Chapter 8

260 8 0
                                    


" 3 verses lang ang ginawa ko para hindi na masyadong mahaba, tapos yung melody niya is kaparehas lang nung song na cheerleader para mas mabilis na ma-memorize." Pagpapaliwanag ni Tristan sa mga kagroup na kasama sa Nutri-jingle.

Ako naman, nakikisang ayon lang sa kanila, di pa rin kasi maalis sa isip ko yung na-witness ko kahapon. Like daef, iniwan lang ako ng ganun ganun lang nung mokong na yon? Tapos ngayon! Wala pa siya. Buti nalang kinontak siya agad nung pres na nakalimutan ko nanaman yung name -_- at ayun binigay ko nalang yung address at OTW na daw siya at leche bakit ba ang dami kong ineexplain sainyo?! Mainit ulo ko! Wag niyo kong kausapin!

"Bryne, may nagdodoorbell. Si Russell na ata yun." Sinabi naman ni kuyang naka navy blue. Oo na! wala kong balak kilalanin sila okay?

"Sige wait lang ah." Tumayo na ko agad at dumiretso sa pinto. Pero wait, ano? Kakausapin ko ba siya o iisnobin ko lang? wait, oo sige magpapaka-cold muna ko.

Binuksan ko ang pinto at tumambad nga siya sakin. Expressionless. He's wearing a plain white vneck at pants.

"Hi. Pasok." Tipid na tipid kong sabi.

At! Hindi man lang niya ko inimikan! Mygad! Nakakalalaki na talaga to!

"Asan sila?" walang lingong tanong niya sakin na nauuna pang maglakad.

"Sa may veranda." Tipid ko ulit na sagot. Mejo naiirita na ko ah.

Hindi pa rin ito umiimik! Parang alam kung san yung veranda ah! Bahay niya ba to? Ghad.

"Nagdate kayo?" di ko na mapigilan sarili ko.

"What?" lingon nito sakin.

"Nung chicks na sumundo sayo kahapon. Nagdate kayo?" tanong ko pa ulit.

"Pake mo?" – Russ

Pigilan niyo nga ko!

"Im just asking. Kasi kung di mo ba naman ako iniwan kahapon without saying anything ni hindi mo nga ko nilingon diba. Thank you ah." Okay, di ko na alam kung tama pa ba mga sinasabi ko.

"Ha. Ano yan? Naghihimutok?"nagstop na siya at hinarap ako.

"N-nope. Just.. agh! Forget about what I said." I started walking fast dahil baka Makita niya lang na namumula na ko sa kahihiyan. Leche ano bang pinagsasabi ko.

--

"Bryne! Gusto muna daw mag break nitong mga lalaki na to! May malapit bang convenience store dito sainyo?" sabi ni pres.

"Ah, eh wala eh. Don't worry magpapakuha nalang ako ng snacks wait niyo nalang."

"May dutchmill ba kayo? Pasabi may nagrerequest. Gawin ng dalawa ah." Walang lingon na sabi nito sabay upo sa tabi ni Tristan.

"Anong flavor?" irita kong tanong. Buti nalang may stock kami ng ganun -_-

"Yung mixed fruits." Sagot niya agad. At nakipag usap na kay Tristan about dun sa nutri jingle. Waw ah nagpaparticipate pala siya sa mga ganyan.

At ako tumawag ng maid at sinabing magdala ng snacks at pati na rin yung nirequest ng Don na dutch mill. Pagkarating naman ng food ay agad nilang nilantakan.

"Bryne, tiba tiba ka pala no? May ganto pala family mo." Sabi ni kuyang naka navy blue sabay gumawa ng money sign gamit kamay niya.

" Oo nga, may mga maids pa." dugtogn naman ni.. sino nga kasi ulit to? Paul.

"Aah hehe di naman. May kaya lang." pilit na ngiti kong sagot sa kanila.

"pa-humble ka pa." hirit naman nitong si beanie guy -_- inirapan ko lang siya.

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon