Chapter 3: Alam niya na.

504 19 0
                                    

A/N: Hey! Its my birthday today at treat ko sa sarili ko ang new chapter ng SND XD HAHAHAHA! Anyway, kahit ako ang author ng story na to na e-excite na ko sa mga mangyayari! lol. Dedicated to my dear Sis! Hello :D kaway kaway ka dyan!

“Ilabas niyo na ang art materials niyo na ipinadala ko kahapon pati na rin ang text book niyo, Class.” Sabi ni Ma’am sa harap namin. Nyemas na MAPEH yan bakit may kasama pang Arts? Wala akong katalent talent sa pag do-drawing eh. Naalala ko pa nung grade 4 ako, nag drawing ako ng tao at nagmukha siyang lollipop na may pakpak (-_-) Isa ito sa mga ayaw ko. Kainis.

“Sayang, nalipat na kasi si Jin sa section 2 eh. Siya pa naman yung magaling mag drawing. Papagawa ko sana sakanya yun akin. Haha.” Daldal sakin ni Gab habang iniikot ikot yung lapis sa kamay niya.

Oo nga, magkakaibigan sila pero nasa ibang section yung dalawa.

“Eh bakit nga ba kayo naging magkaibigan nina Jin at Pierre eh magkaiba section niyo?” tanong ko kay Gab. One week na rin nakakalipas simula nung pumasok ako sa Apollo Academy at naging close na rin ako sa tatlo pwera kay Russel na lagi akong binubulyawan. Pero ngayon ko lang napansin yun.

“Magkakaklase kami simula first year hanggang third year. Hinati lang kaming apat ng mga teacher dahil sa mga ginagawa naming kalokohan. Sa totoo lang kaming dalawa lang naman ni Hajin ang laging may pakana ng gulo eh. Nadadamay lang yung dalawa. Hahaha!” kwento ni Gab sakin.

“That’s why Im stucked with you here kasama ang Newbie na ito. Mas maganda pang kasama si Pierre kesa sayo eh.” Sabi ni Russel with a bored face.

“Eh ano bang ginagawa niyong kalokohan at pinaghiwalay kayo ng section?” curious kong tanong kay Gab.

“Mga maliliit na bagay lang naman. Hindi sinasadyang pagdikit ng bubble gum sa upuan ng teacher namin nung first year. Ah, tapos naalala ko pa nung malapit ng matapos school year ng 2nd year pinaglinis kami sa may hagdan ng kabilang building, sobrang tuwa namin ni Jin eh napasobra na pala yung floorwax, ayun Isang teacher at dalawang students din ang naaksidente pero hindi naman grabe. Diba Russ? Pati nga ikaw muntik ng mabiktima nun eh! HAHAHA!” natatawang sabi ni Gab and Russel just snorted.

“At maliliit na bagay lang yon?!” gulat kong sabi. Napakalakas naman pala talaga ng trip ng magkakaibigan na ito.

“Yung pinaka major ay nung 3rd year. Minsan lang gamitin yung lab room dahil delikado raw pero nagkaron kami ng pagkakataon na makapasok nun, kasama naming lahat ng kaklase naming at Chemistry teacher. Tapos etong si Jin nakakita ng kulay bubble gum na tubig at ayun nakisali ako sa kanya. Eh sobrang tuwa naming pinagsama sama naming yung iba pa at pati yung mga powder dun tapos biglang umusok at sumabog, muntik ng masunog yung lab room. Ewan ko nalang kung anong nangyari nun dahil sinuspended na kaming apat at pinakiusapan nalang ng Papa ni Hajin kaya nakabalik kami.” Kwento pa ulit nito at nanlaki nalang ang mata ko sa mga pinagsasabi niya. Mga studenyante ba ito? O walking disaster?

“Tss. Pati kami dinamay niyo sa kalokohan niyo.” Sabi pa ulit ni Russel

“Hahaha! Hindi ka naman agrabyado nun dahil binilhan ka namin ni Jin ng isang box ng dutchmill pang peace offering eh.” Natatawang sabi ni Gab.

“Nagagawa niyo talaga yun pre?” hindi makapaniwalang sabi ko.

“Uhm, Oo. Minsan kasi kapag feeling namin na mag e-enjoy kami hindi na namin mapigilan sarili namin eh. Haha! Hindi na namin iniisip yung consequence kaya nga si Russ yung isinama sakin at si Pierre naman kay Hajin para na-co-controll kami.” Napapakamot sa ulo niyang explain.

“Kahit naman pagbawalan kayo hindi pa rin kayo nakikinig.” Walang ganang sabi ni Russ na busy pa rin sa pagbabasa nung textbook.

“Class, open your textbook on page 32 at gawin niyo ang exercise B.” paliwanag ni Ma’am.

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon