Kabanata Labingdalawa

52.7K 724 35
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Ang sabi ko, PWEDE BA KITANG LIGAWAN?" Inulit ni Josh yung tanong niya tapos nilakasan pa talaga niya.

"Narinig ko naman e. Hindi ako bingi!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Narinig mo naman pala e. May pa-Ha-Ha ka pang nalalaman. Tss."

Aba, talaga naman o. Sira ulo talaga 'tong taong 'to e. Siya na nga 'tong nagtatanong kung pwede siyang manligaw siya pa 'tong may ganang mag-inarte. At saka ano bang nakain nitong mokong na 'to at naisipan niyang tanungin ako ng ganung bagay?

Ah. Alam ko na! Pinagdidiskitahan lang siguro ako nito. Wala na naman siguro siyang magawa sa buhay niyang walang kakulay-kulay. E kung pumayag kaya ako tapos siya ang pagdiskitahan ko? Para naman matauhan siya sa mga kalokohang pinaggagagawa niya noon. Tama! Ganun na nga lang.

"Huy! Missy! Ano na nga? Pwede ba o pwede ba?" Tanong niya ulit sa akin. Parang sira talaga 'to. Wala man lang akong ibang pagpipilian e. Ayaw niya ring ipagsiksikan yung sarili niya sa akin e?

"Oo na. Pwede na. Wala naman akong magagawa e. Ang lupit nung mga pagpipilian ko e." Sabi ko sabay iling.

"Yun naman o! Sige. Umasa ka na bukas na bukas din magsisimula na ako."

"Hindi ka rin atat e?"

"Hindi ah!"

"Oo na lang. Sabi mo e."

"Hindi naman talaga e! Sige. Una na ako. Para naman mapaghandaan kong maigi yung unang araw ng panliligaw ko sa'yo." Sabi niya at ayun. Umalis na nga siya. Alam ko medyo may nararamdaman na ako para kay Josh pero hangga't alam ko na may posibilidad pa rin na lokohin niya ako, hindi ako maaaring mahulog sa kanya ng tuluyan.

Pagpasok ko kinabukusan, nakapagtataka kasi walang tao sa paligid maliban dun sa gwardiya.

"May pasok naman ngayon ah! Nasaan kaya yung mga tao dito?"

Naglakad-lakad muna ako tapos biglang...

"Ay! Anak ng tinapang baboy! Ano ba yan? Bakit mo tinakpan yung mga mata ko? Saan mo ako dadalhin? Sino ka?"

"Wag ka na lang maingay. Pwede?" Utos/Reklamo nung nagtakip sa mata ko.

"E kasi naman-" Hindi na ako nakatapos sa sinasabi ko kasi nagsalita ulit yung lalaki.

"Sinabi ng wag kang maingay e!"

"Oo na. Hmp!"

Ayun. Naglalakad kami ng taong hindi ko kilala papunta sa lugar na hindi ko alam. At hindi ko rin mawari kung bakit niya yun ginagawa. Tapos bigla kaming huminto.

"Pag sinabi ko sa'yo, dun mo lang tatanggalin yung piring sa mga mata mo ah."

"Oo na lang."

"Isa. Dalawa. Tatlo. Tanggalin mo na!" Pagkasabi niya noon, dahan-dahan kong tinggal yung piring sa mga mata ko. Nung natanggal ko na, nagulat ako.

"Potek! Anong nangyayari dito?"

"Missy! Di ba sabi ko sa'yo paghahandaan ko yung araw na 'to. Ano? Nagutuhan mo ba?"

"Ha? Ah. e."

Sa totoo lang, di ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko. Masyadong bongga yung paghahanda ni Josh e. Kinuntsaba niya yung mga estudyante at guro sa amin. Tapos ang daming bulaklak at lobo sa loob ng auditoryum. Si Josh nasa gitna ng entablado, may hawak na mikropono tapos mukhang kakanta pa. Samantalang ako, di na makaalis o makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Missy, para sa'yo ito."

Kung ako ang may-ari ng mundo
Ibibigay lahat ng gusto mo
Araw-araw pasisikatin ang araw
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang
Kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo


Pagkatapos niya kumunta, bumaba na siya mula sa entablado. Nilapitan ako at biglang naghiyawan ang mga tao.

"Ano? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Oo naman." Sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Para pala sa'yo itong mga bulaklak."

"Maraming salamat. "

"Tara na. Hatid na kita sa silid ninyo." Naglakad kami palabas ng auditoryum tapos pagkahatid niya sa akin, pumunta na rin siya sa silid-aralan nila. Pagpasok ko sa silid, nagulat ako kasi may sulat sa lamesa ko. Mukhang galing na naman dun sa ayaw magpakilala na lalaking nagbigay ng kung anu-ano sa akin.

Sana naman kahit na may ibang manligaw sa'yo
Tatandaan mo na nandito pa rin ako
Naghihintay ng pagkakataon para masabi sa'yo
Ang mga nilalaman ng puso kong ito
Hindi man kita magawang lapitan o kausapin man lang
Nasa paligid lang ako at nag-aabang
Na balang araw, mabigyan mo rin ako ng pag-asa
Para naman pareho tayong lumigaya


Ay potek! Kanino ba talaga galing yung mga yun?

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon