1.4 ; lost.

75 4 3
                                        

a/n ; I died on the last update pero guess what, nabuhay ako ulet lol.

dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko't napansin kong naka-dress parin ako. yung suot ko kagabi. speaking of the party, kagabi. harujusq, para akong minumulto nung mga sinabi ni joaquin kagabi. siya? nahulog na sakin? psh, imposible.

bakit naman mahuhulog sakin si joaquin? e mukha naman akong tingting na naka-salamin noon, pero atleast walang brace. at di ako mukhang nerd pft.

"cath, wake up. jk's here." narinig 'kong sabi ni papa.

kumaripas ako ng takbo, papunta sa may hagdan at nakita kong naandun si jk sa living room. nanonood ng spongebob na kasalukuyang palabas sa tv. yung suot niya kagabi, yun parin yung suot niya ngayon.

"jk?" I said and the echo sa buong livingroom boses ko.

"oh, hi, catherine!" he stood up from the couch at sinalubong ako ng big hug. na-squished nanaman mukha ko sa chest niya hays.

"kanina ka pa ba naandito?" tanong ko ng makakalas na ako sa yakap niya.

"hindi naman," sabi niya. "napadaan lang ako kasi sabi ni mama, nagtext si tita para dito na daw ako mag-breakfast hehehe." tumango-tango nalang ako at maya-maya, kumuha siya ng panyo sa bulsa niya't may pinunasan sa pisngi ko.

kinapa ko naman, basa pa yung pisngi ko.

"shet, sorry. may laway pa pala ko sa pisngi."

"jusko, sanay na ko makita kang may wagak pa sa pisngi!" pagbibiro niya. tumawa siya ng tumawa hanggang sa ako, eto, pikon. "pikon ka nanaman e, wala ka kasi sakin. tara na, naa-amoy ko na luto ni tita!"

nag-gala nanaman ako pero this time, with jk and ylona lang. inamin ko na, kinilig ako kagabi. kahit na may hindi magandang nangyare kagabi pagkatapos akong isayaw ni joaquin. gusto niyo bang malaman? wag na. ay jk.

"mahal kita, catherine." bulong niya. lumundag yung puso't kaluluwa ko dahil sa narinig ko. "mahal kita. maniwala ka man o hindi. mahal kita."

tinulak ko siya at halos, madali ko na yung dalawang sumasayaw sa likod niya.

"joaquin, naririnig mo ba mga sinasabi mo?"

"oo, at hundred percent, mahal kita." he groaned. "bakit ba ayaw mong maniwala, catherine? dahil ba sa sinasaktan kita? pinaiiyak kita?" hindi ko nanaman napigilan ang mga luha. napilitan akong lumabas at narealize kong sinusundan niya 'ko.

"joaquin, layuan mo ko please!"

"cath, makinig ka muna sakin! sagutin mo rin tanong ko!" sigaw niya. nahuli niya, buset. hinila niya ako't niyakap. "cath, sagutin mo ko. dahil ba sa sinasaktan kita? pinapalayo kita sa mga taong gusto mong kasama?"

tinulak ko ulet siya at sumigaw, "oo! oo, joaquin! dahil sa ganon ganito ganyan! ano, masaya ka na?! lagi nalang kasi ikaw ang masusunod! tao rin ako, joaquin! at hindi sayo umiikot ang mundo ko! mabait na tao si brace, bakit mo b-"

"maniwala ka sakin, cath! masamang tao si brace!"

"tumigil ka na!"

"masama siyang tao! nilalason niya lang utak mo!" sigaw niya. napahinto ako sa pagiyak. napaka-labo ng paningin ko. hindi ko alam kung anong gagawin ko. joaquin just reached his boiling point. "pinagtatanggol lang kita sa lalakeng kaya kang patayin kahit ano mang oras! hindi pisikal pero mental!"

"sinasabi mo lang yan para mapalapit ako sayo!"

"hindi ko nga dapat sinasabi 'to sayo, catherine eh! dahil gusto ko ikaw ang makakita non! na masamang tao si brace!" sabi niya. "pero kung ayaw mong maniwala? okay. goodluck sayo, catherine. hindi ako nagkulang ng paalala sayo."

dahan dahan siyang naglalakad paalis. hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan? hindi pala. hindi ko siya pipigilan. sinisiraan niya lang ang bestfriend niya.

"akala ko ba mahal mo ko?" sabi ko't tumigil siya sa paglalakad. "bakit basta basta mo nalang akong iiwan? ibig sabihin ba non, di totoong mahal mo ko?"

"kanina, catherine mahal kita." he said in a cracky voice. "pero yung malaman kong parang wala kang tiwala sakin? nawala rin yung nararamdaman ko sayo."
.
.
.
"cath, are you listening to me?" harujusq.

"ah, yes, jk? teka, na-mental block ako sorry."

"but, as I was saying, nakita 'ko si joaquin with olivia. nagpunta sila sa cinema. manonood ata ng finding dory or ng finding pake." binatukan 'ko nga. ang daming alam. manahimik lang hindi hays.

tumakbo ako agad papuntang cinemas. para saan ba? edi manonood ng sine. kung ayaw nila ylona? edi ako nalang. sanay na naman akong magisa e.

letseng, tadhana. ayaw akong papasukin oh. naubusan daw ng ticket, aba. kung sapakin ko kaya 'to? maglalabas kaya 'to ng tickets? no choice, kundi, balikan sila jk at ylona sa ground floor. malamang nagiintay yon duon.

"there you are." ylona said. I faked a smile and wrapped my arms around her. "why are you crying? oh wait youre not. but why are you sad, then?"

"wala lang. siguro kasi, ubos na tickets."

jk laughed at me and ruffled my hair. jusmiyo.

"better luck next time, bespren. next time? bilisan mo ng takbo. para ka kasing pagong e. bagal-bagal mo hays." hinampas ko yung braso niya't dumayo na kami sa starbaks. este, starbucks. magka-kape lang.

"i-gaya mo pa ko sayo na mabagal na nga, lampa pa."

"lampa pero bawi po 'to sa mukha."

'09*********: cath, trust me. he's a bad person.'

'09*********: cath, magusap tayo sa monday. lunch break.'

'09*********: mahal parin kita, cath.'

'09*********: believe me, pinsan ko si olivia hahaha.'

'09*********: cath, uso reply.'

'09*********: cATH JUSKO!'

'09*********: wala ka pa daw sa bahay sabi ni tita, yung mommy mo, nasan ka na? okay ka lang ba? gusto mo sunduin kita? okay ka lang ba kung saan ka man?'

'09*********: di nila makita si brace, kasama mo ba siya? letse. sabihin mo, cath.'

ang mayabang na chinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon