Chapter 7

71 2 0
                                    

Chapter 7

It's not you


"Bakit hindi kayo pumasok kahapon?" tanong ko sa kanilang tatlo, pumasok na si Gabe pero iwas pa rin sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari 'don pero maaayos din naman namin 'to, tiwala lang.

"Busy ka eh." Sagot naman ni Evan sa akin.

"Tama si Evan." Pagsang-ayon naman ni Ponce na katabi niya.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nila, "hindi ko ma-gets, ano ngayon kung busy ako? Bawal na ba ako sumama sa inyo?"

Pinatong naman ni Ronan ang kamay niya sa balikat ko, "may audition ka pa diba? You're with Ellyna, go company her."

I grunted, "nagre-review siya."

"Then, you should do practice." Dagdag pa ni Ronan.

I push his arm away on my shoulder, "I can practice at home, by the way where's Gabe?"

"She's with Giya." Sagot naman ni Ponce sa akin.

"Then we'll come to him."

"Oh no!" pagpigil naman ni Evan. "We'll come except you." Aniya.

Napakunot noo na lang din ako, "ano bang meron?"

"Boy, go now, you should practice or be with Ellyna who had a boyfriend." Ngisi pa ni Ronan. "Puntahan lang namin si Gabe."

Wala na rin naman akong nagawa. Ayaw nila akong isama, hindi ko na rin naman sila mapipilit. Ayaw nila eh. Tiningnan ko na lang silang umalis. Hinanap ko naman si Elly, sa pagkakaalam ko ay nasa library siya ngayon dahil may quiz daw siya sa next subject niya kaya kailangan niyang mag-aral. Doon naman ako tumuloy.

I tried to look for her at nakita ko naman siya kaagad na mag-isang nagbabasa sa isang mahabang table doon. I sat beside her, mukhang hindi pa ako napansin nito dahil tutok siya masyado sa pagbabasa niya.

"Ehem." I cleared my throat.

Napaangat naman siya ng tingin sa akin, una ay akala niya kung sino lang pero nang makilala ako ay nagulat pa siya. Umayos naman siya ng pagkakaupo niya.

"Akala ko kung sino na naman." Aniya.

Napangisi naman ako, "bakit, sino ba akala mo?" tanong ko pa.

Inipitan naman niya ng bookmark 'yong librong binabasa niya saka niya sinara, "kanina kasi may mga lumalapit sa akin tapos kinukuha pa number ko."

"Tapos?"

"Di ko binigay, sinabi kong may boyfriend na ako."

"Good."

Natawa naman siya, "eh? Bakit?"

Napailing na lang din ako, "wala." Sabi ko pa. "Oh, nagre-review ka, sige tuloy mo lang."

"Nasaan ba mga kaibigan mo?"

I shrugged, "ayaw nila akong pasamahin."

Napakunot noo naman siya, "bakit daw?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Sige, tuloy mo lang pagbabasa mo. Dito lang ako."

Tinanguan na lang din naman niya ako. Binuksan naman niya 'yong libro niya at bumalik siya sa pagbabasa. Kinuha ko naman 'yong phone ko at binuksan ang camera, dahan dahan ko namang tinutok ang cam sa kanya at muntik ko nang mahagis ang phone ko nang mag-flash pa ito.

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon