WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.
***
Naglakad lang ako pauwi kahit na malayu-layo yung bahay namin mula sa pinapasukan kong paaralan. Habang naglalakad ako, paulit-ulit kong naaalala at para bang nakikita yung mga nangyari kanina.
/*Pagbabalik-tanaw*/
Pinuntahan ko siya sa lugar kung saan siya madalas tumatambay. Balak ko kasi siyang sorpresahin. Ang hindi ko alam, ako pala yung masosorpresa. Nakita ko siya na may kahalikang iba at para bang ang saya pa niya.
Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung mga libro ko. Narinig niya yung tunog kaya napatingin siya sa akin. Nagulat din siya kasi nandun ako. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. Lalapitan niya sana ako pero kinuha ko lang yung gamit ko at tumakbo na papalayo. Grabe naman talaga 'to o. Bakit ngayon pa nagkaganito?
"Missy, teka lang!" Sigaw ni Josh habang hinahabol niya ako.
"Bakit?!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.
"Missy, hayaan mo naman akong magpaliwanag o."
"Di pa ba sapat yung mga nakita ko ha? Sige, ano pang idadagdag mo dun?" Di na makapagsalita si Josh. Parang naubos na yung mga salita sa bibig niyang walang ibang laman kung hindi kasinungalingan. Pagkatapos nun, umalis na talaga ako.
Kung tuusin, hindi dapat ako nasasaktan e. Hindi naman kami at wala naman siyang obligasyon sa akin. Pero ewan ko nga ba, masyado akong nagpakatanga. Ako pa nga yata ang naturuan ng leksyon dito e. Dapat sa simula pa lang, hindi na ako pumayag sa kagustuhan niya. Alam ko naman na mali ang umibig sa isang katulad niya.
/*Tapos na ang pagbabalik-tanaw*/
Lakad lang ako ng lakad at makikita sa itsura ko na wala talaga ako sa katinuan. Lutang ang isip ko. Nasaktan at nasasaktan ang puso ko. Higit sa lahat, tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko.
Gabi na nung makarating ako malapit sa bahay namin. Hinang-hina na ako at medyo nahihirapan na ako sa paghinga. Para bang bibigay na yung katawan ko kahit na anong oras. Kahit na ganun, iniisip ko pa rin na malapit na ako sa bahay kaya itutuloy ko lang ang paglalakad. Kaso kahit na gustuhin ko pang magpatuloy, bumulagta na lang ako bigla sa daan.
Hindi ko na alam kung anong nagyari pagkatapos. Ang alam ko lang nasa ospital ako ngayon. Ni hindi ko nga rin alam kung sino ang nagdala sa akin dito e.
Kinabukasan, lumiban ako sa klase. Tinawagan ko na lang si Pia para sabihin yun sa kanya. Napag-alaman ko rin na si Paul pala yung nagdala sa aking sa ospital. Nagkataong papunta siya sa bahay namin para magpaalam dahil hahanapin daw muna niya yung sarili niya. Naisip ko tuloy bigla na 2 beses na niya akong nililigtas o tinutulungan sa matitinding pangyayari.
Nung hapon na, dumating si Pia. Pero may kasama siyang mga asungot.
"Missy! Ano bang nagyari sa'yo ha? Pinag-alala mo naman ako e!" Sigaw niya sa akin sabay palo sa braso ko.
"Baka sobrang pagod lang 'to. Kailangan ko lang siguro ng pahinga." Sabi ko naman sa kanya.
"Teka. Sino palang nagdala sa'yo dito?"
"Ha? Si-" Sasagot pa lang sana ako ng biglang pumasok si Paul sa loob ng kwarto.
"Ako."
"Ikaw?!" Sigaw nilang lahat.
"Oo. Bakit ayaw niyong maniwala?"
"Akala ko kasi. Hay, kalimutan mo na nga lang. Salamat sa pagligtas sa kaibigan ko ah." Sabi ni Pia kay Paul.
"Wala yun."
"Labas lang muna ako. Tawagin niyo na lang ako pag aalis na kayo." Sabi ni Josh sabay labas ng kwarto.
"Problema nun?" Tanong ni Pia.
"Baka di na kinakaya ng konsensya niya yung mga pinaggagagawa niya." Mahina kong sagot sa tanong ni Pia.
"Ha?"
"Wala."
"Ehem." Biglang may ibang boses kaming narinig. Pagtingin ko, yung doktor ko pala.
"Kayo po pala dok."
"Missy, kamusta ka naman na ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Ayos naman na po. Bakit po?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hmm. Mukhang di pa naman pala kailangan ng operasyon. Kaya pa pala ng puso mo e."
"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Missy, pangalawang beses mo nang inatake. May sakit ka sa puso at kapag lumalala pa yun, kakailanganin mo nang operahan at papalitan yung puso mo." Sa sinabi niyang yun, parang tumigil ang mundo. Gulat na gulat kaming lahat na nasa loob ng kwarto maliban kay Pia. Kasi si Pia, iyak na ng iyak. Sigaw na ng sigaw dahil sa nalaman niya. Kung umasta siya, akala mo siya pa yung may sakit e.Pero dahil sa ginawa niyang yun, dun lang pumasok sa isip ko na kahit anong oras, maaring mawala na ako sa mundong ibabaw. Paano na ako mamumuhay ng maayos niyan? Paano na ang mga mahal ko? Paano na ako? Paano na si Josh?
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig
Dla nastolatkówMinsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling panahon, maling lugar at sa maling nilalang? Itutuloy mo pa rin ba ang laro o ititigil mo na? *** S...