A/N: Dahil muli nanamang nabubuhay si Bryne saaking mga brain cells kaya di ko nalang namalayan nakabukas na ang netbook at nagsisimula nanaman akong tumipa ng bagong kabanata. Sa mga readers at napadaan, guys leave naman comment oh. Pampalakas lang ng loob haha. Labyu!
Magfafast forward tayo ng dalawang linggo pagkatapos ng nakakahiyang insidente. Di alam ni Bryne kung paano pa niyang kinayang magpractice kasama ng asungot na yon na ayon dito eh wala daw natatandaan sa mga nangyari, grrr. Naganap na nga ang Nutri-jingle pagkadating ng miyerkules. Nagwagi pa rin sila sa naturang contest kahit na halos lamunin na si Bryne sa mga pinaggagawa niya sa stage. Ni hindi niya nga malaman kung bakit sila nanalo well, kung si Russ ba naman ang nasa center.. edi siya na.
So mabalik tayo sa kasalukuyan.. sa classroom. Ang lakas ng tawa ng mga kaklase ko. Pati na rin prof namin (-_-) Bakit? Pinapanuod lang naman po kasi namin yung ginawa namin nung nakaraan na short film. At double kill na kahihiyan nanaman para sakin. Dahil mukha akong robot na nagbubuga lang ng script. (_ _)
"Bryne—Bwahahahah! Leche!Yung—Bwahahaha! Tapos—Bwahaha!" –Gab.
"Pre! Bwahahaha! Ang lupet mo! Hahahhaa" sigaw ni Kyle na napakalayo ng upuan samin. Sige, ipagsigawan niyo lang (-_-)
"Grabe, di ko matanggap na ako ang kapartner mo dyan. Nakakahiya ka." Iiling iling at walang ekspresyon na sambit pa nitong mokong sa gilid ko.
I shot a glare at him pero parang wala lang to sakanya kaya wala na kong nagawa kundi itago yung namumula kong mukha sa palad ko.
Lecheee! >///< Oo na! Nakakatawa na ko! Pero bwiseet! Bakit pinapanuod pa kasi nitong Panot na to yung mga vids samin?! Di ba pedeng sarilinin nalang niya?! Grabe! Ganito pala yung resulta ng mga pinaggagawa ko. Sobrang nakakahiya (-_-)
Di ko pa rin tintanggal ang kamay ko sa mukha ko dahil sa lakas ng tawa nila.. na parang wala ng katapusan. Pero, nagtaka ko nung unti unti silang tumahimik, tapos may para napa 'ooooh..' pa sa kanila. Hala, tapos na ata? Agad ko namang tinanggal yung kamay ko sa mukha ko para tignan.
It was me sitting in a bench, but not really me. This person is too feminine to be me. She was looking somewhere.. somewhere far. Tapos may nag voice over pa.. boses ata yun ni Gab.
"Hinanap ko ang kasagutan sa aking paligid. Nung una, parang nakababagot. Kung titignan mo'y wala namang tugmang salita sa aking mga tanong. Pero kahit ganun hinanap ko pa rin, muntikan na kong mapunta sa parte kung saan mas malayo sa aking nais, muntikan ng maligaw ngunit napilit gumising. Minsan naisip kong magtago nalang sa isang kahon. Malapit na sana akong sumuko..
Akala ko noon, likas na sa isang tao ang paghangad ng mas higit pa. Ang pagiging hindi kuntento sa kabila ng pagtatago sa salitang 'kuntento na ako' Ganun ang pananaw ko, Pero.. sa pagtanaw ko sa mas malawak na mundo. May isang bagay pa pala na makapagpapakuntento sa isang tao, sa iba.. sa akin.
Malapit na sana akong sumuko sa paghahanap ng kasagutan pero napatigil ako nang makita ko ang sinseridad at kawagasan ng iyong ngiti.. may isang bagay pa pala na nakakapagpakuntento sa tao.."
And that was me, unconsciously smiling at someone. Si Russell. Habang nakikipaglaro sa tuta at nakatawa. And the video clip fades out.. then everyone clap.
What? Anong meron don? Eh diba mas nakakatawa nga 'yon? Ang weird naman netong klaseng to. (-_-)
"Pre! Ang chicks mo pala! Pero ang ganda ng boses ko diba? *smirks*" siniko pa ko ng mahina ni Gab na mas proud pa ata sa pagvovoice over niya (-_-)
BINABASA MO ANG
She's not a Dude
Novela JuvenilKorean style haircut. Red highlights. Black earpiercing sa kanang tenga. Matangkad. Maputi. Matangos na ilong. Round flirty eyes. Dimples sa kanang pisngi and a killer smile. Yes, a total handsome. But no, not a dude. She's not a dude.