Part 17

761 14 1
                                    

Gabrielle's POV

Nagpapa-breast feed pa pala ito si Ria, kaya pala ang healthy healthy ni baby eh. Ako kaya? HAHAH JOKE!!!!

"Ah, kaya naman pala ang healthy ni baby eh", sabi ko at tumawa ako ng mahina. Nakita ko na namula yung mga cheeks niya. 

"Oo nga eh, pero minsan pag wala ako sa bottle ko nilalagay yung milk", sabi niya, habang kumakain na siya ng inorder niyang creamy mushroom pasta. 

"Kailangan ba talaga galing diyan", sabi ko at tumingin ako sa mga breast niya. 

"Uhmm, oo eh mas gusto kasi ni baby yung breast milk", sagot niya.

"Tama na nga yang tanong mo at kumain ka nalang", dag-dag pa niya, dahil mukhang hindi na siya kumportable sa topic namin. 

"U-Uhmm Ria, sorry nga pala ha", sabi ko 

"Sorry saan?", sabi niya habang binigyan niya si baby ng bottle na may gatas. 

"Don sa kanina, sa mga nakita mo", sabi ko 

Napatigil siya sa pagkain at tinignan lang niya ako. 

"A-Ahh, yun ba wala yun, sorry din sa pag-istorbo sa inyo ng gf mo", sabi pa niya habang kumuha siya ng inumin. 

"Ah eh, wala akong gf", sabi ko, naging awkard yung paligid, dahil parang tumahimik lahat ng tao. 

"So, hindi mo siya gf, pero magkasama kayo sa iisang room and ganun ang itsura niyo?", sabi niya na takang taka. 

"Oo na po, parang FUBU lang", sabi ko naman. 

"Hindi nga? Okay lang sayo yung mga ganun?", tanong niya... 

"Oo, bakit ni minsan ba hindi ka nagkaroon ng FUBU bago ka mang lang magka-asawa at anak?", tanong ko pa, habang iniinom ko na yung first beer na inorder ko. 

"No way! Not in a million years", talagang may kasama pang hand gestures nong sinabi niya yun ha. 

"Wehh!", sabi ko... 

"Oo nga PROMISE cross my heart!", dag-dag niya, haha ang cute lang niya nag cross my heart pa siya eh.. 

"Pero nagkaroon ka namn ng iba pang bf's bago yung asawa mo?", tanong ko pa.

Nag-eenjoy talaga ako dito sa boss ko, super cool niya eh and she's so down to Earth din. Paano na yung plano ko na kailangan ko siyang iwasan? Malabo na yata mangyari yun dahil, wala silang makakasama eh. 

"Nope, first boyfriend ko yung asawa ko and last love ko na rin siya", sabi niya at mukhang kinikilig pa ang loka. Parang may tumusok na karayom sa puso ko nung narinig ko yun. OUCH lang te. 

"Ahh, good for you", sabi ko naman at inubos ko yung beer sa isang lagok. 

"Gab, dahan dahan lang hindi ka mauubusan niyan", sabi niya at kinuha yung beer sa kamay ko. 

"Masarap eh!", sabi ko at binigyan ko siya ng isang malaking FAKE smile. 

I'm hurt!

Maria's POV

Ano ba naman itong kasama ko, mukhang mauubos lahat ng beer dito sa bar nila. Parang sabik na sabik sa liquor. 

"Ikaw, kailan mo pa nalaman na hindi ka straight?", tanong ko sa kanya, mediyo close na kami ngayon eh, kaya kumportable na ako mgtanong sa kanya ng mga questions na medyo personal. 

"I don't label myself naman eh, basta kung sino yung type ko yun na yun!", Sabi niya at dumating na yung order niyang sisig. Lasinggera nga ang loka!

"Do you do dates or fling fling lang?", tanong ko pa. Hindi ko alam kung bakit masyado ako ngayon intersado about sa kanya, I want to know kung anong klase siyang tao pag-dating sa LOVE.

"Well most of the time puro fling lang, hirap kasi kapag may karelasyon eh, yung serious relationship", sabi pa niya

"Bakit naman? Ayaw mo yung may mag-aalaga lagi sayo?", sabi ko sa kanya habang nasa lap ko si baby. 

"Gusto na ayaw, mabilis kasi akong mag-sawa eh", sabi niya.

Mabilis siyang mag-sawa, paano siya magkakaroon ng asawa, kung ganyan ang ugali niya. Pero ayaw ko ng makialam buhay niya yan eh. 

"Ahh okay", sabi ko nalang.. 

"Ria don tayo ni baby sa labas oh, malapit sa shore, makakapaglaro pa si baby don sa buhangin", aya niya sa akin. 

"Sige, mauna ka na don, I'll meet you there, papalitan ko lang yung diaper ni baby", sabi ko naman, puno  na kasi diaper niya eh. 

"Ahh sige, see you soon", sabi niya at sabay kindat sa akin (^_~) 

Ohh, wow lalo siyang gumaganda. I love her winks, and her smiles. Parang nakakahypnotize. Ano ba naman itong nararamdaman ko, tuwing nagwiwink siya parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko. 

To be continued...

Sorry guys, short update. Bawi nalang ako next time :) 

Take care <3

Kabet (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon