Chapter 6

3.2K 95 1
                                    

The Senkaruko

Paula Banarez

Pagkaalis ni Ate ni at ni Kannilei ay agad kong binalingan ang katabi kong si Adrian. Seryoso din naman itong nakatingin sa akin. gusto kong sabihin sa kaharap ko itong nararamdamn ko ngayon. Nasasaktan ako sa binitawang salita ni ate kanina. Iyong nga mata niya ay nagpapakita ng sakit at kalungkotan na siyang nagpakirot nitong puso ko.

"Say it." Natigil ito ng bigla akong magsalita.

"Ano?"

"Say it Paula. Alam kong may gusto kang sabihin sa akin. Ilabas mo iyang nararamdaman mo." I sighed. He said it and he wants me to tell him about this thoughts inside my head.

Umatras ako ng kaunti sa kanya at nilingon ang daan kung saan kanina ay nakaparada ang kotse ni Kanilei. Muli na naman akong huminga ng malalim. Ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin.

"She's in pain. I can feel it, adrian. Bampira nga siya pero nanatili parin ang ugali ng tao sa puso niya. Hindi namin siya kayang bitawan lalo na at ganito siya kaimportante sa amin. She is not just a Wife of a Prince, Adrian. She's something." Sinabi kong hindi nakatingin sa kanya. Nanatili ang aking mga titig sa gubat na nasa aking harapan.

"Alam ko. Kaya nga naiintindihan ko si Erick sa mga pinaggagagawa niya ngayon. Ganoon niya kamahal si Trix."

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. How funny that the Adrian that I used to hate so much is now my friend. Hindi na nga kami nagbabangayan tulad ng dati e.

"Salamat." Sinabi ko at tinalikuran na siya. Papasok na sana ako sa loob nang magsalita ulit ito.

"Don't stress yourself about this Pau. Matatapos din iyon. Erick will surely find a way just to kill that Strigoi."

Tumango ako at nilingon siyang muli.

"I will. Thanks." Muli ko nang tinahak ang loob ng palasyo at dumiretso sa silid ko kung saan nakakalat lahat ng librong kinuha ko sa Library ng palasyo.
Naabutan ko naman doon si Akira na ginagapangan ang mga librong nakakalat sa aking kama.

"Akira! May nahanap ka na ba?" Tanong ko sa kanya at tinabihan siya sa kama.

"Mayroon akong nababasa tungkol sa pagiging senka ng isang babae mahal na prinsesa. Mayroon ding mga History tungkol sa ibat-ibang Clan lalo na sa Stigoi at ito po..." tinulak niya sa akin ang isang makapal na libro. "Mukhang dyan po lahat nakasulat ang tungkol sa gusto mong malaman Mahal na prinsesa."

Kinuha ko ang libro at binasa ang pamagay.

"Senkaruko. The prophecy of all...?" Nasabi ko at pinagpag agad ang librong hawak. May alikabok kasi doon at talagang lumang luma na. Katulad lang ito sa isang libro kung saan ko unang nakita ang Larawan ni Cordelia.

"Basahin mo na mahal na Prinsesa." Aniya. Tumango ako at binuklat ang unang pahina ng libro. Kumunot ang noo ko sa unang nabasa.

"Anong nakalagay, mahal na prinsesa?"

"It says that the one who is Reading this must be the senka. If it's not, the reader will die." napatingin ako kay akira nang sabihin ko iyon. She looks shock at mabilis na inagaw sa akin ang hawak kong libro. agad akong umapela doon.

"Akira! Bakit mo naman inagaw ang libro?!"

"Because that book isn't for you Mahal na prinsesa! Maaari mong ikapahamak iyon kapag pinagpatuloy mo ang pagbabasa."

She's right. Buti nalang ay mayroong warning sa unang pahina ng libro. Kung wala ay baka ano pang mangyari sa akin nito. And that made me realize that the book is really important.

"I am not the senka. Hindi natin malalaman kung ano ang nakalagay sa librong iyon." Sabi ko at kinuha nalang iyong ibang libro na nakakalat sa aking kama. Ang Senkaruko ay niligpit ni Akira at binalot ito ng kulay pula ng tela.

"Pwede mo namang basahin ang ibang libro mahal na prinsesa. May chance na makakuha tayo ng impormasyon doon." aniya. I sighed. Mabuti nalang talaga at may kaibigan akong katulad ni Akira. Maaasahan lage kapag kailangan ko siya.

"Salamat akira." Sinabi ko bago binaling ang atensyon sa hawak kong libro. May nakasulat na pamagat doon. The existence of the senka.

Huminga ako ng malalim saka binuklat iyon at sinimulan ng basahin ang librong iyon. Title palang ay naengganyo na akong basahin ito ngunit hindi parin mawala sa isip ko iyong makapal na libro na ngayon ay nakabalot na sa isang pulang tela.

Huminto ako sa pagbabasa at tinuon ang pansin sa nakabalot na libro.

"Mahal na prinsesa.. " tawag sa akin ni Akira na para bang pinipigilan niya akong gawin itong binabalak ko. I sighed. Ugh! Gusto kong malaman ang laman ng librong iyon ngunit papaano?! I am not the senka!

"Sorry, Akira. It's just that, that book is something. Ramdam ko iyon at alam kong ikaw rin ay nakakaramdam ng tensyon na iyon. " sabi ko sa kanya saka muling binaling ang atensyon sa hawak na libro.


gabi na ng matapos kami sa pagbabasa ni Akira. Nagsimula naring magsidatingan ang mga kasamahan ni Kuya sa kanilang misyon kaninang umaga. Binalingan ko ng pansin ang aking kaibigan na ngayon ay mahimbing na natutulog. I smiled.

"Akira..aalis lang ako saglit. Kakausapin ko lang ang kuya ko." Sinabi ko iyon ng pabulong. Wala akong narinig mula sa kanya. Funny. Tulog ang kausap ko kaya papaano ako makakatanggap ng comment?

Napapailing ako habang lumalabas sa silid at nabigla ng maabutan ko si kuya sa labas ng silid ko. He looks tired! madami rin siyang sugat sa kanyang braso.

"Kuya! Oh my god, what happened? Come here, let me heal your wounds!" Tarantang ginaya ko siya sa isa sa mga kwarto ng palasyo. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa silid ko dahil makikita niya iyong mga librong ninakaw ko sa Library!


"O-ouch! Dahan-dahan lang Pau." Aniya nang pinahiran ko ang sigat niya ng isa sa mga ointment para sa kanya.

"Kuya naman kasi! Kailan mo ba balak tumigil sa pinaggagawa mo? Kuya you're just hurting yourself!"

mabilis niyang hinawi ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Paula, kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para doon. Alam kong alam mo iyon." I saw a sadness in his eyes. "Nawawalan na ako ng oras para sa kanya at ramdam ko kung gaano siya nalulungkot sa tuwing gumigising siya sa umaga na hind manlang nakikita ang pagmumukha ko. I love her so much and i'm willing to do everything for her, Paula."

Napaluha ako dahil doon. My kuya is a brave guy but then right now, all i saw is my big brother that is really hurting. Mabilis ko siyang niyakap.

"Kuya.. I will do everything to help you and ate. Alam mo naman kung gaano ko kayo kamahal diba. So I promise to you my trust. I'll help you kuya. Pangako iyan."

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran at hinigpitan ang yakap.

Napaisip tuloy ako. Kung hindi ba nangyari ang lahat ng karanasan ni ate noong bata pa siya ay magiging maayos kaya ang lahat? I don't want to see my kuya hurting. At hindi ko sisisihin si ate sa pagiging Senka niya. She's special. Ate is something that must be save.



Xxxxxxxxxxxxx
Sinong namis si paula at Erick? Taas paa! joke. Gahaha sa mga nagtatanong kung ano ang senka, antay lang at malalaman niyo rin soon! ;) enjoy vampires! :-*
-jhazz

The Vampire's Wife (AAKB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon