Chapter 8
I'll video you
"No!" sigaw ko.
Pero binuhat nila ako, hinawakan nila ang magkabilang paa ko at binuhat. Parang trophy lang na itinataas nila. Kahit anong sabi ko ay hindi naman nila ako binababa hanggat sa dalhin nila ako sa gymnasium. Nang makarating kami doon ay binaba na nila ako.
Tatakbo na sana ako pero nang bigla nila akong hatakin at harangan ang dadaanan ko.
"Now, Caelan." Lumapit naman sa akin Giya, "give us some of your moves."
Napangisi naman ako, "what do you think of me, Giya? I can't dance."
"You can." Ngisi pa ni Giya.
"I'm out of here!" usal ko pero agad naman na may humarang sa akin, mas matangkad siya sa akin kaya naman tiningala ko pa siya. "Dude, I don't even like to join here, I joined Glee Club, okay?"
Tinawanan na lang din naman ako nito, bigla naman akong tinulak nito.
"Don't mess with me, kid." Aniya, pansin ko naman ang pagkuyom ng kamao nito. Shit! Ano ba 'tong ginagawa nila? "Just do what Giya said and we will approved or reject you." Aniya.
"But I ain't got myself for this, okay?"
"Giya!" tawag naman nito sa kanya, "are you messing with us? Ano ba talaga?"
"Look," sabi ko, tiningnan naman nila ako. "I got myself registered for the Glee Club at iyon ang sasalihan ko, sorry pero I don't have the moves you got. Pinipilit lang ako ni Giya."
"Bwisit," irap pa ni Giya. "Paalisin niyo na nga 'yan!" aniya.
Nilapitan naman ako ng lalaking iyon at inakbayan pa ako, "back off, kid." Aniya at tinulak pa niya ako.
Inayos ko naman ang backpack ko at lumabas na rin ng gymnasium. Nakahinga rin naman ako ng maluwag dahil akala ko mapapaaway na ako. Tumuloy na lang din naman ako sa klase ko, nandoon ang apat. Tiningnan lang nila ako pero mabilis nilang inalis 'yong tingin sa akin, okay wala na talagang pakelamanan.
Lumayo naman ako sa kanila, magkakatabi sila. Syempre, ako na 'tong didistansya mula sa kanila. Ginusto nila 'yon eh.
Natapos naman ang klase ko ngayong araw, narinig ko na magpupunta ang apat sa bar. Hindi ko na naman inabala ang sarili ko na lumapit sa kanila dahil hindi rin naman nila ako papansinin. Pero bakit nga ba ako umaasa na kakausapin nila ako?
Lumabas naman ako ng university, habang naglalakad ako ay napatambay pa ako sa isang ice cream shop. Doon na lang din naman ako nagpalipas ng oras. Hindi na rin naman nagtagal ay umalis na ako ng ice cream shop.
"Hoy!" napalingon naman ako sa kung sino man iyon. Doon ko lang naman nakilala iyong tumawag sa akin. 'Yon 'yong myembro sa Cheersquad. Nginisihan naman ako nito, "may nalaman ako sayo." Aniya.
"A-ano?" Shit.
Mas humakbang pa silang apat palapit sa akin, sigurado akong myembro din ng cheersquad 'tong tatlo dahil namumukhaan ko sila, kung hindi ako nagkakamali.
"Ikaw pala 'yong lalaking kinahuhumalingan ni Giya." Ngisi pa niya. "Kaya pala hindi ko madiskartehan si Giya dahil sayo." Aniya.
"Ano namang gagawin ko?"
BINABASA MO ANG
Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-
RomanceA novel version of Isang Saglit, Isang Tingin one shot written coming up with new plots and characters to be told.