Continuation...
Justin's POV
"Oh ano na ang susunod?" Inip na tanong ko sa kanya.
"Ang sabi dito 'Maria has her phone. She was walking by the street when suddenly she saw someone whose playing a skateboard. She decided to take a v(blank) on it. Then when she finished watching it she said it was OKAY. If you guess what I mean, I want both of you to do it. Ano naman ang sinasabi nitong pesteng to?" Sabi niya at inihagis sa akin ang papel.
Binasa ko naman to ulit, pero kahit anong piga ko sa utak ko wala talaga.
"Wait lang." Biglang sulpot niya at kinuha uli sa akin ang papel. "Maria has her phone. She was walking by the street when suddenly she saw someone whose playing a skateboard. She decided to take a v (blank) on it. Boom alam ko na video yung v (blank) na sinasabi dito." Sabi niya at bigay sa akin ng papel ulit.
"Pano ka naman nakakasigurado na video nga ang sagot?" Tanong ko at tinignan ko uli ang nakasulat.
"Duh, tignan mo kasi yun sitwasyon. May dala siyang phone, naamaze siya roon sa nakita, siyempre kukunan niya ito ng video. Baka ang sinasabi jan ay dapat makakita tayo ng nagees-skateboard na lalaki at picturan ito." Sabi niya. Napatango na lang ako dahil may punto naman talaga yung pinagsasabi niya. Ngunit may napansin naman akong may susunod pang sinabi. "Pero wait lang. Wag ka munang magsaya jan dahil nahulaan mo. May kasunod pa kaya." Sabi ko.
"Patingin nga. Then when she finished watching it she said it was OKAY. If you guess what I mean, I want both of you to do it." Napahawak naman siya sa baba niya na parang nag-iisip. "Ah alam ko na. Siguro pagkatapos nating videohan yung nageeskateboard ay dapat sabihin nating 'OKAY' sa huli." Sabi niya.
Sa pangalawang pagkakataon may punto na naman siya pero may pakiramdam ako na hindi yun yung pinupunto ng nakasulat. Tumalikod naman ako sa kaya at binasa ng paulit-ulit ang tanong habang siya ay ngiting-ngiti dahil nasagot niya ang riddle.
"Video...okay." Napaisip naman ako. Siguro may dahilan kaya hinailightan ang salitang 'OKAY' doon pero pano. Binasa ko ng paulit-ulit.
"Hoy Nerd peram na ng phone mo. May nakita na akong nageeskateboard banda roon." Sabi niya habang kinakalabit ako. Hindi ko naman siya pinansin at mas nag-focus sa papel.
"Video...okay...video-okay...video—ah Videoke." Sigaw ko at humarap sa kanya. "Videoke ang tinutukoy rito." Natatawang sabi ko.
"Huh? Pano mo nasabi?" Takang sabi niya at binawi sa akin ang papel.
"Kutob ko lang." Sabi ko.
Napa-fake laugh naman siya. "Do you expect me to just believe on your instinct? Kung titignan mo naman, mas may point yung sinabi ko kesa jan sa instinct mo." Sabi niya. "Tara na videohan na natin yung lalaki at baka makaalis pa yun." Dagdag pa niya at nagsimula ng hatakin ako pero hindi ako nagpahatak kahit nasasaktan ang braso ko.
Magrereklamo pa sana ako pero mas pinili ko na lang magbuntong hininga. "Ganito na lang. Pareho nating videohan." Suhestyon ko.
"Okay deal para matapos na ito." Sabi niya. "Unahin muna natin yung nageeskate board baka makaalis na iyon." Dagdag pa niya at hinatak na ako papunta roon.
Nagtago naman kami sa isang malaking puno. Inilabas niya ang phone ko sa bulsa niya at pasikretong vinideohan ang lalaki.
"Okay nay an tara na." Bulong ko sa kanya at hinatak na siya sa Videookehan.
Buti na lang nung dumating kami rito ay papaalis na ang gumamit kanina.
"Oh, ano ng plano mo?" Halatang bored na sabi niya
BINABASA MO ANG
The Nerdy Geek vs. The Popular Girl
Teen FictionIstorya ng isang lalaki at babae at sa mga pagsubok nila sa buhay