Chapter 4

120 2 0
                                    

Chapter 4

Great voice, Cae


Falling in love was never easy (how many times did I say this? lol). You easily get attached to the person and when you're hurt. All you can do is to feel the pain so it will go away just like that. Waiting for someone else that you don't know will be the one who are worthy.

Maaga naman akong pumasok ngayon, ewan ko kung bakit pero feeling ko magiging maganda 'tong araw na 'to para sa akin. Lahat naman ng nakakasalubong ko mapa-lalaki man at babae ay binabati ako. Hindi ko sila kilala sa pangalan pero namumukhaan ko naman sila. Ngiti lang din naman ang ginagawa ko sa kanila.

Nang paliko na ako papunta sa building kung saan nandoon ang room for first subject ko ay may nakabunggo pa ako. Muntik nang malaglag ang mga hawak niyang libro, buti na lang catcher ako at nasalo ko 'yon. Ramdam ko kasi 'yong feeling na ma-fall ka pero walang sasalo sayo. Masakit kasi 'yon.

"Uy, Elly." Sabi ko nang makilala ko kung sino 'tong nakabunggo ko. "Saan ka punta?" tanong ko pa.

Hinawi naman niya 'yong buhok na humaharang sa mukha niya at nilagay niya 'yon sa likod ng tenga niya, "sa first subject ko, late na nga ako eh."

"Oh, edi dalian mo na!" sabi ko pa sa kanya.

"Sige, see you na lang!" aniya at nagmamadaling umalis papunta sa kalapit na building.

Nag-iba naman bigla ang mood ko. Mula kanina sa pagiging antok at walang gana ay nabuhayan na naman ako. Hindi naman maalis 'yong ngiti ko hanggat sa makarating ako sa room namin, napuna din ng mga kaibigan ko 'yon dahil iba daw 'yong ngiti ko ngayon.

Pinatong naman ni Ponce 'yong kamay niya sa balikat, "happy, Cae ah? Nyare?" ngisi pa niya.

"Basta." Ngisi ko pa.

"Sus, pa-suspense pa!" protesta naman ni Ronan. "Spill it dude, ano bakit? May sumagot na ba sayo?"

"Ha?" napakunot noo na lang din naman ako sa sinabi niya. "Anong sinagot? Adik ka Ronan." Sabi ko pa.

"'Yong totoo? Bakit ibang klase 'yang ngiti mo? Hindi naman natin kaklase dito si—" Natigilan pa si Gabe at mukhang nakuha na niya kung bakit ganito ako. "Tell me, bro, si Ellyna ba 'yan?"

I just shrugged the smirked.

"Patay na! Inlove si gago!" usal pa ni Evan.

Binatukan ko na lang din naman siya, "mga gago talaga kayo! Manahimik na nga lang kayo!" inis ko pang tugon sa kanila.

Inabot naman ni Gabe ang balikat ko at tumapik doon, "dibale Cae, suportado ka namin."

"Oo nga," pag-sang-ayon pa ng mga gunggong.

Napailing na lang din naman ako sa kanila. Dumating naman ang prof namin at unang bungad niya sa amin ay quiz. Natapos sa checking ang first subject namin, I got a ten over thirty.

"Panes ka kay Cae! Umaasenso!" asar pa ni Evan.

"Ulol ka!" ngisi ko pa. "Ipagmalaki mo rin kaya 'yang six mo! Hindi lang talaga ako nakapag-aral!"

Natawa na lang din naman si Evan, "I bet you on that, Cae. I love sex."

Isa-isa naman namin siyang binatukan at natahimik na lang din naman siya habang hinihimas ang batok niya. Napag-aralan naman namin 'yong naging quiz namin pero hindi ko naman matandaan 'yong iba kaya naba-blanko rin ako. Don't worry, lagi akong nasa top from elementary to highschool. I got high grades, actually.

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon