Chapter 6

90 2 0
                                    

Chapter 6

Karaoke


Naalala ko na naman 'yong mga lovestory na masaya sa umpisa tapos maghihiwalay din pala sa huli. Ang masakit pa doon, akala mo ikaw 'yong nasa position ng lovestory na iyon. Hindi mo alam kung anong mangyayari sa susunod, you get in touch with her then end up breaking up with her dahil alam mo namang hindi na magwo-work out.

"Oh, ayan na donut mo." inabot ko sa kapatid ko 'yong half-dozen box ng donut na hinihirit niya sa akin noong isang araw pa.

Mabilis niyang kinuha 'yon sa kamay ko, tuwang tuwa siya.

"Thank you, kuya!"

"Babayaran mo 'yan, Kaysee!" usal ko pa.

Pero dinilaan lang ako nito, hahabulin ko pa sana pero nagmadaling tumakbo papunta sa kwarto niya.

"Bwisit."

Lalabas sana ulit ako ng bahay ng tawagin ako ni mama.

"Saan ka na naman pupunta, Caelan?" tanong nito sa akin.

"Sa labas lang." sabi ko pa.

Wala kasi akong pasok ngayon, bukas pa ulit.

"Galing dito si Gabe kanina hinahanap ka, saan ka ba galing?"

"Sa mall, binilhan ko si Kaysee ng donut niya." sabi ko naman.

Ma, pwedeng palabasin mo na ako. Kating-kati na 'tong paa kong maglakad eh.

"Ah, sige, umuwi ka ng maaga!" aniya.

Napangiti na lang din ako at nagmadaling lumabas ng bahay.

Nagpunta ako sa mall kanina para bilhan ng donut si Kaysee at syempre dumaan ako sa garden doon at nagbabakasakali na madatnan ko doon si Elly pero wala siya doon, hindi rin ako nagtagal na doon dahil alam kong naghihintay ang kapatid ko. Kaya ayan, tuwang tuwa sa inuwi ko sa kanya.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Gabe. Hindi ko pa sure kung siya ngayon 'yon dahil nakatalikod pero ayon sa paglalakad nito at kilos ay si Gabe nga talaga iyon. Tumakbo akong palapit sa akin. No'ng una ay akala niya kung sino lang ang lumapit pero nang makilalang ako pala 'yon nagulat pa!

"Oh, anong histura 'yan!" matawa-tawa ko pang sabi sa kanya. "Galing ka daw sa bahay?" tanong ko.

"Oo."

"Bakit?"

Tiningnan naman niya ako, "sumali ka daw sa Cheersquad."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "sino nagsabi? Si Giya na naman ba?" usal ko pa.

Tumango naman siya, "oo, pinipilit niyang sumali ka daw sa cheersquad."

"Gabe naman, akala ko ba naiintindihan niyo na 'yong sinabi ko? Hindi nga ako sasali 'don, diba?"

Pagkasabi ko no'n ay umalis na siya sa harap ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Gabe, nakakapagtaka lang talaga!

"So 'yon 'yong dahilan mo para pumunta ka sa bahay?" tanong ko sa kanya.

Tinanguan ko naman siya.

Muli naman ako lumapit sa kanya, "Gabe, hindi naman 'to dahilan para mag-away tayo eh."

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon