Chapter 10
Kaibigan
"Cae, sorry..."
"Sige, Cae, punta lang kami washroom." Sabi ni Ronan.
Sabay sabay naman silang apat na tumayo at umalis, naiwan naman kaming dalawa ni Elly sa table. Naupo naman siya. Iniwas ko na lang din naman ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Jiro para sugurin ka, kaya nandito—" she stopped speaking when I reach her hand.
"No, it's okay. I get his reason." Sabi ko at nilayo ko ang kamay ko sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya. Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na siya, papasok na siya sa next subject niya. Sinundan ko siya nang tingin hanggat sa makalabas ng canteen. Kinuha ko na rin naman ang bag ko at lumabas na rin ng canteen. Pupunta ako sa Music room kung nasaan sila ngayon, magkakaroon ng meeting. Nasabi ko na rin naman iyon sa tropa ko at magkikita na lang kami sa ice cream-an na matagal na nilang hinihirit sa akin.
Nakasabay ko naman si Jaskyle sa hallway. Mas matangkad siya sa akin, as usual may lahi.
"Is there a problem, Caelan?" she asked.
I look at her, show a smile and shook my head.
"Well, I thought there is." She shrugged. "Hmm, but if there's something... you must do what you have to."
I smirked, "thanks, Jas."
"No problem, mate." She winked.
I chuckled. She's so friendly, hindi siya mayabang gaya ng iba.
Narating din naman namin ang music room, wala pa naman 'yong iba kaya naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang bagong miyembro ng Glee Club. Tumayo naman si Veiv sa harapan namin dahil siya ang Glee Club president, mas diniscuss lang siya about sa mga competitions and trainings at sa mga gusto mag quit ay wala na daw balikan 'yon.
Nagperform naman ang old members at hindi ko naman maikakalang magaling talaga sila. They were good at tama nga talaga ang desisyon ko na Glee Club ang sinalihan ko.
Nang pauwi na ako ay nakita ko si Elly sa gate, mukhang hinihintay niya si Jiro doon. Kahit ayaw ko ay tumuloy ako sa kanya, napansin naman niya ang paglapit ko.
"Wala pa si Jiro?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa eh." Sagot naman niya sa akin. May hawak siyang paperbag pero hindi ko na inabalang tanungin kung anong laman no'n. Baka gamit lang sa school.
"Gusto mo sumama?" Shit, Cae? Nagawa mo pa talagang itanong 'yan?
Napakunot noo naman siya, "saan naman?"
"Sa ice cream shop diyan, nandoon na siguro sila Ronan eh." Aniko pa. "Kung gusto mo lang naman."
Tinanguan naman niya agad ako, "sige, wala pa naman si Jiro eh. Text ko na lang siya."
"Sige."
Nilakad naman namin ni Elly 'yong papunta sa ice cream shop. Habang naglalakad kami ay tinext naman niya si Jiro. Oo na inaamin ko na, sana ako na lang 'yong ka-text niya. 'Yong tipong may I love you sa last sentence. Sana kasi mas nauna ko na lang siyang nakilala.
Narating naman namin ang ice cream shop at hindi nga ako nagkakamali dahil nandoon na ang tropa. Mas kinagulat pa nila nang kasama ko si Elly pero hinayaan na lang naman nila 'yon at tumuloy na kami sa loob. Kung ano anong ice cream at desserts ang binili nila dahil ako naman daw ang taga-bayad. Pinili na lang din naman ni Elly ang banana split.
"Kamusta na kayo ng boyfriend mo, Elly?" tanong ni Ronan.
"Okay naman kami." Simpleng sagot ni Elly.
Napakunot noo na lang din ako.
"Eh, si Caelan ba, may pag-asa sayo?" ani Ponce. Binatukan ko naman agad siya dahil sa sinabi niya. Napahigikgik na lang din naman si Elly habang ako naman ay dinapuan ng hiya.
Hindi naman naging awkward ang usapan namin dahil nakikipagsabayan din si Elly sa biro nila Ponce at Evan. Nakakatuwa lang dahil mas gumaan ang loob ko ngayon kay Elly. Mas lalo niyang nabihag 'yong puso ko.
'Yong kahit alam kong wala namang pag-asa, 'yong may boyfriend na siya. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong darating 'yong puntong, masasabi kong akin na siya.
"Saan mo balak magtrabaho after college, Elly?" tanong naman ni Gabe.
She shrugged, "still have no idea eh." Aniya. "Pero kung may opportunity naman, why not?"
"Ellyna," tawag naman ni Ronan sa kanya. Tumingin naman si Elly sa kanya. "Can I ask something?"
She nod, "sure."
"What if Jiro wasn't your boyfriend or you're still single, will you ever fall in love—example, a guy like us?" he asked.
Napataas na lang din naman ako ng kilay sa tanong ni Ronan. May balak ba siya?
"Yes," sagot kaagad ni Elly. Parang hindi na niya pinag-isipan pa. "I would."
"Sino sa amin?" sabik naman na tanong ni Evan.
Natawa na lang din naman si Elly, "secret." Aniya.
"Ellyna!" isang boses ng lalaki ang naging pamilyar sa akin ng tawagin ang pangalan ni Elly. Nang lingunin ko naman ito ay bigla na lamang akong inambahan nito ng suntok sa mukha at nahulog na lamang ako sa kinauupuan ko. "Hindi mo talaga titigilan ang girlfriend ko ha!"
Pilit kong hinaharang ang braso ko sa mukha ko pero wala pa rin, nakakalusot pa rin ang mga suntok niya.
"Jiro! Tama na!" awat ni Elly kay Jiro. Hinatak naman niya ito palayo. Tinulungan din naman ako ng apat makatayo. "Jiro! Ano bang ginagawa mo!"
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan Ellyna! Bakit mo na naman kasama 'yang gagong 'yan ha! Ellyna, ilang beses ko nang sinabi sayong layuan mo 'yan!"
"Pero kaibigan ko si Caelan!" sigaw pa ni Elly.
"Kahit na!"
Nilapitan naman ako ni Elly, "Caelan... sorry..." hinigit naman muli siya ni Jiro.
"Tara na!"
Tiningnan niya ako sa mga mata ko.
"It shouldn't end like this, Cae..." aniya at wala nang nagawa dahil sa paghatak sa kanya ni Jiro palabas ng shop. Inalalayan na lamang ako ng apat na makaupo at lapatan ng yelo ang mga natamo kong pasa.
"Basag ka pare, dapat kasi una pa lang lumayo ka na kay Ellyna." Ngisi na iiling iling pa ni Gabe.
Kung ginawa ko nga 'yon noon... hindi sana ako naging masaya.
BINABASA MO ANG
Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-
RomanceA novel version of Isang Saglit, Isang Tingin one shot written coming up with new plots and characters to be told.