Chapter 5
Schedule
"Please, Cae, sumali ka na sa cheersquad." Pagpupumilit pa ni Giya sa akin. Hindi niya talaga ako nilulubayan kanina pa.
Hinarap ko na rin naman siya, "Giya, please, stop!" nagtitimpi lang din ako pero nainis na ako eh. "Hinding hindi ako sasali sa cheersquad okay? I aint good to that."
"Pero pwede ka naman munang mag-training, everybody got their mentors."
Inilingan ko na lang din naman siya, "whatever you said, Giya. I won't, okay?"
She pushed my shoulders, she glared at me. "Ikaw na nga pinagmamagandahan ng loob, ikaw pa 'tong tumatanggi! Ang arte mo gago!" aniya saka ako nilapagpasan.
'Yong ibang napapadaan naman ay natawa na lang din pero wala naman akong pakelam sa kanya. Sino ba siya? At ano bang gusto niyang patunayan sa akin? Saka kahit anong gawin niyang pagpupumilit, hinding hindi ako sasali doon. Kahit pa hindi ako marunong sumayaw, I aint fucking care.
Nakita ko naman sa kahabaan ng hallway ang apat kong kaibigan, tumatakbong palapit sa akin.
"Anong problema mo, Cae?!" bungad naman ni Gabe sa akin.
"What?" walang gana kong sagot sa kanya.
"You always dump, Giya."
"Like I care." Ngisi ko pa sa kanya.
Bigla na lang din naman akong itinulak ni Gabe, nagulat din ako sa ginawa niya. Lumipat naman sa pwesto ko si Ponce.
"Anong problema mo, Gabe! Kung nagagalit ka dahil lagi kong tinatanggihan si Giya, wala ka nang magagawa 'don! I don't' fucking care, ikaw pa ata may gusto sa kanya!"
"Cae!" aambahan pa sana ako nito ng pumagitna na si Ronan sa amin.
"Guys, please, stop!" inis na sagot nito. "Ano ba! Nag-aaway ba kayo dahil sa babae."
"Hell no." ngisi ko pa.
Napailing na lang din naman si Gabe, "ayusin niyo 'tong dalawa." Aniya. "Ponce, Evan, hayaan niyo sila."
Sumunod naman si Ponce at Evan kay Ronan at iniwan kaming dalawa ni Gabe. Inayos ko naman ang polo ko. Napangisi naman si Gabe at tinalikuran na lang din ako. Masyado siyang nagagalit dahil kay Giya? Ang babaw niya.
Galing akong Glee Club kanina for registration sana pero wala naman doon si Veiv para sana sa registration, sabi naman ng ibang members ng Glee ay balik na lang daw ako mamaya dahil paniguradong nasa klase pa si Veiv.
Tumuloy naman muna ako sa canteen ng mag-isa, hindi ko na naman inabala alamin pa kung nasaan 'yong mga ungas na 'yon. Ewan ko kay Gabe kung bakit gano'n na lang umasta. Ano naman kung tanggihan ko si Giya, eh ayoko naman talaga sumali doon sa cheersquad. It aint my thing.
Nakita ko naman si Elly sa canteen, kumakain siya mag-isa. Lumapit naman ako sa kanya.
"Hello." Bati ko sa kanya nang maupo ako.
Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"Nakakagulat ka naman!" tawa pa niya. "Nasaan mga kaibigan mo?" tanong pa niya.
I shrugged, "wala, hindi ko alam."
Napatango naman siya, "ano, nakapag-register ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-
RomanceA novel version of Isang Saglit, Isang Tingin one shot written coming up with new plots and characters to be told.