Chapter 11

64 2 0
                                    

Chapter 11

4 years


"Good shot, Mr. and Mrs. Roberts!" pagthumbs up ko pa.

"I'm still Miss." Hagikgik pa ng babaeng customer ko.

"Okay, Miss." Ngisi ko pa. "Thank you for the time, we'll send the pictures on your emails or if you have some time, pwede kayong dumaan sa shop at kunin niyo ang develop pictures niyo doon."

"Okay, good. Mabuti na lang at hindi kami nagkamali ng kinuhang photographer." Sabi naman ng lalaking asawa nito.

"Salamat po ulit."

Matapos mag-pack ay bumalik na ako sa kotse ko. Inayos ko naman 'yong mga dala kong gamit at pinaandar ko na ang sasakyan ko. Hindi rin naman naging kalayuan ang naging place namin for photoshoot kaya mabilis akong nakabalik ng shop ko. pinarada ko naman ang sasakyan, kinuha ko ang gamit ko at pumasok sa shop.

"Sir!" bungad naman ng front desk sa akin.

"Yes?"

"May tumawag po kanina, hinahanap kayo."

"Who is it?"

"Si Sir Gabe po."

Napakunot noo naman ako sa kanya, I haven't heard him since the last year. "Oh, anong meron sa kanya?"

"He's asking if he could some photographers." Aniya.

"What event?"

"Photoshoot lang daw sir."

"Okay, call him back at sabihin mo kung kailan siya available, sa office lang ako."

"Sige sir."

Tinanguan ko naman siya. Tumuloy na lang din naman ako sa office ko. I own this digital printing shop. Well, after graduation nag-isip kaagad ako ng business na pwede kong itayo. Some of it were so usual, alam kong marami nang magiging kalaban pagdating doon so I come up with this business. I am photographer, I have some staffs na tumutulong sa akin. I hired some photographers din, lalo na kapag busy ako sila ang kailangang pumunta doon.

4 years since I graduated college. Para sa akin napakabilis lang ng panahon, napakabilis magbago ng bawat sitwasyon namin sa buhay. Sana gano'n din kadali 'yong sakit na nangyari sa akin noon. Natawa na lang din ako sa mga inisiip ko. Apat na taon na ang nakalipas, naaalala ko pa rin ang lahat.

Sa loob ng apat na taon, marami na ring nagbago sa buhay ko pero mas hindi ko makakalimutan no'ng panahong iniwasan ko na ang taong minahal ko.

Simula nang sinugod kami ni Jiro sa ice cream shop noon, alam kong masakit at mahirap para sa akin na layuan at iwasan ko si Elly pero ginawa ko pa rin. Ni hindi na nga niya ako kinakausap, nandiyan ang tropa para pagaanin lagi ang loob ko kahit lagi kong hinahanap si Elly.

Akala ko madali lang 'yong paglayo niya sa akin pero nasanay na kasi ako sa kanya, 'yong tipong nababanggit mo 'yong pangalan niya at nahihinto ka na lang kapag na-realize kong wala na pala siya.

Mas masakit sa parte ko 'yong tinawag niya akong kaibigan lang.

Oh anong problema ko kung tinawag niya lang akong kaibigan? That time naman sila ni Jiro eh, anong magagawa ko? May boyfriend siya.

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon