*Continuation*
JUSTIN'S POV
Kumakain kami ng matiwasay ng may mga mokong na dumating. Tss. Bad Vibes nanaman ako.
"Hi mga nerds." sabi nilang tatlo at si Jane naman bilang umiwas ng tingin dun sa tatlo at nakita ko naman na nagsmirk si Dexter ba yun? ako nga lang nakapansin. Tss bat ko ba iniintindi yan.
"Bat kayo nandito?" mataray na tanong ni Joey.
"Bakit Ms. Kpop Lover sa yo ba to? By the way, masaya ba ang ginawa ko sayo? ha?" pangaasar ni Tyler. Inis na inis na nga si Joey. hahaha
"AHHHHHHHHHHHHHHH BESTFRIEND" nagulat kami nung tumili si Marianna at yumakap kay...
IAN??
Bestfriend sila? tsss wala kong pakealam. Bahala sila sa buhay nila. Basta makikinig na lang ako.
"Huh? sino ka hindi kita kilala?" tanong ni Ian at tinanggal ang pagkakayakap kay Marianna. Halata namang dinedeny nya lang.
"Eto naman nagpunta lang ako sa France nakalimutan mo na ko?" sabi naman ni Marianna at akmang yayakapin ulit si Ian.
"BAT KA PA BUMALIK? SANA HINDI KA NA LANG BUMALIK? JAN KA NAMAN MAGALING EH ANG UMALIS AT MANGIWAN. HINDI MO ALAM NA MAY NAIWANAN KA DITO AT ANG MASAKIT PA DON KINALIMUTAN MO KO KAYA KINALIMUTAN NA RIN KITA" sigaw ni Ian at umalis na silang tatlo. Halos lahat ng estudyante dito napatingin sa table namin. Si Marianna naman umiyak habang tumatakbo sinundan naman sya nila Trish, Joey at Jane. Akmang tatayo si Lance pero pinigilan ko na lang.
"Pards pabayaan mo na lang sila dun girl talk ang gagawin nila dun eh. Unless baka gusto mong sumali sa kanila. Baka ba---" pinutol nya yung sasabihin ko.
"Gago" sabi nya at umupo na sa upuan. Haha pikon.
TRISH'S POV
Hinahabol namin si Marianna papuntang cr, umiiyak parin sya. Ano kayang nangyari sa kanya at nangyari sa past nilang dalawa ni Ian?
"BES INTAY!" sigaw ni Jane. Kanina ang tahimik ngayon ang lakas sumigaw. Hay.
"MARIANNA SANDALI LANG!" sigaw namin ni Joey.
At pumasok na sya sa cr at nagsimulang humagulgul sa pagiyak.
"Bes, anong nangyari? Anong pinagusapan nyo ni Ian?" tanong ni Jane.
"Mar ano si Ian sa buhay mo?" tanong ko naman.
"Anong???? Wala na kong maisip eh." nagtawanan naman kami nila Jane. Kahit kailan talaga patawa to atleast nabawasan yung bigat ng loob ni Mar pero naging seryoso ulit ang muka nya.
"Gusto nyo bang malaman kung sino sa buhay ko si Ian?" tumango na lang kami nila Jane.
"Ganito kasi yon. Kami ni Ian magbestfriend pa lang since nung mga bata pa kami. Lagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay. Magkakampi sa lahat ng mga problema sa buhay at pag may umaaway sa isa sa aming dalawa. Kahit labag sa iba ang pagkakaibigan namin, kasi ako nerd sya varsity player sa school namin pero hindi nya ako tinignan kung anong ako physically kundi kung anong klaseng tao ako. Lagi nga kaming naka suporta sa isa't isa kapag may program sa school na kasali ang isa sa amin. Sa school ako lagi ang cheerleader nya pag may laro sya ng basketball. Siya naman lagi akong chinicheer pag kasali ako sa mga quiz bees. Pinangako namin sa isa't isa na walang iwanan, magkasangga lagi, at bestfriendd forever. Pero lahat yun nasira nung pinapupunta ako nila papa sa France at dun pinagaral ayaw ko pa sana pero nakabook na ang flight ko papuntang France. Wasak na wasak yung damdamin ko nun nung nakita ko syang hinahabol nya ako habang papaalis yung koste kong sinasakyan. Hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi man lang nasabi sa kanya na babalik ulit ako. Hindi ko manlang nasabi na.... Mahal na mahal ko sya." at nagsimula na ulit syang humgulgol sa iyak. Tinapik naman ni Jane yung likuran ni Mar at binibigyan naman ni Joey ng tissue si Mar.
"Wag kang mag alala kakausapin ko si Ian ipapaliwanag ko sa kanya lahat." sabi ko kay Mar.
"Wag na siguro kailangan ko na talagang mag move kasi tingin ko hindi na mababalik yung pagiging magbestfriend namin." sabi nya at lumabas na kami ng cr at pumunta pabalik sa classroom.
Gagawin ko ang lahat mabalik lang ang pagiging magbestfriend nyo...
JUSTIN'S POV
*Eto yung time na umalis ng canteen sila Joey*
"Pards lakad lakad muna ako kita na lang tayo sa room." sabi ko kay pards at nagdirediretso papalabas ng canteen.
Habang naglalakad ako may biglang bumangga sa akin.
"Hoy miss tumingin ka nga sa dinadaanan mo wag kang tatanga tanga." sabi ko dun sa babae at humarap siya sa akin.
"Hoy ikaw nga tong hindi tumitingin eh. Hindi mo nga tinitignan yung dinadaanan mo. Wala kabang mata?" sabi nya sa akin.
"Kasalanan ko bang tanga ka?" sabi ko sa kanya. Halatang inis na sya. hahaha pikon.
"Bakit kasalanan ko rin bang bulag ka?" sabi nya sa akin.
"Anong sabi mo? Di ko na rinig." sabi ko sa kanya.
"Di kalang pala bulag bingi ka rin pala. tssss." sabi nya sa akin. Aba't itong babaeng to.
"Sino ka ba ha Ms. tatanga tanga? Kung maka asta to kala mo kung sino?" tanong ko sa kanya.
"Ako tinatanong mo kung sino ako? Di mo ko kilala?" tanong nya. tsss
"Kaya nga nagtatanong eh. Tanga talaga." sabi ko sa kanya
"Well for your information Mr. eyeglasses hindi Ms. tatanga tanga kundi Elisha Fortalejo eh ikaw sino ka ba?" sabi nya sa akin. Pakialam ko kung sino sya.
"Hindi ako sinuka iniri ako ng nanay ko. At hindi Mr. eyeglasses ang pangalan ko kung di Justin Markus San Pedro yun ang pangalan ko Ms. tatanga tanga." sabi ko sa kanya at iniwan sya dun.
"AHHHHHHHHHHHHHHH." sigaw nya nung naka alis na ako dun. Haha. Siguro pikon na pikon na yun.
Naglakad na lang ako papuntang classroom. Kawalang ganang gumala eh. Bad trip.
***
Pagkadating ko sa classroom nandun na yung prof namin. Patay. Baka magkarecord agad ako.
"Oh good afternoon Mr.??? Why are you late? Didn' t you know that you have a class this hour?" sabi nung prof namin.
"I am so sorry ma'am there's quite problem I encounter earlier I m really sorry. By the way, I am Justin Markus San Pedro." pagpapakilala ko.
"Ok I will accept your reason for now but I won't accept it if this happen again ok, Mr. San Pedro?" sabi sa akin ng prof namin.
"Yes ma'am." sagot ko sa prof namin.
"Ok you may take your sit." sabi sa akin ng prof namin at pumunta na ako sa upuan ko.
"Hoy pards san ka galing?" tanong sa akin ni Lance.
"Mamayang uwian ko na lang ikukwento. Bad trip ako ngayun eh." sabi ko kay pards at nakinig na sa prof namin.
*KKKKRRRRNGGGGGG*
Sa wakas at uwian na rin. Natapos na rin ang napakahabang araw na to.
"Oy pards san ka nga galing kanina?" tanong sa akin ni pards
"Oo nga, nalate ka tuloy." sabi sa akin ni Trish sa akin.
"Wala naglakad lakad lang ako sa school tapos nakabangga akong babae kanina tapos naka away ko kaya na late ako kanina." sabi ko sa kanila
"Sus yun lang pala." sabi nila sa akin
"Tara uwi na tayo." yaya ko sa kanila.
Hay andaming nangyari ngayon araw. Salamat na tapos rin. Kais yung babaeng yun. Tsss
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[ACA: natapos rin ang chapter 2. Sa wakas. Abangan nyo mga katropa ang susunod na chapters.]
follow, vote, and comment
Just be COOL and be HANDSOME.
JXRED
BINABASA MO ANG
The Nerdy Geek vs. The Popular Girl
Teen FictionIstorya ng isang lalaki at babae at sa mga pagsubok nila sa buhay