta tayong dalawa, hindi maghihiwalay. Mahal na mahal kita."

"Ayiee!" Biglang hirit nung mga kaklase namin.

"Sana ako na lang ang mahal mo Josh!" Biglang may sumigaw na isang babae.

"Waa! Mahal na mahal ka namin Josh!" Hay. Umatake na naman yung mga haliparot na yun. Pero bahala sila sa buhay nila. Mahal na mahal namin ni Josh ang isa't isa e.

Nung natapos na yung talumpati ng lahat ng mga kasali, nagbotohan naman na yung mga estudyante. Kinabukasan, inanunsyo kung sino yung nanalo. At katulad ng sinasabi ng mga tao sa paligid namin, nanalo nga si Josh. Ewan ko ba kung bakit binoto pa nila yun e. Haha.

Alam niyo ba, simula ng nakilala ko si Josh, ang dami kong natutunan at nalaman. Nalaman ko na kahit gaano kalaki yung galit mo sa isang tao, mananaig pa rin talaga yung pag-ibig. Kung ano pa yung inaakala mong mali at hindi nararapat, yun pala yung tunay na magpapaligaya sa'yo. Marami mang problema ang dumating sa buhay natin, pagkatapos ng lahat ng unos, may bagong buhay pa rin na darating para sa atin. Hindi man natin napapansin, pero lahat ng bagay ay may dahilan. Maaring ito ay magpapatibay para sa ating katauhan o magbibigay saya sa atin.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi madaling mahanap. Mas mabuti kung hihintayin na lang natin na kusang kumatok ito sa ating puso. Huwag nating husgahan basta basta ang isang tao. Baka hindi lang natin namamalayan na sila pala yung para sa atin. Katulad ng nangyari sa amin ni Josh. Akala ko, imposibleng mahulog ang puso ko sa kanya dahil sa simula naman ay puro galit lang ang laman nun para sa kanya. Pero tignan niyo, kami pala talaga ang sa isa't isa.

"Hoy! Ano ba yang iniisip mo ha?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng nangyari, tayo pa pala yung magkakatuluyan. Sana hanggang sa dulo, tayo pa rin noh?"

"Ay sus. Madali lang naman yung gusto mong mangyari e."

"Ha? Paano?"
Tanong ko sa kanya.

"Tara, pakasal na tayo."
Sagot niya na para bang wala lang sa kanya. Bigla tuloy nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ha?"

"Sabi ko, pakasal na tayo."
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, pero hinalikan ko na lang siya at sa tingin ko, ayun na ang nagtatakda ng buhay namin na magkasama.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon