Kabanata Anim

64.5K 993 5
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Missy, maitanong ko lang, ano palang ginagawa mo sa labas ng bahay kanina?" Biglang tanong sa akin ni Paul.


"Ha? Ah, e. Wag kang tatawa ha." Pakiusap ko naman sa kanya. Nakakahiya lang kasi yung rason pag sinabi ko sa kanya e at sa tingin ko, pagtatawanan niya lang ako dahil sa kapraningan ko.

"Ano nga yung dahilan?"

"Basta wag kang tatawa."

"Oo na. Hindi ako tatawa." Sabi ni Paul sabay taas ng kanang kamay niya para ipakita na nangangako talaga siya. Napabuntong hininga na lang ako tapos nagsimula na akong magpaliwanag kay Paul.

"E kasi, may isa akong kinaiinisang lalaki sa pinapasukan ko. Tapos sa tingin ko di niya titigilan yung pang-iinis niya sa akin hanggang sa umabot na sa punto na gusto niya akong ihatid sa bahay namin. E ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira kaya nagturo lang ako ng kung anong bahay. At-"

"Teka. Hulaan ko. Ito yung tinuro mong bahay. Tama?" Putol naman sa akin ni Paul.

"Oo."

"Hahahahaha." 

"Nakakainis ka naman e! Sabi mo di ka tatawa!" Sabi ko habang nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya lang talaga kasi yung nangyayari sa akin e.

"Pagpasensyahan mo na ako ha. Kasi naman kung umasta yung kinaiinisan mo parang may gusto sa'yo e."

"Hindi nakakatawa 'yon! At lalong hindi pwedeng mangyari na magkagusto siya sa akin. Kasi isa siyang salot na ayaw kong mapasok sa buhay ko."

"Oo na. Titigil na nga ako. Teka nga. Bakit ba inis na inis ka dun sa lalaking 'yun?" Bigla namang tanong ni Paul kaya naging seryoso na ulit yung usapan namin.

"E kasi naman kung umasta siya, parang siya na ang hari ng mundo. Yung tipong siya dapat ang masusunod. Tapos kung ituring niya yung mga babae, parang laruan lang. Sino ba naman ang hindi maiinis dun di ba?"

"Ah, nakuha ko na. Parang gusto ko tuloy makilala yung lalaking 'yun. Dun ka pa rin ba nag-aaral?"

"Oo. Bakit?"

"Sama naman ako sa'yo minsan. Ay, bukas na lang kaya? Daanan na lang kita bukas sa inyo." Biglang sabi ni Paul kaya nanlaki yung mga mata ko. Sa tingin ko magkakaroon lang ng gulo pag nagkita yung dalawa e!

"Ha? Wag na Paul. Parang awa mo na!"

"Ayaw ko nga." Sabi niya sabay belat. Waaa. Naligtas nga ako sa kahihiyan ngayon pero problema naman yata ang mga mangyayari bukas. Bakit ba kasi gusto pang makilala ni Paul si Josh e?

Kinabukasan...

"Tao po!" May sumigaw sa labas ng bahay namin. Alam ko na si Paul yun kaya binuksan ko na agad yung pinto at lumabas na ako ng bahay.

"O, Paul! Ang aga mo naman. Malapit na akong mahuli sa klase ko o." Sabi ko sabay turo sa orasan ko.

"Ay. Pasensya naman. Hindi mo kasi sinabi kung anong oras pasok mo e."

"Ay. Ganun ba? E. Basta! Tara na!" Tapos bigla ko na lang hinila si Paul papunta sa sasakyan niya.

Pagdating namin sa paaralan...

"Whew! Maaga pa ako. Salamat na lang at ang bilis mong magmaneho." Napaaga pa rin kasi ako ng mga sampung minuto.

"O. Nasaan na ba yung lalaking sinasabi mo?" Biglang tanong ni Paul. Nakatingin lang ako sa kanya nung biglang...

"Hoy! Sino 'yang kasama mo ha?" Sumigaw yung asungot.

"Naku po!" Sabi na e. Gulo lang talaga ang mangyayari.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon