A/N: Anlakas makasingit sa utak ko ni Bryne hindi ako makatulog eh :3
“Salamat at pinayagan niyong panlalaki ang suotin ng anak ko Mr. Herrera. Ikaw na rin ang bahala ditto kay Bryne. Kung may gawin man siyang kalokohan ay sabihin niyo sakin.” May bahid ng awtoridad ang boses ni Law habang patayo na at naghahanda para umalis. Kinamayan niya ang principal na kanina pa ngiting ngiti.
“Asahan niyo, babantayan ko ng maigi ang inyong anak Mrs. Reyes. Sa laki ba naman ng itinulong niyo at nagbigay pa kayo ng ganun kalaking halaga para sa aming eskwelahan. Sisiguraduhin kong magiging maganda ang school year ni Bryne dito sa Apollo Academy.” Yumuko pa ito bilang pagbibigay ng galang. Napapailing nalang ako sa mga nakikita ko ngayon. Nagagawa nga naman ng impluwensya ni Law.
Ikaw ba naman magkaron ng ganyang ina? Iba talaga kapag may pera ka eh. Mag donate daw ban g 200,000 tsk, kung binigay nalang niya sakin yon? Hinatid naman naming sa labas si Law at tinignan lang niya ko ng kawala walang reaksyon at tuluyan ng sumakay ng kotse. Bakit ba ko nagkaron ng nanay na parang mama ni Gu Jun Pyo? Pinapangarap ko pa naman ay yung nanay na cool at parang barkada lang. Nyemas.
Naiwan naman akong mag isa pagkatapos pumasok ng principal sa loob ng office niya. Kanina lang sinasaibng babantayan ako tapos ngayon ni hindi man lang ako nilingon? Hindi man lang sinabi kung saan yung room ng Fourth year section 1. Leche.
Hinanap ko nalang yung way ko kung saan. Bahala na aish, ang sakit pa naman ng ulo ko ngayon parang umiikot tapos parang hinahalungkat yung bituka ko (-_-“)
After ng maliligayang araw ko sa condo ni Kuya Drei ay pinauwi na ko ni Law sa bahay. Wala naman akong magawa kundi sundin ito. Tulad nga ng binigay naming nickname sa kanya, siya ang batas at parusa ang makukuha mo kung hindi mo siya susundin. Siya pa naman nagbibigay ng allowance ko kaya ipit talaga ako. Sa aming limang magkakapatid ako at ang pangalawa sa bunso namin na si Kuya Pyne nalang ang nasa poder ni Law. Kaming dalawa nalang kasi ang nag aaral, siya sa college at ako sa highschool. Yung tatlo naman ayun, party party at wala na sa kamay ni Mama. Yung panganay, si kuya Rylie at sumunod, si Kuya Treize ay may kanya kanya ng pamilya at nasa ibang bansa. Pangatlo naman si Kuya Drei na bachelor pa rin (-_-) May sarili itong restobar. Kapag ako talaga naka graduate na ng college gusto ko ring magkaron ng buhay na katulad ng kay Kuya Drei. Walang sakit sa ulo. Sariling pera mo pa. Nyemas naman kasi bakit ang tagal ng oras eh.
Habang nagmumuni muni ay napadpad naman ako sa canteen. May gamot kaya sila?
“Ate, may binebenta ba kayong paracetamol?” tanong ko dun sa babae.
“Meron po.”
“Pabili nga isa.”
“Pati po ba bottled water?” tanong nito sakin. Tinignan ko naman yung nandun sa loob nung cooler. Ayoko naman ng tubig dahil malalasahan ko pa rin yung gamot. Ang pait kaya nun (-_-)
“Ayun nalang pong Dutchmill.” Turo ko sa nag iisang dutchmill.
Ininom ko na agad yung gamot at lumabas na para hanapin yung room ko pero leche hindi ko pa rin alam kung saan kaya naupo ako sa may gilid na bench. Inantok ako sa gamot.
“Ikaw yung Newbie?” tumingala ko para Makita yung mukha ng lalaking nagsalita. At tignan mo nga naman ang pagkakataon.
“Kamusta beanie guy?” ngumiti ako ng pang asar sa kanya. Nataas lang yung kilay nito sakin.
2 months na ang nakakalipas at hindi ko akalaing magkikita kami ulit nito. Unang pumasok sa utak ko yung inis ko sa kanya pero nahiya rin ako ng onti dahil sa ginawa kong kahihiyan nung pangalawang meet namin. Nawala na tuloy sa isip ko yung paghihiganting gusto kong gawin (-_-) Kung tutuusin may kasalanan din naman ako.
BINABASA MO ANG
She's not a Dude
Teen FictionKorean style haircut. Red highlights. Black earpiercing sa kanang tenga. Matangkad. Maputi. Matangos na ilong. Round flirty eyes. Dimples sa kanang pisngi and a killer smile. Yes, a total handsome. But no, not a dude. She's not a dude.
