Chapter 4: Alam na din nila.

529 24 13
                                    

A/N: Yihiee New Chapter po ^_^ Inspired eh :)

Sinilip ko sa gilid ko ng napakabilis si Russel sabay bawi. Hmm, ano kayang iniisip nito? As usual naka earphone. Liningon ko naman si Gab sa kabilang gilid ko. Nakikipagdaldalan dun sa isang katabi niya. Nung napansin niyang nakatingin ako ay nginitian ako at binalik ko rin naman ng alanganing ngiti sabay kunwari may sinusulat ako. Wala namang pagbabago. Ganun pa rin. Hindi pa ba sinasabi ni Beanie Guy sa iba na babae ako? Well, wala naman akong paki kung sabihin niya. Sabagay, wala naman sa mukha niya ang pagiging daldalero. Pero bakit ganun? Pati sa mga kabarkada niya? One week na ata pero ganun pa rin naman pakikitungo nina Pierre sakin. Nilingon ko ulit si Russel. Ano kaya nasa utak ng lalaking ito? Tsss, Nyemas! Hindi ko na pala dapat iniintindi yun (>.<) diniinan ko yung puson ko para hindi ko maramdaman yung sakit. Putcha bakit ba nauso sa babae ang buwanang dalaw?!

         “Wala si Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaam! Wala si Ma’am! Yahoo free time!” sigaw ni Gillermo na kakapasok lang. Ewan ko kung saan galing pero magandang balita nga dala niya. Wala si Ma’am, buti naman.

          “Oy, Bryne tara tambay wala daw si Ma’am!” kalabit sakin ni Gab na nakalapit na pala.

“Saan naman?” tanong ko agad, gusto ko talagang tumambay ngayon. Panira lang talaga itong period ko (>.<)

“Sa totoo lang.. mag cu-cutting tayo..” bulong niya sakin na ni lapit pa yung labi niya sa tenga ko.

“H-ha? Cutting? Saan ba tayo pupunta?”

“Arcade! Teka.. okay ka lang ba?” biglang tanong niya na parang nagtataka sa mukha ko.

“Ah oo okay lang ako, medyo masakit lang ulo ko. Bibili nalang akong gamot mamaya. Ano tara?” Dahilan ko at tumayo na.

“Sige, wait. Oy Russ! Tara dali!” kalabit naman nito kay Russel na biglang dumilim nanaman yung mukha.

“Ano nanaman?” nakabusangot nitong tanong.

“Arcade. Tinext ko na si Hajin. Pipilitin niya nalang daw si Pierre. Tara.” Hinila pa nito yung earphone ni Russel.

“Ayoko.” Simpleng sagot nito.

“Ang arte naman nito! Hindi ba pedeng wag nalang yan isama?” irita ko namang singit sa dalawa. Pa-bebe pa kasi eh. Lalo pa naman madaling uminit ulo ko ngayon. Nyemas.

“Mas lalo namang ayaw kitang kasama.” Agad naman nitong sagot sakin.

“Tigil na. Hoy Russ, sasama ka o walang dutchmill? Lalabas kami. Marami nun dun.” Panghihikayat pa ni Gab habang tinaas taas yung balikat. Talaga bang na-ba-blockmail siya ng dutchmill? Weird.

Hindi pa rin sumasagot si Russel at binalik lang yung earphone sa tenga niya. Sa sobrang inis ko ay hinila ko na si Gab palabas ng room.

“Hayaan mo na yang Simangot Guy na yan!” sabi ko naman na ikinatawa ni Gab.

Nung makalabas na kami ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Nasobrahan ata.

“Simangot Guy? HAHAHAHA! Saan mo naman nakuha yun?” tanong niyang hindi makapaniwala. Hay, kailangan pa bang i-explain eh obvious na naman kung saan galing yun.

“Eh lagi kasing nakabusangot eh. Tara na, iwan nalang natin siya.” Dere-deretso kong lakad.

Mabuti na itong naglalakad ako para hindi ko napapansin yung sakit ng puson ko (-_-) Mas trip ko pang maglakad kesa naka upo lang ako eh.

“Pre wait!” Habol sakin ni Gab.

“Alam mo ba kung saan pupunta?” hindi pa rin mawala ngiti niya nung nakahabol na sakin.

She's not a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon