Chapter 12: 4th Battle(Debate)

68 5 2
                                    

Trish's POV

Nandito na kaming lahat for our English Class. Nagsasagot kami nang seatwork ngayon.

"Students for your first quarter project is your going to have a Debate about love vs. Ambition. Since your are the age of adolesence,

I think this topics will be best explain by you guys. What track will you choose? Goals or love?" Sabi ni Ms. Feral.

"Ahm Ms. Feral wala po bang groupings?" Tanong ni Kate our class president.

"Ah about that. Sayo ko na lang ibibigay ang list of group since your the class president. Kaya punta ka na lang sa faculty mamaya." Sabi ni Ma'am kay Kate. Tumango naman sya at umupo na sa seat nya. "Are there anymore questions?"

Nagtaas naman ang kamay si Joey.

"Ms. Feral kailan po ba yung mismong debate?"

"Ahm. Next week Ms. Salvador. Kasi malapit na ang examination week. Kaya ngayon pa lang ipapagawa ko na ito sa inyo." Sabi ni Ms. Feral. Sabagay para hindi na rin makasabay sa ibang teachers na nagpapaproject kapag approaching na ang exam.

"Are there anymore question?" Tanong ni Ma'am. Wala na namang nagtaas ng kamay sa amin.

"So no more questions. Now turn your book on page 36. Dreams and reality." Sabi ni Ma'am at nagdiscuss na.

***

Dismissal time na. So far debate pa lang naman ang project na nasasabi sa amin.

Nagpapack na kami ng gamit namin nang nagsalita si Kate.

"Guys wag muna kayong umuwi kukunin ko lang yung list of group para sa debate. Kaya stay put lang kayo jan." Sabi ni Kate at lumabas na nang classroom.

Nagkwekwentuhan lang kaming apat na babae rito hanggang sa dumating na si Kate na hingal na hingal. May hawak rin syang papel. Siguro yun na yung listahan nang groups.

"Guys sabi ni Ms. Feral magkakaroon tayo ng 8 groups. Each group will be consisiting of 5 members dahil 40 all in all tayo. Sabi rin ni Ms. Feral..." Napatigil naman siya sa pagsasalita. " Hoy kayo!! Ford, Dela Cruz at Fernandez kayong tatlo na naman. Lalong lalo ka na Dela Cruz. Magsiupo nga kayong tatlo!" Sabi nya. Cinompose nya muna ang sarili nya tsaka nagsalita ulit. "So as I was saying sabi rin ni Miss Feral one debate per day. Bali monday 1 and 2 then tuesday 3 and 4 and so on. So sabi rin ni Ms. Kahit 15 minutes lang magmeet up ang magkaka grupo para pagplanuhan ang debate. Sabi rin ni Miss wag din daw idadahilan ang project para makapaglakwatsa. So eto na yung groups.

"Group 1...." Hanggang sa umabot na nag Group 7.

"Group 7...

Tyler Ford

Lance Stanford

Marianne Coral

Trishianna Ford

And

Elisha Fortalejo."

"Group 8...

Dexter Dela Cruz

Christian Fernandez

Justin San Pedro

Jane Dizon

And

Joanna Sandoval."

"So ayan na yung groupings. Magmeet up na kayo together with your groupmates. May tanong pa ba?"

Nagtaas naman nang kamay si Justin with no emotion.

Inayos nya muna ang salamin nya at nagsalita na.

The Nerdy Geek vs. The Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon