CRUSH 1

348 11 0
                                    

"Ally, nagawa mo ba yung homework natin?". Tanong sakin ng kaibigan ko slash classmate na si Lhen. Nandito kami ngayon sa loob ng klase at hinihintay pa namin dumating ang aming guro.  

"Oo, tapos na ako friend." sabi ko naman at umub-ob sa desk. Inaantok ako kasi napuyat ako kagabi. Well, ganyan ako kasi hindi ako makatulog agad pag gabi. Nasanay na yata talaga ako>.>

"Talaga? Naku pakopya naman kami ni Lhen! Hihihi." si Praily yang nagsalita. Umupo siya sa tabi ko since bakante lang naman. Tatlo kasi kaming magkakaibigan. Ako si Lhen at Praily. Kaso silang dalawa lang yung magkatabi sayang nahiwalay ako sa kanila :( Nasa likod nila kasi ako nakaupo. Kainis  kasi yung guro namin, Kailangan pang siya pa yung mag-arrange ng upuan namin, ayan tuloy!

"Kayo talaga! Ano na naman ba ang inatupag nyo kagabi at hindi na naman kayo nakagawa ng homework?" sabi ko sa kanila sabay kuha ng homework sa loob ng bag ko inabot a kanila.

"Eh...busy-busyhan lang hehe. Alam mo na yun!" sabi naman ni Lhen sabay kuha sakin ng homework.

"Salamat Ally! We love youuu! muah muah  tsuptsup!" Sabay hug sakin ni Praily.

"Sus! Kung ko lang kayo mahal!" Sabay hug  ko na rin sa kanya at sumali pa si Lhen. Nag group hug kaming tatlo. Sweet nila no? :)

Yan ang dalawa kong bestfriends! Laging nkakalimutan na gumawa ng homework. Pero loves ko ang dalawa na yan, dahil simula palang nung bata kami ay magkakasama na kaming tatlo. Of course, wala kaming sikretong tinatago! Ganyan kami ka-close, kilala na namin ang isa't-isa. Lagi din kaming magkakaklase! OHA!

"Morning class! Kumusta ang araw nyo?" Kakapasok lang sa pintuan ng teacher namin at yan agad ang bungad samin. 

"Ok naman ma'am!" sabay-sabay naming sagot.

Napatingin naman ako sa iba ko pang kaklase. Yung iba inaantok pa katulad ko, yung iba naman ngdadaldalan tungkol ata sa mga pinapanuod nilang palabas. 

"Meron akong good news at badnews! Alin ang gusto niyong unahin kong sabihin?" sabi nung teacher namin habang nakatayo at inabot sa unahan yung attendance.

Hindi na niya kasi kami tinatawagan isa-isa, pinapasa pasa lang namin yung attenandance sheet hanggang mapunta sa last at ako yun. Hindi naman kami nakaarrange ng alphabeticaly , ewan ko lang sa guro namin bakit ako yung sa hulihan >.> Loner tuloy ako kasi wala akong katabi.

"Good news nalang maam! Wag mo ng banggitin yung bad news!" sagot naman nung isa kong kaklase na si Cholo. Loko-loko din yan eh haha. Tumawa tuloy yung buong klase at napa-iling nalang si mam.

"Sige good news first then bad news after. Ang good news ay may bago kayong magiging kaklase. Kaso baka bukas pa siya makapasok."  sabi ni mam.

Bigla naman umingay sa buong klase. Nagkatinginan din kaming tatlo ng bestfriends at nababasa ko sa mukha nila ang pagkacurious. 

"Mam lalaki or babae?"

"For sure babae yan! For sure maganda yan!"

"Dapat lalaki para naman magkaroon ng pogi sa class natin!"  Nag react tuloy yung mga lalaki. Haha.

"Hephep! Bago pa kayo mag- away sasagutin ko na yang mga tanong nyo. Lalaki yung transferee at ipapakilala ko nalang siya sa  inyo bukas." sabi ni mam at umupo na sa kanyang silya. 

"YES!" sabay-sabay naman sagot ng mga babae kong kaklase at binelatan pa yung mga lalaki.

"Meron pa kong sasabihin hindi pa ako tapos class." sabi ni mam at tumahimik naman yung buong klase. "May quiz tayo ngayon."

--

Natapos na rin sa wakas yung klase. Nga nga yung iba kong kaklase kasi hindi sila nakapag-aral sa quiz. Si maam ksi eh yan tuloy pati sina Praily at Lhen wala daw masyadong nasagot. Buti nalang pala at nag-aral ako. Ngayon ko lang din naalala na hindi pa ako nagpapakilala sa inyo :P

Ako nga pala si Allyssa Granada. Ally for short, yan tawag sakin ng lahat. Although minsan tinatawag nila ako sa last name ko, kaano-ano ko daw si Bruno Mars kasi may kanta siyang Grenade. Pero sanay na ako. Haha. 

Nag aaral pala ako dito sa Everlasting High School at 3rd year high school na and  i'm  17 years old. Iba kasi dito sa school ko eh. Masyadong mahaba yung schooling so 18 years old bago ka maka-graduate ng high school. Grabe no? 

 "Pano friends, mauna na akong umuwi sa inyo ha?" sabi ko sa kanila habang palabas sa gate.

"Sige Ally, babye! ingats ha!" sabi ni Lhen.

"Sige kayo din!" tumango naman sila at nagpatuloy na ako  sa paglalakad.

Malapit lang dito ang tinutuluyan ko. Hindi kasi ako  sa bahay umuuwi dahil malayo ang skul ko, kaya pumayag naman ang parents ko na mag-rent ng apartment na malapit sa skul ko. Apat kaming nakatira dun at share sa mga gastusin. 

Habang naglalakad ay may nakita akong lalaki na pinapakain yung pusa sa gilid ng kalsada. Nakangiti pa siya habang ginagawa yun kaya naman hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Lumapit pa ako ng konti para makita ko siya ng malapitan. Yung gilid lang kasi ng mukha nya ang nakikita ko. Nakatago ako sa likod ng poste.

Ngayon ko napagmadan ang kanyang mukha! Gwapo pala siya lalo na kapag nakangiti. Nakasuot siya ng  red striped na polo at itim na pantalon.

Sino kaya siya? Ngayon ko lang ata siya nakita dito. Impossible namang nag-aaral siya sa skul ko kasi hindi naman siya naka-uniporme.

Pero isa lang ang masasabi ko.

I think..CRUSH KO NA SIYA.

UYYYY....CRUSH KITA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon