Chapter 1: Reality hurts..

290 7 3
                                    

Her POV

Have you ever had that feeling when everything seems dull and like you just lost half of you?.. Then you realized, kahit minsan naman pala hindi mo naman napanghawakan yung kala mo ay nawala sayo..

I tried to stop the pain in my heart pero wala akong magawa eh. Masakit pa din. I've promised myself na after some time, titigil na ko sa pag-isip sa masasakit na bagay. Hindi ko pwedeng ipagpatuloy ang pagiging miserable ko.. I have a life to look forward.. Maybe I should just accept na he'll never be part of my future..

After weeks of crying, I've moved on? Siguro hindi. Baka more of tinanggap ko lang na siguro they are meant for each other. Para nga akong ewan eh.. Pamove on move on pa ako.. E kahit kelan naman hindi naging kami. I was and will always be JUST his BESTFRIEND.

Ano nangyari sa kanila? Ayun makikita mo araw araw sweet sa isa't isa. The sweet and cool guy together with the sweet and charming girl. Ako ayun smile smile lang sa kanila pag may time..

“Uy Kate!”nagulat ako ng may biglang may nagsalita. Si Summer lang pala..

“Bakit Summer? May work ba ako ngayon from the agency?”sagot ko sa kanya..

“Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa iyo na kahit gaano mo tignan si Aubrey, hindi siya malulusaw at mawawala sa mundong ibabaw..”

“Kaibigan ba talaga tawag mo sa sarili?”sabi ko sabay irap. Syempre joke lang yung galit effect ko na yun. Love ko yang manager slash bestfriend ko..

Siya lang kasi nakapansin na, here I am. Hopelessly in love with someone who only thinks of me as a friend. Kung pwede nga lang atang hilingin na maging magkapatid na lang kami eh ginawa na niya..

“Kate!”sabi nung nasa likod ko sabay yakap..

“I miss you Kate! Ikaw kasi! Bakit ba hindi ka pumasok ng dalawang linggo? May malala ka na bang sakit?”sabi ng bestfriend ko na nagpapanic na..

OO. Malala na sakit ko sa puso.. Halos ikamatay na ng puso ko..

Let the Rain PourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon