Chapter 15

167 8 9
                                    

"Eh bakit nga kasi?" – Russ asked me again for the nth time.

"Basta! Huwag ka nalang makulit jan." – iritang sagot ko sakanya.

"Ano naman kung malaman nila na girlfriend kita? May masama ba don?"

"Will you just---SHHHHHH okay? SHHHHH!" – nilagay ko pa yung hintuturo ko sa harap ng labi ko.

Sabay kaming naglalakad papasok ng school. Nasa gate na kami nung tinatanong nanaman niya ko bakit daw ayaw kong sabihin sa mga kaibigan namin na kami na. Gabi palang ng Thursday tinext ko na siya na huwag muna sanang sabihin sakanila. Ayaw ko muna. Ewan ko, bakit ba?! Nahihiya ako. Tapos eto, sabi niya kaninang morning sabay daw kami pumasok so pumayag naman ako. At kinulit na niya ko ng kinulit.

"BRYNNNNNNNNE!!!! PREEEE!" – nung matanaw kami ni Gab eh agad naman itong kumaway samin. Biglang nagbago yung mukha niya, nagtataka siguro na kasabay ko si Russel pumasok.

"Good morning pre!", bati ko naman sakanya na siyang dating naman nina Pierre at Jin. Si Pierre nakangiting nakatingin sakin tapos si Jin naman pilit na iniinis si Pierre.

"Morning, Bryne!" – bati ni pierre

I answered with a smile. Tatabihan sana ko ni Pierre nung biglang humarang yung mokong.

Sinuntok naman ni Pierre ng pabiro si Russ dahil sa ginawa nito. "Easy pre, hahaha bakit ang bugnutin mo ata ang aga aga."

Tinignan ko siya at ang buwisit inirapan ako. OMG.

"Nag away kayo? HAHAHAHAHHAHA!" – Gab

"Hindi ah." – depensa ko naman

"Parang mga bata neto. Oy Jin, dala mo ba rubiks ko? Peram nga.", pagkasabi non ni Gab eh lumapit ito kay Jin at naglaro nung rubiks niya. Si Russ ang sama parin ng tingin sakin.

"Bryne.." – si Pierre, lumapit na siya sakin ngayon.

"Uhmm. Bukas ah. Remember?" – napapakamot pa siya ng ulo nung sinabi niya yon.

"Ah oo naman! Siympre naaalala ko haha." – agad ko namang sagot.

"Oy." – biglang salita ni Russ na dahilan ng pagtingin naming dalawa ni Pierre sakanya.

"Baket?" – tanong ko.

"W-wala. Sige mag usap na kayong dalawa dyan." – sabay ibinaling nalang yung atensyon sa iba. Napangiti tuloy ako bigla. Dati, halos araw araw akong naiinis sa lecheng to bakit ngayon parang natutuwa kong nakikita siyang ganyan? Haha

"Bryne?" –tanong naman ni Pierre. Hala akala siguro nito nababaliw na ko.

"Ay, ano.. uhm san pala tayo pupunta?" – tanong ko sakanya.

"Uhm, mahilig ka bang manuod ng movie?" – Pierre

"Medyo. Gusto mo manuod ng sine?" – Ako

"Sana." – ngiti pa nito sakin.

"Sige pre. Ano bang bago ngayon?" – Ako

"Aahh, yung mga sa cinemalaya sana? Tsaka may discount daw kasi yung mga students basta may ID. Gusto mo?" – Pierre

"Sige sige :) Ikaw na pumili ng papanuorin ah." – Ako

"SIge---" – Pierre

"Russ—" – Ako

"Time's up na. Oh oras na oh. Tara na Bryne may klase pa tayo." – Russ

Hinila niya na ko papasok ng room at din a rin ako nakapagsalita. Nag wave nalang ako kay Pierre na natatawa nalang at pumasok na rin siya sa room nila.

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon