Chapter 13

284 7 7
                                    

October 4 (Sunday morning)

"Im hooome, at laaaast! Fressshhh aaaair, ako'y inyong yakapiiin!", excited ko pang niyakap sarili ko at nag inhale exhale pagkalabas ng vios ni kuya Drei.

"Baka gusto mo munang ilabas tong mga napakarami mong bagahe, Bryne. Grabe para kang tumira sa ospital ng one year sa dami ng dala mo (-_-)", binuksan ni kuya Drei yung trunk atsaka nilabas yung bagsss ko. Yes, bagsss.

"May sakit ako kuya. Pagbubuhatin mo ba yung kapatid mong injured?", paawa effect ko pang sinabi at ayun nakonyatan lang naman ako.

"dami mong alam, aalis ka nga mamayang hapon para makipag partytime tapos may sakit sakit ka pang nalalaman. Dalhin mo to. Ipasok mo na sa room mo.", sabay abot sakin nung black bag.

"Yes sir."

Pagpasok ko sa loob eh sakto rin na nandun si Law.

"Good morning, ma." Tapos tuloy tuloy kong akyat sa room ko.

Narinig ko pang nag uusap si kuya Drei at Law habang pababa na ko para mangupit ng lafangs.

"Aalis si Bryne?" – law

"Pupunta daw dun sa birthday party ng kaklase niya." – kuya Drei

"Okay na ba pakiramdam niya? Ano ba sabi ng Doctor?" – law

"Sus, magaling na yan. Nang eechos lang. Sabi naman ng doctor wag lang daw masyadong magpakapagod. Okay na naman daw yung tahi niya. As long as nalilinis ng maayos." – kuya Drei

"I'll be out of the country for about 3 months.– law

Malapit na ko nang sinabi yon ni Law. Grabe, di na nga ko dinalaw nung birthday ko tapos ngayon aalis pa siya? Tss

"San ka nanaman pupunta, mama?" – ako na yung nagtanong.

"London. I'll send you your allowance nalang every month. Don't worry may kinausap na ko na makakasama mo dito since nalaman ko rin na mag oout of town din pala itong kuya mo with his friends for a month." – Law

"Do you really need to do that? Hindi mo naman ginagawa yun dati ah?" – ako

"well, think of it as my birthday gift for you." – law

"birthday gift (-_-) eh sino ba yung kinausap mo?" – ako

"You will know it tomorrow. My flight is today so I better get going. Ikaw Drei? Anong oras ka aalis?" – law

"ihahatid ko lang tong asungot na to sa bahay ng kaklase niya and deretso na kong alis, mama." – kuya Drei.

"Watch your mouth, monkey." – ako

"asungot." – kuya Drei.

---

Nasa biyahe na kami papunta sa bahay ni Pierre. Ni wala nga kong dalang gift. Bahala na, tutal birthday ko rin naman hahahahha

"I heard about the bet between law and your friends. How's it going?", tanong ni kuya drei with a smile, parang looking forward pa ito (-_-)

"Di na ko tinigilan since then. I can't believe them! Pinagkaisahan talaga nila ko.", I sigh heavily dahil naalala ko nanaman yung eksena nung pinipilit na rin ako pati ni Fran.

"Don't ever think of getting away from it again, Bryne. Baka bigla ka nalang ulit maglayas dyan uupakan kita.", he said habang tinatago yung ngiti niya

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon