Rica
badtrip... wala ako sa mood na makinig ngaun.. 25 minutes pa makakalaya ka na dito..
ai jusme naloloka na ako dito...after my long wait.... finally makakauwi na ako.. mabilis kong inayos ang gamit ko at binitbit ang aking bag.. di ko na talaga kaya kailangan ko ng itulog tooohhhh....
ai tanginang bato... bwisit!!! haharang harang sa dinaraanan ko.. kitang nagmamadali ako ehh -_-
sermon ko sa sira ulong bato sabay sipa ng pagkalakas lakas.. bahala na kung may matamaan ako.. basta gusto ko ng umuwi tapos..nasa waiting shed na ako.. antagal dumaan ng jeep... -_- asar talaga ohhhhh
matapos ang mahaba habang antayan ay nakasakay na ako at magbabayad na sana ako kaso damn!!!! nasan ang wallet ko?? kinapa ko sa bulsa ko kung nandun pero wala.. hinalughog ko na rin ang kailaliman ng bag ko pero wala talaga dun.. pati cellphone ko wala... naiwan ko pa ata sa school... -_- puchang araw tohhh
ano ng gagawin ko ngaun???????? nakakahiya na talaga.. ung ibang pasahero nakatingin na sa akin.. kung bababa man ako malayo na ako sa school... eotteokadyo???? anong gagawin ko???? mababaliw na ako.....
di naman ata nahalata ng driver na hindi pa ako nagbabayad diba???? kaso ung tingin ng mga pasahero sa akin iba ehhhhhhhh... magtulog tulogan na lang kaya ako?? kaso baka mahalata ng mga pasahero na ambilis ko atang makatulog.. ahhhhh ewannnn ko!!!!!!!!!!!!
napasilip ako sa bintana ng jeep ng may pumara at nakita kong nandun na ako sa lugar ko... nawawala na ako sa wisyo... naku manong sorry po.. sa susunod na makita kita ulit dodoblehin ko na ang bayad sayo..
tutal nandito narin naman na ako bumaba na ako..habang nag lalakad ako papunta sa bahay namin unti unting nilalamon ako ng konsensya ko.. jusme naman!!!!! di ata ako makakatulog ng maayos ngaun!!!!!!!