Author's POV
Tahimik ang buong palasyo. Walang ni isa sa great warriors ang nagsalita at sumubok umakyat sa silid kung nasaan si Erick. Even paula is silent. Hindi niya alam kung pupuntahan ba ang kapatid o mananatili na lang din na tahimik. Naagaw lang ang pansin ng lahat nang bumukas ang pintuan at niluwa doon ang mag-asawang Bañarez. Kaagad na tumayo ang lahat upang magbigay galang sa dumating.
"Si erick?!"
Parang kulog ang boses ng hari nang hanapin niya ang anak. Kaagad na dumalo si Paula sa mga magulang.
"P-papa, kuya is u-upstairs. Huwag po muna natin siyang-"
"Take ur mom with you, Pau. Let me talk to your brother." Ang hari nang hindi manlang pinansin ang sinabi ng anak. Umiling kaagad si paula. Alam niyang magkakagulo lamang kapag hinayaan niyang mag-usap ang dalawa!
"Papa please, hayaan muna natin ngayon si kuya!" Aniya ngunit hindi na siya neto pinansin at tuloy-tuloy na ang lakad nito paakyat sa silid kung nasaan si Erick.
Nag-umpisa na namang mangilid ang kaniyang mga luha. She faced her mother.
"M-mom, alam natin kung ano ang mangyayari kapag kinausap si kuya sa ganitong sitwasyon!" She cried. Ngumiti ang kanyang ina at hinaplos ang pisnge nito.
"Your father knows him very much, Paula. He won't hurt your brother. Let's trust h-him." Nabasag ang boses ng Reyna at kaagad na umiwas ng tingin. Kahit ito ay alam niyang mag-aaway ang mag-ama sa itaas ngayon. Ngunit alam din nigang hindi niya ito mapipigilan. It's their fault by the way. Sila ang kumuha sa batang Trix at ilayo ito sa tunay na nag mamay-ari sa kaniya. Ngayon pa lang ay ramdam niya na ang galit at hinanakit ng anak nilang lalake.
Hindi makapaniwala si Paula sa narinig. Hindi niya alam kung mapapanatag ba siya sa sinabi ng Ina o mas lalong kumbinsihin ito para umakyat at kausapin ang kapatid.
Saglit siyang napatulala doon at nakabawi lang nang makarinig sila ng isang malakas na kalabog mula sa itaas. Nanlaki ang mga mata ni paula nang mag sink in sa isip niya ang nangyayari. Kaagad na naalerto sina Adrian. Naibalik niya ang tingin sa Ina, napapailing.
"Mom! Please, puntahan na natin sila!" She tried to run upstairs pero pinigilan siya ng kanyang ina. Laking gulat niya nang lingunin ito ay puno na ng luha ang mga mata neto. Nanlamig si paula. Nanahimik ang five great warriors nang makita na ganoon ang kanilang Reyna.
Sunod-sunod ang kalabog mula sa silid ni Erick ngunit hindi na iyon pinansin ni Paula. Mabilis na hinawakan niya ang humihikbi na Ina.
"M-mom, I-i'm sorry. Si kuya kasi, baka masaktan siya ni p-papa-"
Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil sa tindi ng iyak ng Ina. Ngayon lamang niya ito nakitaan ng ganitong emosyon. Kaya alam niyang matindi ang problema na hinaharap ng Palasyo at ng pamilya niya sa oras na ito.
"N-no, anak.. It's our fault. H-hindi kami mapapatawad ng kapatid mo, at paniguradong pati ikaw ay kakamuhian din kami dahil sa ginawa."
"Mom, hindi po. Wala kayong kasalanan. Hindi natin nakitaan na mangyayari ito, hindi ba? H-hindi natin alam kung bakit nagawa iyon ni Ate. B-baka pinagbantaan siya ng mga Strigoi!"
Pagpupumilit niya. Hindi niya kayang tanggapin ang kakaibang pagdududa sa isipan niya. Sigurado siyang walang kasalanan ang mga magulang niga. Umiling siya at mabilis na tinawag si Adrian para alalayan ang Reyna. Kaagad naman itong lumapit.
"Mahal na Reyna, dadalhin na namin kayo sa inyong silid." Si Adrian at kaagad na inalalayan ang Reyna.
Bago pa man ito tuluyang umalis ay tumitig muna ito sa naguguluhan na si Paula. Ngumiti ito kahit panay parin ang agos ng mga luha sa mata at tinalikuran na ito.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife (AAKB BOOK 2)
VampirosMarriage is the beginning of a happy life story. But ours is different. Book two of "Ang Asawa Kong Bampira" Note: Huwag basahin kung hindi mo pa nababasa iyong book 1! Maguguluhan ka lang! Again, maguguluhan ka lang! ;) ...