Chapter 13
Likewise
"Where are you going, baby?" Lyra asked. Nasa bahay kasi siya at kanina pa niya ako inaayang sumama sa kanila ng mga kaibigan niya pero hindi pwede eh. Ngayon na ang party ni Giya at hindi ko naman pwedeng iwanan 'yong dahil bayad na sila. Pinauna ko na rin naman 'yong iba kong staffs doon para sa photobooth.
"An event, babe." Sagot ko naman sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at inayos ang neck tie ko pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi, "hindi ba ako pwedeng sumama? You know, I can accompany you and help you."
"No, baby eh. Nakalista ang mga guests kaya kung sino mang wala sa list ay hindi rin makakapasok, next time baby." Balik kong halik sa labi niya.
"Sige," aniya. Nagtampo na naman siya. "Ihatid mo na lang ako sa bahay ni Gazelle." Aniya.
Napataas naman ang dalawa kong kilay, "no, baby. Male-late ako sa party kapag hinatid pa kita."
"Caelan, girlfriend mo ako."
"Yes, I know." Kinuha ko naman 'yong bag ng camera ko. "Hindi talaga kakayanin ng oras kung ihahatid pa kita kila Gazelle."
"Then we should end this." napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Tinitigan pa niya ako kaya in the end. Wala akong nagawa kundi ihatid ko siya kila Gazelle.
Limang minuto na nang magsimula ang party, dapat nga before the party ay nandoon na ako pero ito ako ngayon. Late!
"Thank you, baby." She kissed me.
"Okay, fetch you up later." Sabi ko sa kanya.
"'Wag na, baka mag-sleepover ako dito kila Gazelle."
I nod, "okay."
Mabilis din naman akong tumungo sa venue ng party ni Giya. I was 20 minutes late when I arrived the venue. Naghihintay si Gabe sa akin
"Sorry bro, nagpaha—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hatakin niya ako sa loob.
"Mamaya ka na magpaliwanag, do your job, Cae." Aniya.
"Okay."
Inayos ko naman ang camera and take some shots ayon sa mga napag-usapan namin. Nang malaman naman ni Giya na dumating na ako ay napanatag na siya. Maraming guests din ang nagpunta, hindi ko nga lang kilala 'yong iba pero karamihan ay mga former cheersquad pero hindi ko na rin matandaan 'yong mga pangalan nila. It's been a long time.
"Happy birthday, Giya." Bati ko pa sa kanya.
"Akala ko sisirain mo na ang party ko eh." Ngisi pa niya. "Pero good you came, enjoy and have a good shots dahil remembrance ko 'yan."
"Sure."
"Thank you." Aniya at bumalik sa kanyang mga kausap.
Chineck ko rin naman ang photobooth at naging maayos naman nag nangyayari doon kaya iniwan ko na lang muna sila doon. Syempre, hindi ko naman hinayaan ang trabaho ko at nagpicture ng nagpicture.
Mayamaya lang ay dumating na sina Ponce at Evan. Nagsama sama naman kami sa table, kumain naman kaming apat. Sabi ni Gabe ay mamaya ko na lang daw ituloy 'yong pagkuha ko ng litrato dahil ngayon lang ulit kami nagkasama sa nakalipas na dalawang taon.
BINABASA MO ANG
Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-
RomanceA novel version of Isang Saglit, Isang Tingin one shot written coming up with new plots and characters to be told.