Oct.8 (Thursday)
He was explaining alien words, something about logarithms. Medyo naiintindihan ko naman but I can't help myself from staring at him blankly.
"Na-gets mo na ba 'tong problem 2?" – he asked me with a straight face.
"Nakakaintindi ako ng math, pero bakit nung inexplain mo, parang ang bobo bobo ko?" – napapailing nalang ako habang sinasabi yon. Eh paano ba naman, tinuruan niya ko nung mga short cuts pagdating sa pagsosolve ng log. Jusko I kennat.
Binatukan niya ko ng mahina. Pinandilatan ko siya dahil sa shock ko. Napahawak nalang tuloy ako sa ulo ko. Pero bakit parang hindi dahil sa inis kaya ginawa niya yon? Ugh.
"Tatlong beses ko ng inexplain sayo to. Tinuturo ko na nga kung ano yung mas madali eh." – Russ said to me.
"Fre, ituro mo nalang yung mahirap. Yun yung madali para sakin (-_-)"
Napabuntong hininga nalang siya sa akin. It has been 4 days na tinuturuan niya ko about trigo dahil nga di ako nakapasok last week dahil sa nangyari sakin. Kung naaalala niyo pa yung promise niya sakin na tuturuan niya ko, tinupad niya nga. Kaya eto kami sa bahay ko. 4 days na rin na after class lagi kaming magkasama. Tinatake advantage niya lang ata to para makasama ako eh?! I crossed my hands in front of me, yung parang niyayakap yung sarili ko..
Napakunot naman siya sa ginawa ko.
"What are you doing?" – siya
"Ikaw ah. Siguro may binabalak kang masama sakin?" – ako
Nabigla naman siya sakin but remained straight face.
"E-hem.." – siya
"Oh. Sabi ko na nga ba eh!" – at this time, niloloko ko nalang talaga siya pero natatawa talaga ko sa reaction niya. Epic
He was not looking at me. "Kung may balak akong masama sayo. Nung Monday palang ginawa ko na." – Russ said while looking at the workbook he was holding.
"Kadiri ka pre." – Ako
"uhm.. ", may sasabihin pa ata ito pero di rin natuloy so I look at him with "Ano-yon?"-look.
"Hindi, wala.. uhm.. wala ba kayong dutchmill?", tumayo pa siya na parang balisa at nagstart na maglakad papuntang kitchen.
"Oy, wait lang. Ako na kukuha. Feeling neto! Oy, sandali!", mabilis ko siyang sinundan sa kusina, nagstop naman siya sa harap ng fridge.
He opened it at kkinuha yung dalawang dutchmill. He gave the other one to me still avoiding looking at me.
"Uy, napano ka ba?" – I asked him curiously. Still feeling the coldness coming from the fridge, I closed it.
"uhm.. do you like Pierre?" – he asked shyly.
"Hmpff... Pffft... HAHAHAHHAHAHA!"
"Im asking seriously." – he shot me a glare. Ako naman inistart ko ng inumin yung dutchmill na binigay niya sakin. I leaned on the table next to the fridge at natatawa pa rin sa sinabi niya.
"Bakit mo naman tinatanong?" – balik tanong ko sakanya
"You know.. I heard yesterday, that he asked you out on a date this weekend. And you said yes." – yumuko pa siya nung sinabi yon, he started drinking his dutchmill.
Memories flashes back last Sunday evening. Naalala kong nagising sa kalagitnaan ng tulog ko and found Pierre beside me. I remember uttering words.. "Hey, on weekend.. that's a deal.."
"Hindi ba panaginip yun?" – mahinang mahinang sabi ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" – tanong naman ni Russ sa akin.

BINABASA MO ANG
She's not a Dude
Genç KurguKorean style haircut. Red highlights. Black earpiercing sa kanang tenga. Matangkad. Maputi. Matangos na ilong. Round flirty eyes. Dimples sa kanang pisngi and a killer smile. Yes, a total handsome. But no, not a dude. She's not a dude.