Chapter 10

245 9 1
                                    

Chapter 10

A/N: Nakakahiya ako mag UD T_T every other 3 months or a year ata hahahaha! Sorna talaga. Im trying naman XD Im still happy na may ilan ilan pa rin ang nagkakainteres sa love life ni Bryne :) Thank you guys!

--

Pasipol sipol pa na naglalaro ng rubiks cube si Gab sa tabi ko. Absent kasi yung prof namin sa di ko alam na dahilan. Ako? Nakatulala.

"Bryne, gusto mong pumunta ng arcade?", tanong ni Gab na nakafocus pa rin sa rubiks na ilang beses na niyang paulit ulit binubuo.

"Yoko. Nakakatamad, pre." Simpleng sagot ko tsaka nagsalumbaba sa desk ko.

"Eh ikaw Russ?" tanong ulit nito na nakatingin pa rin sa nilalaro.

"Ayoko din." Mabilis at deretsong sagot naman ng mokong.

Walang interes na lumingon ako sa direksyon niya at napansin kong nakatingin pala siya sakin pero agad din nitong tinanggal ang pagkakatingin niya nung lumingon ako. Tss, siguro na-iinsecure sa kapogian ko.

"Punta kaya tayo sa canteen?", tanong ulit ni Gab.

"Libre ko kayo. Tara!" Sabay tayo habang umuunat at ngumiting tumingin samin.

"Tinatamad talaga ko, pre.." angal ko sakanya na parang bata. Nakakatamad kasi talaga. Sobrang pagod ng utak ko ngayon eh, kakatapos lang namin mag quiz sa math. Naubos ata yung braincells ko.

"Sige naaaa! Nabobored ako dito eeeeh.." hinila niya pa yung braso ko. Dahil lakas trip talaga ko, nagpabigat ako na parang bata at umunga unga, siya naman sigeng hila rin at sumakay nalang sa trip ko.

"Sige na nga!", sumagot ako na boses bata. Hahaha! Di ko din alam pero anlakas talaga makahila ng goodvibes nitong si Gab.

Tumayo na rin ako at inakbayan siya sabay naglakad na palundag lundag pa palabas.

"ANong bibilhi---" hindi na natapos yung sasabihin ko ng may ulong sumulpot sa may pintuan. I mean, babae na sumisilip.. wait pamilyar yung mukha niya ah?

"Dito ba yung room ni Ardie?" pataray na tanong nito kay Marv na nasa tabi lang ng pinto nakaupo. Tumango lang ito habang nakanganga. Yung babae naman tuloy tuloy na pumasok at iniscan yung loob ng room. Lahat naman kami napatigil.

"ARDIEEE!" Sigaw nito ng matanaw si Russel at patakbong lumapit sakanya.

"Surprise! Nagtransfer na ko sa school niyo when I found out na tumatanggap na rin sila ng mga girl students! See? Im already wearing your uniform! Nakakainis nga lang napunta ako sa section 2 *rolled eyes* at may mukhang unggoy dun na humihingi ng number ko. Anyway, atleast magkasama na tayo ulit! Isn't that awesome?!" dere-deretsong sabi nito kay Russ, her eyes twinkling with excitement.

"G-great.." mahina at parang nabiglang sagot ni Russ.

"Hey! Transferee? Im Gab! Russ' bestfriend!", pagkakakilala ni Gab.. na mabilis na nawala sa tabi ko (-_-)

"Hi nice to meet you! Im Jessica, Russel's girlfriend." Tipid na ngiting sabi niya. Lahat kami na-shock.. as in buong klase.

"By the way, I heard wala kayong prof?", agad naman nitong binalik ang atensyon kay Rus na ngayon ay parang natataranta na ewan. Ako naman at Gab nagkatinginan lang at sabay nagkibit balikat.

"Oo, absent." Sagot ni Russ.

"So.. do you want to go out with me?", she even offers her hand to him while smiling.

Kinabahan ako nung biglang tumingin sakin si Russ bago sumagot.

"Sure, but I want them to come.", turo niya saming dalawa ni Gab na parehas nagtataka.

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon