Chapter 7

262 7 0
                                    


A/N: May napansin lang ako. HAHA! Sa aking pagbalik sa Watty, may mga napansin akong halos kaparehas ng kwento ko. Hindi ko alam baka nagkataon nga lang ba? Na maski pati mga idea ng bawat chapters eh may similarities XD Just saying..

edit: Hi! 3 months ago since nung last update ko. Di ko alam kung masasayahan o maguguilty akong may mga nagbabasa pa pala ng SND. Thank you sa support grabe! haha labyu.

"QUIET GUYS! Please Quieeeet!" sigaw nung president namin. Si ano, ano nga bang pangalan nito?

"Psst, Gab. Ano nga kasing pangalan niyan?" tanong k okay Gab na busyng naglalaro ng rubiks. Sorry (-_-) kahit halos isang buwan na kong nag aaral ditto hindi ko pa rin memorize mga pangalan ng kaklase ko.

"Sino? Si Marv? Yang maingay?" walang lingon na sabi nito.

"Aaah Marv." Tatango tango ko namang sabi habang nakatingin na kay Marv upang makinig.

"Mga Uno. Since Nutrition Month ngayon, merong program.. at competitions na gaganapin. Nagmeeting kami para pag usapan kung ano yung mga contests na yon." Explain nito.

"Di ba pedeng wag nalang sumale? Pampabawas pogi yun eh!" reklamo ni Lopez habang may hawak na salamin at inaayos yung nakatayong buhok niya.

"Hindi pede! Tinuringan tayong section 1 tapos tayo pang hindi mag paparticipate? Tss. Anyway, so ayun nga. Merong essay writing contest, quiz bee, poster making at nutri jingle. Bawat student kailangang magparticipate or else, may sanction." Pagpapatuloy nito.

"Ano namang parusa?" tanong ni kuyang nakasalamin sa may harap.

"Community service. Buong school. Plus bayad na 500 pesos." Sagot ni Marv sa tanong ni kuya.

"Kahit kelan talaga kurakot yung school natin eh." Sabi pa ni Gab na binitawan na yung hawak niyang rubiks. Kinuha naman ni Simangot guy yung rubiks at pinagpatuloy ang pagkalikot dito.

Ako: Marunong ka ba niyan?

Rus: Oo, may utak kasi ako eh.

Ako: tss pustahan di mo mabubuo yan.

Tinignan ko yung mga daliri niyang ambilis.. gumalaw O__O isang minuto nga lang ang lumipas at.. buo na yung rubiks.

Ako: P-Pano mo nagawa yon?

Rus: Ginagamitan kasi ng utak to. Hindi sayo to pede.

Ako: Kaya ko yan! Amina peram!

Hinablot ko mula sa kamay niya yung rubiks at sinimulang sirain.

Sirain..

"Hala! Ba't ayaw ng bumalik?!" reklamo ko habang iniikot ikot yung mga kulay.

"Pang matatalino nga lang kasi yan." Monotonous nitong sabi.

Ako: Pre, magaling ka diba? Turuan mo nga ko.

Rus: Ayoko.

Ako: Sige na pre. Ngayon lang, bilhan kita ng dutchmill.

Mygad gusto kong matutunan tong lecheng kahon na to. Di ako makakapayag na hindi ko sya mabuo. Nakaklalaki eh.

Rus: Marami akong dutchmill. No thanks.

Ako: Dutchmill! Plus Pick A! plus dutchmill ulit! Turuan mo lang ako pre.

HInawakan ko pa yung braso niya para alug alugin pero parang wala lang sa kanya na poker face pa rin (-_-)

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon