A/N: Papanindigan ko na talaga ito! HAHAHAHA! Uy! Sa mga naligaw na readers, kung may time kayo, kung may time lang talaga kayo, leave naman kayo ng comment kung anong tingin niyo sa story ko? haha thanks you in advance! :)
Tumambay ako sa harapan ng Timezone for 2 reasons. Una, dahil alam kong wala pa yung taong hinihintay ko at ang talagang dahilan, para sa attention.
Attention seeker kasi ako. Pero oy, hindi ako kulang sa pansin ah? Sadyang natutuwa lang ako sa atensyon na binibigay ng mga tao sakin as if interesado sila sa pagkatao ko. Yung mga tingin nilang parang kino-compliment yung appearance mo, ganun. Para sakin, happiness na yun. Ewan ko nalang sainyo.
So there, marami kasing nakatambay dito ngayon at may mga naglalaro rin sa loob at tulad nga ng hinala ko maraming napapalingon sakin. Tsk, iba talaga kapogian ko *grins*
“a-ate.. ay, Kuya.. Bryne?”
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses nung marinig ko ang pangalan ko at ngumiti lang sa mga babaeng mukhang highschoolers. Hindi kasi pamilyar mukha nila.
“Ikaw po si Bryne Reyes diba?” paninigurado nung babaeng naka headband
“Uh, Yes?” Binigyan ko ulit sila ng nag aalangang tingin.
“Ah Oo nga pala! Ako nga pop ala si Jane at eto si Gail. Nag aaral din po kami sa School na pinapasukan mo ngayon. Second year po kami. Hello po!” nag wave pa ito sakin.
“Ah, haha ganun ba? Nice to meet you.” Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko naman alam sasabihin ko. I don’t want to brag but Im popular in our school, pero hindi ko alam kung makakapag aral pa ko dun ngayong school year.
“Ku-kuya Bryne! Papicture naman po! Crush po kita!” nagulat ako nung biglang hawakan nung Gail yung balikat ko at tumabi sakin kaya napatango nalang ako.
“Kyaaaaa~! Ang bait mo po! Uy, Jane picturan mo kami dali!”
Nung matapos na yung picturan bigla nalang niya kong niyakap pero inalis din agad. Nahiya pa eh ginawa na nga.
“Ang gwapo niyo po talaga! Sana lalaki nalang po talaga kayo!” sabi pa ulit nung Gail. Well, hindi naman lingid sa school na babae ako pero hindi ko yun sinasabi. Wala din naman akong pakialam kung babae o lalaki tingin nila sakin eh. Ngumiti nalang ako nung nag thank you sila sakin at paalis na.
Pero nung paglingon nila sa gilid ay sakto namang may lalaking naglalakad kaya nagkabanggaan yung dalawa. Lumapit ako agad nung natumba yung babae.
“Okay ka lang?” I asked after kong alalayan siyang tumayo at tumango naman ito.
“Tumingin ka kasi sa nilalakaran mo.” Sabi nung lalaking nakabangga sa kanya. Aba! Siya na ngang may kasalanan siya pang may lakas ng loob na magalit?
“Pre mukha naman atang may kasalanan ka rin, hindi ba pedeng mag sorry ka nalang?” sabi ko.
“Bakit naman ako mag so-sorry eh siyang bumangga sakin?” walang kaemo-emosyong sabi pa nito.
Ang lalaking ito! Ang pogi pa naman sana malapit na sa level ko pero ang ugali hindi kanais nais.
“Hindi naman niya sinasadya eh. Kailangan mo ba talagang sabihin na kasalanan niya?” sagot ko pa ulit. Nakakainit lang ng ulo. Kahit hindi ko kilala itong babae na ito naha-hype ako. Pinaka ayoko sa lahat ay yung mga ganitong klaseng lalaki eh.
“Hindi ba?” sabi nito.
“Ah kuya Bryne Okay lang po sa akin yun. Ano kuya, sorry po.” Sabi nung Gail para lang matapos yung sagutan. Sasagot pa sana ako pero nagtuloy tuloy na sa paglalakad yung lalaki at nagpaalam naman yung mga babae sa akin.
BINABASA MO ANG
She's not a Dude
Fiksi RemajaKorean style haircut. Red highlights. Black earpiercing sa kanang tenga. Matangkad. Maputi. Matangos na ilong. Round flirty eyes. Dimples sa kanang pisngi and a killer smile. Yes, a total handsome. But no, not a dude. She's not a dude.