Part 24

423 6 0
                                    

Maria's POV

We are back here in Manila, si Gab naman dumiretso na sa condo niya, sabi niya kasi marami pa siyang gagawin, gusto ko sana siya ipakilala kay Harold eh para makakain muna siya bago umuwi. 


"Hon, I missed you so so so much", bulong sa akin ni Harold while hugging me from behind. Nandito kami ngayon sa room namin, si baby Kyle naman kasama na niya si yaya. 


"I missed you more Hon", sagot ko and he kissed me passionately. Mukhang nasabik sa akin itong mister ko, kung makahalik akala mo mauubusan. HAHA


"Hon pagod pa ako eh, some other time nalang please", sabi ko habang kinikiss niya yung neck ko, wala ako sa mood ngayon eh, I don't know why. 


"Please hon, namiss talaga kita ng sobra sobra", sabi niya ulit at tuloy pa rin sa paghalik niya sa akin. 


"Hon, not today, sige na, maliligo muna ako", sagot ko na medyo may halong inis na. 


"Okay sorry, namiss lang talaga kita", sabay labas niya ng kwarto. 


Na-offend ko yata ang asawa ko, bawi nalang ako mamayang gabi, kasi wala talaga ako sa mood eh and gusto ko rin tawagan si Gab, kung nakarating na siya ng condo niya. 


*RING....RING...RING...RING*

-Hello Maria- sagot sa kabilang line, halatang pagod na pagod 

-Hello Gab, sorry sa istorbo I just wanted to know if nakarating ka na sa condo mo- sagot ko naman, naistorbo ko pa ata ang tulog nito. 

-Ahh yeahh, kanina pa nga ako nakatulog eh, salamat sa concern, kamusta kayo ni baby- sabi niya. 

-We are okay naman, sorry talaga, I'll let you go back to sleep, I will see you tomorrow nalang at work, bye ingat-  sabi ko nalang dahil tinatawag na rin ako ni Harold to have lunch with him downstairs 

-okay, I'll see you tomorrow Ma'am, HAHA- nakuha pang mang-asar eh oh. 


"Hon are you coming, food is ready", bungad ni Harold sa may pintuan, napatingin naman siya sa phone ko, at sumenyas kung sino kausap ko. 


"Yes I'm coming", sabi ko at tuluyan ko na binaba yung phone. Okay na pakiramdam ko, she's safe. Ano ba toh, para akong nanay ni Gab na laging nagchecheck sa kanya, baka mainis na siya sa akin..



.

.

.

.



Gabrielle's POV

Katatapos lang namin mag-usap ni Maria, we were together a few hours ago pero miss na miss ko na siya well sila ni baby. 

*DING...DONG...DING...DONG..*

Oh, ba't may nagdodoor bell, wala naman akong bisita today ah, sila Georgina naman bukas pa ulit ang balik dito sa Manila dahil may isang party pa daw silang pupuntahan, puro naman party yung mga yun eh, that used to be me, nakakamiss din minsan. 

Kabet (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon