Angela's POV
Nagmadali na akong umuwi sa bahay dahil siguradong hinahanap na ako ni Papa at siguradong patay nanaman ako sakanya dahil hindi ako nakauwi kagabi.
BAHAYSana hindi ako makita na ni papa patay ako netoooo. Dahan dahan akong pumasok sa bahay upang di makalikha ng ingay.
"O anak ang aga mo naman ata."
Waaah patay nako neto huhuhu
"Ah pa ano kasi madami pa akong tatapusin sa opisina kaya napaaga ako ng gising hehehe"
Sana makalusot please please
"Ganon ba anak, sa aga mo nagising hindi kapa nakapagpalit ng damit iyan parin ang damit mo kahapon ano?"
Pataaaaayyyyy huhuhu
"Pa kasi po an-"
"Kailan kapa natutong nagsuningaling sakin ha?!"
Galit sya wth?!
"Papa sorry na kasi diko alam kung anong sasabihin ko sa inyo kasi po palpak po yung inorganized ko" T_T
Napabuntong hininga nalang ako at niyakap ako ni papa.
"Akala mo ba hindi ko malalaman anak?"
Wait.. Alam nya?! Paanoooo?!
"Alam ko ang lahat nabalita sa tv kung hindi ko pa napanood sa tv hindi ko pa malalaman nako naman anak kung may problema ka nandito lang ako sabihin mo para matulungan kita hindi yung kinikimkim mo. Dadalawa na ngalang tayo hindi mo pa ako masabihan ng problema mo?"
"Sorry po papa ayoko lang naman pong madisappoint ko kayo lagi nalang po akong palpak kaya nahihiya napo ako sanyo."
"Anak hindi natin maiiwasan ang magkamali sa buhay natin. Nagkakamali tayo para matuto at nangyayari ang lahat dahil may plano ang Diyos."
"Papa sorry po talaga ha" saad ko.
"Osiya sige na tama na ang drama aga aga anak eh hehe papasok nako sa school kumain ka bago umalis ha"
"Sige papa ingat po kayo ha."
At umalis na si papa papuntang school. Isa kase syang guro.
Haaaaay thank you Lord for giving me the best father. ^_^
Waaaah sh*t naalala ko nga pala yung sinabi ni papa napanood nya daw sa tv lahat ng nangyari waaaaaaaah!!!!!
Paano nato?! Madaming makakakilala sakin waaaaaaahhhhhhhh! Bat naman napakamalaaaaaaaas ano nalang ang sasabihin ng ibang tao T_T
*Ting*
Waaah alam kona magbabago nalang ako ng hairstyle para walang makakilala sakin huh!
Wait nga makaligo nga muna.
-------------
Pagkaligo ko lumabas nako ng bahay para pumunta ng salon.
"Mare diba yan yung nasa tv na palpak na organizer"
Shems e ano kung palpak mga chismosa.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binaliwala ang mga sinasabi nila.
Waaaah mababaliw nako lecheee.
SALON
Habang naglalagay ng gamot yung bakla sa buhok ko, naboring naman ako kaya kumuha ako ng magazine at nagbasa.
Wooow ang ganda naman ng bahay na ito.
"Sis ang ganda ng house aneees. Bigtime may-ari nyan."
Tinatanong?!
