Trish's POV
Halos dalawang linggo na mula nung nagperya kami. Nasundan pa ng nasundan iyon. Kasama na rin sa group of friends namin sina Kyle, Diego at Peter kaso pansin ko sa mag-pards ay hindi sila comfortable sa kanila. Kaya sinabihan na lang namin si na Kyle na meron talagang saltik ang magkaibigan na iyon kaya wag na lang silang pagpapansinin.
July na ngayon at ngayon ang week na ito ang pilian ng club. Nakasanayan na ito ng Ford High na tuwing July tatanggap ng bagong memebers ang mga clubs. Applicable lang ito sa mga transferees at freshmens pero pwede din naman ito sa mga old students kung gusto nilang ng bagong club o kung gusto nilang magparami ng club.
Sa case ko, Ako ang Vice President ng Science Club. Kami ang nag-aasikaso ng nutrition month at Science month kung minsan nakiki-collab kami sa ibang club para sa mga financial o manpower.
Since pilian nga ng club ngayon excuse ako for the whole day para sa club campaign. Sa mga hindi nakakaalam, ang club campaign ay isang campaign syempre na ineendorse ang mga clubs nila. Kanya-kanyang pakulo para maka-akit ng mga newbies at kung ano-anong mga accessories at platform ang ipipresent para sa mga students.
"Bes, ang tagal naman nito. Kelangan ko pang habulin ang lesson natin sa chemistry ngayon balita ko mahirap daw." Btw, kasama ko pala si Joey beshie dito dahil siya nga External Vice President ng Dance Club. Magaling sumayaw yan kaya mula nung 1st year kami yan at yan pa rin ang position niya.
"Alam mo wag ka na mag-aalala dahil hindi kita matatalo dahil parehas tayong nandito at saka kaya mo yan lagi ka kayang Top 1." Sabi ko.
"Hindi naman yun eh. Kasi...ano."
"Kasi gusto mong makasilay na naman sa katabi mong si Justin Markus San Pedro." Dirediretsong sabi ko kaya naman tinakpan niya ang bibig ko.
"Wag ka naman maingay dyan sabi ng secret lang diba?" Bulong niya.
Ka-chat ko kasi siya kahapon, kasi gustong alamin kung anong mga gusto niya sa isang lalaki kasi diba tinutulungan ko nga nag torpe kong kapatid pero hindi inaasahan na napaamin siya sa akin na si Justin nga ang type niya. Hahaha. Sa limang taon na magkaklase kami ngayon lang siya nag-open sa akin ng tungkol sa crush niya.
Hay, naaawa naman ako sa kapatid ko.
"Hoy babae tinagawag ka na ng president mo." Sabi ni bes habang tinuturo ang kinaroroonan ng clubmates ko.
"Sige see you later bes." Sabi ko at nagbeso-beso kaming dalawa.
*********
Joey's POV
Pagkaalis nila bes ay kami naman ang sunod na ipinatawag ng student council. Pagkapasok namin sa office nila ay ibinigay nila agad ang designated sched kung paano ang process ng campaign namin.
"Oh Mark sayo tong 1st year, kelangan more than 50 ang mag-aud sayo since sila ang main priority natin. Samahan mo narin Mika si Mark para join forces kayo." Sabi ni Pres at binigay ang sched sa kanila.
"Ella, ikaw naman sa 2nd year, ito mga basagulero tong mga to kaya ingat ka dun paymus ka pa naman. Jordan samahan mo tong jowa mo." Sabi niya at ibinigay na rin ang sched dito.
"Ako naman sa seniors since ka-batch ko naman sila. Last but not the list sa juniors Eylan ikaw na ang bahala dito alam ko namang kaya mo to. Isama mo na rin tong si Gelo since ka-batch mo rin to." At binigay na sa akin ang sched. "Okay, unang-una hindi natin ng maraming members ngayon dahil kailangan natin ng para sa cultural, hip-hop compet, at doxologies. Buksan niyo ang folder." Binuksan ko naman ito. "Kung nakikita niyo jan limited lang ang slots maliban sa cultural since kailangan talaga natin ng batalion don. Anyway, hindi pwedeng lalampas dyan sa designated numbers of auditioners kasi mahirap yan i-judge at limited lang ang nagagamit natin. Okay na gora na tayo. Punta na lang kayo sa classroom ko para ibigay sa akin ang mga yan. Sige na babush."
BINABASA MO ANG
The Nerdy Geek vs. The Popular Girl
Teen FictionIstorya ng isang lalaki at babae at sa mga pagsubok nila sa buhay