WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.
***
Josh's POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa rin gumigising si Missy. Pinipilit ko siyang gumising pero wala e. Inaalog alog ko pa siya pero wala pa rin. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang gulo na ng takbo ng utak ko! Tinawagan ko na lang si Jed baka alam niya yung gagawin.
"Si Jed 'to. Kung gusto mo pang mabuhay, magsalita ka na."
"Jed! Tulong!"
"O. Josh! Ikaw pala yan! Tulong? Saan?"
"Nawalan ng malay si Missy e. Di ko alam ang gagawin ko."
"Asan kayo? Punta na ako diyan."
"Sa may tambayan lang. Jed bilis!"
Hawak hawak ko pa rin yung isang kamay ni Missy habang yung isa tinatapik yung mukha niya. Baka sakaling umepekto e. Pero wala talaga. Buti na lang at dumating na sina Jed at Pia. Kaso, bakit parang sobrang pagaalala ang nakikita ko sa mga mukha nila? Nawalan lang naman ng malay si Missy di ba?
"Ano na naman bang ginawa mo Josh?" Tanong ni Pia sa akin. Alam ko na sa panahon na yun ay galit na galit na siya sa akin. Iba na yung tono ng pananalita niya.
"Gaano katagal na siyang nawalan ng malay?" Tanong naman ni Jed.
"Mga 5 minuto na yata. Di ko alam! Ang gulo na ng utak ko!"
"Pia, dalin mo yung gamit ni Missy. Tara, bilis. Isugod na natin siya sa ospital." Sabi ni Jed sabay buhat kay Missy.
"Ha? Oo. Sige." Sabi naman ni Pia tapos kinuha niya sa lapag yung mga gamit ni Missy.
"Teka lang! Ano bang nangyayari? Ospital? Hindi ba pwedeng sa klinika na lang?"
"Josh, walang magagawa ang mga tao sa klinika dito. Hindi nila kakayanin yung kalagayan ni Missy!"
Gulung-gulo pa rin ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Pia. Hindi kakayanin yung kalagayan ni Missy? Bakit? Ano bang kalagayan niya? Di ba nung nasa ospital siya dati, sabi niya sobrang pagod lang yun? Ibig sabihin ba mas malala pa dun yung kondisyon niya? Ano naman ba ang ginawa ko? Ako na lang palagi ang nagbibigay pahamak sa buhay niya! Ako yung puro kalokohan dito e. Hindi dapat siya ang nagkakaganito! Ako dapat!
Sumakay na kami sa sasakyan ko pero si Jed na ang nagmaneho. Hindi ko kaya e. Parang wala na ako sa sarili ko. Mali e. Wala na pala talaga ako sa sarili ko. Ano na ba talaga kasi ang nangyari kay Missy?
Pagdating namin sa osptial, inilagay agad ni Jed si Missy dun sa kama na may gulong. Inasikaso agad ng mga doktor si Missy. Pero nagulat ako sa naging usapan nila.
"Anong nangyari sa pasyente?" Tanong nung doktor.
"Mukhang inatake na naman po siya e." Sagot naman ni Pia.
"Ganun ba? Sino yung doktor niya?"
"Si Doktor Serrano po."
"Sige. Tatawagan na namin siya. Sa ngayon, maghintay na lang muna kayo dito at kami na ang bahala sa pasyente."
"Dok, gawin niyo po ang lahat para maligtas yung kaibigan ko!"
"Oo. Sige."
Teka lang. Tama ba yung narinig ko? Inatake na naman? Ibig sabihin, malala yung sakit ni Missy? Bakit hindi ko 'to alam? Bakit inilihim niya ito sa akin? Bakit si Jed alam yun at ako hindi?
"Sabihin niyo nga sa akin kung anong nangyayari!" Sigaw ko kina Jed at Pia.
"Pare, wag kang magugulat ah. Pero-" Sagot ni Jed pero pinigilan siya ni Pia.
"Jed! Nangako tayo kay Missy di ba?"
"Pia, malalaman at malalaman din naman ni Josh 'to e. Mas mabuti ng malaman niya ngayon kaysa malaman niya kapag nasa ilalim na ng lupa si Missy."
"Teka nga! Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang sakit ni Missy?"
"Josh, may sakit sa puso si Missy."
Tama ba yung narinig ko? May sakit sa puso si Missy? Ganun na ba kalala ang kalagayan niya? Ano ba 'to? Bakit parang tumigil na ang mundo ko? Hindi ko matatanggap 'to. Hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko! Hindi ko pa natatama yung mga mali ko e. Siya lang ang tanging bagay na naging tama sa buhay ko. Hindi ko siya pwedeng pakawalan. Hindi to pwedeng mangyari. Hindi. Hindi.
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig
Fiksi RemajaMinsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling panahon, maling lugar at sa maling nilalang? Itutuloy mo pa rin ba ang laro o ititigil mo na? *** S...