Kabanata Lima

62.5K 982 30
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"O. Nasaan na yung bahay niyo?" Tanong ni Josh.


"Itabi mo na lang diyan." Sabi ko naman sa kanya kahit na hindi ko naman talaga bahay yung tinuturo ko.

"Bakit ko itatabi diyan? Bahay niyo ba 'yan?"

"Oo. Bakit may angal?"

"Wala naman. Parang di ka kasi nakatira diyan e." Ay. Ang sama lang! Alam ko naman na di ko bahay yan pero sana naman onting tiwala lang di ba? Pero sabagay, ako nga di naniniwala sa kanya e. Siya pa kaya maniniwala sa akin? Parang malabo.

"Hay nako. Kung ayaw mong maniwala e di wag. Sige, baba na ako."

"Hoy! Di ka naman mabiro o." Sus. Bibigay din pala e. Tatanong tanong pa. Kakagat din pala sa kalokohan ko.

"Oo na. Sige, alis ka na."

"Hindi, pumasok ka muna." Hala. Di pwede. Mabubuko ako nito e.

"Hindi, umalis ka muna." Pagpipilit ko naman sa kanya.

"Pumasok ka muna."

"Teritoryo ko ito kaya ako ang masusunod! Umalis ka na muna bago ako papasok." Sumigaw ako kaya parang nagulat siya. Tapos mayamaya nagsalita na ulit siya.

"Oo na."

Nakaalis na kaya 'yun? Kailangan nakalayo na siya ng bonggang bongga para naman di na delikado. Baka mamaya mabuko pa ako agad e.

"Hoy! Sino ka ba ha? Anong tinatayu-tayo mo diyan sa labas?" Tanong nung katulong sa loob nung bahay na tinuro ko kay Josh.

"Ho? Wala naman akong ginagawang masama ah!"

"May masama kang balak noh? Siguro nagmamanman ka dito sa amin!" Ay. Hala naman daw. Makapagbintang si ate wagas!

"Naku! Hindi po! Wala po akong balak."

"Ay sus! Di na uubra yung mga palusot mo! Wag kang aalis diyan at tatawag na ako ng pulis!"

"Manang ano po ba yung nangyayari diyan sa labas?" Tanong naman nung amo nung katulong.

"Ay nako Paul. May nagmamanman kasing babae sa labas kaya tatawag na ako ng pulis."

"Ho? Nasaan?"

"Ay 'wag ka ng lumabas. Ako na ang bahala dun."

"Manang ayos lang. Titignan ko lang naman e."

"Pero-"

"Ah. Mawalang galang lang ha. Pero sino ka ba at anong ginagawa mo dito?"

Nagtaka ako. Pamilyar sa akin yung boses na iyon e. Di ko lang maalala kung sino pero ang alam ko kilalang kilala ko kung sino 'yun. Paglingon ko sa nagsalitang lalaki.

"Paul?!"

"Teka lang. Missy, ikaw ba 'yan?"

"Ako nga! Ang tagal din nating di nagkita ah."

"Oo nga e. Ay teka, pasok ka." Tapos pinagbuksan ako ni Paul ng pinto. Pumasok agad ako baka kasi nandun pa sa paligid si Josh e. Mahirap na.

"Salamat." Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti ako hindi dahil sa natutuwa akong makita ulit si Paul. Ngumiti ako kasi nakalusot ako sa kalokohan ko. Whew.

Hay. Buti na lang kakilala ko ang may ari ng bahay na tinuro ko. Kung hindi, lagot na. Buking agad ako.

Josh's POV

Mukhang dun nga nakatira ang babaeng 'yun ah. Sige. Babalik na lang ulit ako dun.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon